Ang Matayog na Pangarap ng PNP at ang Paghubog ng Kabataan
Posted on Sunday, 29 January 2017
Ang Matayog na Pangarap ng PNP
At Ang Paghubog ng Kabataan
Ni Apolinario Villalobos
ANG MATAYOG NA PANGARAP NG PNP NA MABABAGO
ANG UGALI NG MGA PULIS KUNG PAIIGTINGIN O PAGBUTIHIN PA ANG SISTEMA NG
EDUKASYON NILA AY HANGGANG PANGARAP LANG. KUNG TALAGANG NAKATANIM NA SA ISIP NG
ISANG RECRUIT NA GUSTO NIYANG PUMASOK SA PNP DAHIL GUSTO NIYANG YUMAMAN SA ANO
MANG PARAAN...MANGYAYARI YAN.
ANG MGA ITINUTURO SA MGA MALALAKI AT
HIGH-TECH NA UNIBERSIDAD AY HINDI BASTA-BASTA PERO PALPAK ANG KARAMIHAN SA MGA
NAGTAPOS SA KANILA.
·
BAKIT ANG MGA GRADUATE AY MALI
PA RIN ANG PAGBIGKAS NG LETRANG “R”?
·
BAKIT MARAMI PA RIN SA MGA
GRADUATE ANG BOBO SA SECOND LANGUAGE NA ENGLISH?
·
BAKIT ANG MGA IBINOBOTO NG
TAONG BAYAN SA GOBYERNO AY GUMAGAWA PA RIN NG KATIWALIAN….MGA KORAP?
ANG BASICS NG DISIPLINA AY HINDI
NAITUTURO SA MGA ESKWELAHAN. ITO AY NATUTUTUHAN SA TAHANAN, ITINUTURO AT
IPINAPAKITA NG MGA MAGULANG SA KANILANG KILOS AT PANANALITA. KUNG NAKIKITA NG
MGA ANAK ANG ARAW-ARAW NA PAG-AAWAY NG MGA MAGULANG, ITO ANG MAITATANIM SA ISIP
NILA. KUNG NAKIKITA NILANG NAGPAPALUSOT O NANLOLOKO ANG KANILANG MAGULANG, ITO
ANG MATUTUTUHAN NILA, ATBP.
ANG MASAMA PA, PAGPASOK SA ESKWELA, HALOS
WALANG NATUTUHAN ANG MGA BATA PAGDATING SA DISIPLINA. NI HINDI NATUTURUAN KUNG
PAANONG MAGTIPID DAHIL MISMONG ILANG ESKWELAHAN ANG NAGPAPAKITA NG WALANG
HUMPAY NA PAGGASTOS SA PAMAMAGITAN NG MGA REQUIREMENTS TULAD NG MGA MAHAL NA
WORKBOOKS AT ASSIGNMENTS NA PAGDATING SA BAHAY, NANAY DIN PALA ANG GUMAGAWA!
HUWAG NANG MANGARAP PAGDATING SA
EDUKASYON….AYAW KONG MAG-SUGGEST DAHIL DRASTIC ANG MASASABI KO TULAD NG
PAGTANGGAL AGAD SA HALIP NA –RETRAINING PARA SA MGA TAMULMOL NA MGA TIWALING
PULIS; PAGSARA AGAD SA MGA ESKWELAHANG MUKHANG PERA ANG MGA MAY-ARI….AT HIGIT
SA LAHAT, HUWAG TANGGAPIN SA TRABAHO LALO NA PARA SA MGA SENSITIBONG POSISYON, ANG
MGA BOBONG HINDI MARUNONG NG TAMANG
PAGBIGKAS NG LETRANG “R”!
Discussion