0

May Kapalit ang Lahat ng Inaasam

Posted on Sunday, 15 January 2017

MAY KAPALIT ANG LAHAT NG INAASAM
…mga sakripisyo at “collateral damage”
Ni Apolinario Villalobos

Upang mailabas ng ina ang isa pang buhay kailangan niyang isalang ang kanyang sariling buhay at mismong buhay ng iluluwal na sanggol sa pangambang may mangyaring hindi maganda. Pwedeng mamatay ang nanay o sanggol dahil sa kapabayaan ng mga nagpapaanak sa kanya.

Upang magkaroon ng katahimikan sa pagitan ng nag-aaway na mga bansa, kailangan ang dahas na dinadaan sa patayan upang may malupig o matalo at yumuko sa nanalo. Pwedeng magkaroong ng “truce” o panandaliang katahimikan pero hindi ito tatagal dahil sa kagustuhan ng mga nag-aaway na matalo ang kalaban at mapatunayan ang kapangyarihan at lakas ng mananalo. Natigil ang WWII dahil binomba ng Amerika ang Japan….maraming namatay pero nagkaroon ng katahimikan bilang hudyat sa pagkakaroon ng panibagong pamumuhay sa buong mundo.

Ngayon, ang pangkalahatang tawag sa mga nadamay na tao at pagkawasak ng mga bagay dahil sa magandang layunin ay “collateral damage”,

Hindi digmaan ang problema ng Pilipinas….mas matindi pa sa digmaan. Ang mga ito ay ang kabuktutan ng mismong mga namamahala ng bayan na maliban sa pagiging korap ay nuknukan pa ng pagkainutil dahil sa pagbabaya ng mga dapat nilang gawin, mga taong pinagkatiwalaan ng taong bayan. Dahil sa kanila, namayagpag ang mga krimen lalo na ang mga may kinalaman sa droga. Ang mga biktima ay mga mahihirap, lalo na ang mga kabataan. Ang mga mayayamang drug lords at pushers nila ay lalo pang yumaman. Kung lahat ng kabataan ay magiging drug user sampu o mahigit pang taon mula ngayon, ano ang mangyayari sa bansa na mamanahin nila mula sa mga tumatandang mga mamamayan?  Ang mga mamamatay nang mga magulang ay makakaiwas sa nakakatakot na kalagayan, subalit ang mga ipapanganak pa ang kawawa!

Napupuna ang mga “collateral damage” sa ginagawa ni Duterte upang masugpo ang droga, subalit sino ang may sala? Kung may itotokhang na talaga namang kilalang drug addict at drug pusher, hinaharangan ng mga asawa, magulang at anak ang mga pulis….ginagawa silang kalasag o shield ng mga dapat sana ay aarestuhin. Talagang sinasadya nilang gawin ito sa pag-asam na hindi matutuloy ang pag-aresto.

Hindi dapat manibago ang mga Kristiyano tungkol sa isyu ng  “collateral damage” dahil maituturing na naging ganyan di si Hesus na namatay sa krus upang masagip sa kasalanan ang buong mundo. Hanggang ngayon ay maituturing pa ring napakalaking “collateral damage” si Hesus ng mga Kristiiyano dahil sa mga ungas na nagmamarunong na lider ng simbahang Katoliko. Sa sobrang kaungasan nila ay hindi na rin sila nakikinig sa mismong santo Papa nila! Kung sa Ingles, “what else is new?”….maliban na lang kung talagang ang mga tanga at ungas na mga bumabatikos kay Duterte ay sagad to the bone ang pagka-demonyo!  

DAPAT AY UNAWAIN NA WALANG KATAHIMIKANG MATATAMO SA NAPAKAMADALING PARAAN O IBIBIGAY NANG BASTA NA LANG. HUWAG MAGING IPOKRITO AT MAGMAANG-MAANGAN PARA LANG MASABING HUMAN LIFE ADVOCATE KUNO!!!!



Discussion

Leave a response