Ang Tagumpay ni Joselito Hibo ng Philippine Airlines
Posted on Friday, 6 January 2017
Ang Tagumpay ni JOSELITO HIBO
Ng Philippine Airlines
Ni Apolinario Villalobos
Taga- Gloria, Oriental Mindoro si Lito at
nang makipagsapalaran sa Maynila ay napasabak sa iba’t ibang uri ng
mapagkikitaan upang may maitulong sa mga kapatid at biyudang ina. Panganay siya
sa pitong magkakapatid at lalo siyang nagpursigeng makipagsapalaran sa Maynila
nang mawala ang kanilang tatay. Naging landscape assistant siya sa Ayala bago
napasok na janitor ng Superior Maintenance Services (SMS) at masuwerteng ang
naitalagang assignment niya ay ang PAL offices sa Makati noon. Nakaisang-taon
din siya sa SMS nang maisipan niyang mag-apply at kumuha ng eksamin sa PAL, at
dahil may pinagmamagaling namang talino ay napasahan niya.
Messenger ang unang trabaho niya, sa noon
ay tinatawag na Public Relations Office ng PAL, pero kung tawagin ngayon ay
Corporate Communications. At, dahil hindi siya nagrereklamo kung may pinapagawa
ang mga nakakataas sa kanya. Natuto siya ng iba’t ibang gawain pati ang
pag-classify ng mga impormasyong kinakalap ng opisina nila na pina-file niya
upang magamit na reference materials. Napasabak din siya sa pag-cover ng mga
events ng Philippine Airlines lalo na ng iniisponsoran nitong taunang PAL Golf
Tournament sa Davao. Dahil sa mga naipon niyang kaalaman hindi naging mahirap
sa kanya ang ma-promote bilang Corporate Communications Assistant.
Sa kabila ng kawalan ng trabaho ng kanyang
asawa, naitaguyod nila ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak sa tulong ng
suweldo niya sa PAL. Ang pagtitiyaga nilang mag-asawa ay nagkaroon ng magandang
resulta nang makatapos ang dalawa nilang anak….ang panganay ay nakatapos ng
Customs Administration, at ang nakababata ay Business Administration. Ang bunso
ay nasa third year college naman…at, lahat sila ay walang bisyo!
Hindi gaanong malaki ang sinasahod ni Lito
sa PAL, pero sa kabila niyan ay nakakapamuhay sila ng maayos, kasama na diyan
ang walang patlang na pag-aaral ng kanyang mga anak. Ang ibang suwelduhan na
halos umabot sa isandaan libo kada buwan ang tinatanggap ay hirap sa pagpatapos
ng mga anak dahil sa maling paraan sa pagpapalaki sa kanila. Ang biyayang ito
ang pinagpapasalamat ni Lito sa Diyos na kanyang inaalagaan, at ang hinihingi
niya ay may matutunan sa kanilang mag-asawa ang kanilang mga anak.
Discussion