Ang Kapabayaan ng mga Ahensiya ng Gobyerno sa Pangangalaga ng Files at Tapes
Posted on Wednesday, 25 January 2017
Ang Kapabayaan ng Mga Ahensiya ng Gobyerno
sa Pangangalaga ng Files at Tapes
ni Apolinario Villalobs
MALINAW NA SINASADYANG BURAHIN O ITAGO NG
MGA TIWALING OPISYAL NG MGA AHENSIYA ANG TAPE NG KANILANG CCTV UPANG PAGTAKPAN
ANG NANGYARING KATIWALIAN.
DAPAT KASUHAN NG ADMINISTRATIBO ANG
NAMUMUNO DAHIL SA KAPABAYAAN, LALO PA AT MAY BATAS TUNGKOL SA PAG-IINGAT NG
FILES.
ANG MGA FILES AY MAY “BUHAY” O “VALIDITY”
KAYA HINDI BASTA-BASTA PINAPATUNGAN ANG MGA RECORDED INCIDENTS NG MGA BAGONG
RECORDINGS DAHIL SA PAGTITIPID KUNG ITO ANG GUSTONG PALABASIN NG MGA AHENSIYA.
LAHAT NG FILES NG MGA AHENSIYA NG GOBYERNO
AY MAHALAGA KAYA DAPAT AY NILILIPAT AGAD ANG MGA ITO SA MGA “BACK-UP” - MICRO FILMS O ARCHIVE NG MGA FILES. MAY
ISANG BUREAU ANG GOBYERNO PARA MANGALAGA SA GANITONG BAGAY. ANG MALAKING TANONG
AY BAKIT HINDI ITO KUMIKIBO?...BAKIT HINDI SILA MAGLABAS NG PAALALA?
DAHIL SA PANGYAYARING NABANGGIT, ANG
KAPABAYAAN AY MAITUTURING NA MALAKING “CONSPIRACY IN IRRESPONSIBILITY”. YAN ANG
SINASABI KO NOON PA MAN NA INUTIL ANG BUONG SISTEMA NG GOBYERNO….WALANG SILBI.
ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT PARANG MGA TANGANG NAKANGANGA SA KAWALAN ANG
MGA IMBESTIGADOR TUWING MAY HAHANAPING TAPE NA NABURA DAW!...WALANG
COORDINATION ANG BAWA’T ISA DAHIL SIGURO SA KANYA-KANYA RING MASAMANG
INTENSYONG MANGURAKOT….AT KANYA-KANYANG TURUAN KAPAG SUMABOG ANG MGA ISYUNG
KINASASANGKUTAN NILA!
Discussion