Suggestions para sa Pista ng Nazareno
Posted on Friday, 6 January 2017
SUGGESTIONS PARA SA PISTA NG NAZARENO….
Ni Apolinario Villalobos
Dahil pinaniniwalaan ng mga debotong
Katoliko na may milagrong mangyayari sa kanila kapag nakahawak man lang sila sa
lubid, lalo na sa estatwa ng itim ng Kristo, nakikipagbalyahan sila upang
makasampa sa karo at maipahid ang face
towel nila sa mukha nito, o di kaya ay nagkakandaipit sa pagpilit na makasama
sa paghila ng lubid….resulta: ang iba ay nadadaganan ng kapwa deboto….kung
hindi man mapilay, pag-goodbye sa mundo ang inaabot nila….dahil lang sa…….?
UPANG WALANG GULO, DAPAT AY TALIAN ANG
BANDANG LIKURAN NG KARO NG ISANG KILOMETRONG LUBID UPANG MAHAWAKAN NG MGA
DEBOTO, AT NANG HINDI SILA NAKIKIPAG-AGAWAN SA LUBID NA NASA HARAPAN. KAPAG
NANGYARI YAN, SIGURADONG ANG DADAGSAIN AY ANG LIKURAN NG KARO KAYA MAPAPABILIS
ANG PAG-USAD NG PROSESYON O TRANSLACION PABALIK SA QUIAPO CHURCH. NANINIWALA
DIN LANG SILA SA MILAGRO, EH DI LUBUSIN NA NILA! ANG PALIWANAG KO SA SUGGESTION
NA YAN AY “HINIHILA SILA NG NAZARENO PATUNGO SA PAGBABAGONG BUHAY”. KUNG
NAKIKIHILA NAMAN SILA, PARA NILANG PINAPALABAS NA NAHIHIRAPAN SI HESUS NA
MAKATULOY SA KANYANG PATUTUNGUHAN KAYA TINUTULUNGAN NILA, GANOONG PANAY NAMAN
ANG HINGI NILA DITO NG BIYAYA, AT ANG IBA AY NAKAKALIMUTAN PA ANG MAGPASALAMAT!
UPANG WALA NAMANG PROBLEMA SA FACE TOWEL NA
GUSTONG IPAHID SA MUKHA NG NAZARENO, DAPAT, SA LUNETA PA LANG AY MAGPAHID NA SA
ESTATWA NG LIBU-LIBONG FACE TOWEL UPANG IPAMIGAY SA MGA TAO BAGO
MAGPRUSISYON….MAGAGAMIT PA NILA KAPAG PINAWISAN HABANG NAKIKI-PRUSISYON.
NAPAPANSIN KASI NA MAY IBANG SUMASAMPA NA SA ULO NG IBANG DEBOTO UPANG
MAKAAKYAT LANG SA KARO AT MAGPAHID NG FACE TOWEL NILA SA MUKHA NG ESTATWA.
ANG HINDI MAINTINDIHAN AY KUNG BAKIT
HIHINTAYIN PA ANG ARAW NA PISTA NG
NAZARENO GANOONG ITO AY NASA SIMBAHAN LANG NG QUIAPO 24/7 BUONG TAON. HUWAG
SABIHING SA ARAW LANG NG PISTA INILALABAS ANG “TUNAY” KUNONG ESTATWA NG
NAZARENO KAYA PAGKAKATAON NANG MAKITA ITO. KAPAG ANG DAHILANG YAN ANG
IPAGPIPILITAN, LALABAS NA WALANG EPEK ANG PANANAMPALATAYA NG MGA DEBOTO DITO
KUNG HINDI NAKIKITA O NAHAHAWAKAN ANG “TUNAY” NA ESTATWA, GANOONG ANG TUNAY NA
PANANAMPALATAYA AY WALANG PINIPILING ORAS, PANAHON, AT LUGAR....YAN ANG DAPAT
IPALIWANAG NG SIMBAHANG KATOLIKO UPANG MABAWASAN ANG KAMANGMANGAN NG ILANG
SUNOD LANG NG SUNOD SA MGA SINASABI NG MGA PARI NA ANG ILAN NAMAN AY MAY
KADUDA-DUDA NAMANG PAGKATAO….KAYA PAANONG PANINIWALAAN?
HINDI AKO GALIT O KUMUKONTRA SA MGA GAWAIN
NG SIMBAHANG KATOLIKO, PERO DAHIL SA CURIOSITY AY NAGTATANONG LANG AKO.
CONCERNED DIN AKO SA MGA NAMAMATAY AT NASASAKTAN TUWING PISTA NG NAZARENO LALO
NA ANG MGA SUMASAMA SA PRUSISYON. KARAPATAN KO YAN BILANG ISANG NAG-IISIP NA
PILIPINO. DAPAT PANG UNAWAIN NA ANG MGA NAGLILINIS NG KALSADA AT MGA PULIS NA
NAGMIMINTINA NG KAAYUSAN TUWING SASAPIT ANG PISTA NG NAZARENO AY SINUSUWELDUHAN
NG TAONG BAYAN MULA SA BUWIS NA BINABAYAD NILA….KASAMA NA AKO DIYAN.
Discussion