Ang Kahinaan ng Social Security System (SSS) ng Pilipinas
Posted on Monday, 16 January 2017
ANG KAHINAAN NG SOCIAL SECURITY SYSTEM
(SSS)
NG PILIPINAS
Ni Apolinario Villalobos
SA INTERBYU NA GINAWA SA ISANG OPISYAL NG
SSS, INAMIN NITO NA 40% LANG NG DAPAT SINGILIN ANG TALAGANG NASISINGIL O
NAGRE-REMIT NG CONTRIBUTION, KAYA ANG IBIG SABIHIN AY 60% NA CONTRIBUTION O MGA
REMITTANCE ANG “NAPABAYAAN”. ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT DELIKADONG LAKIHAN ANG
DAGDAG SA PENSION, DAHIL SIGURADONG MAKALIPAS LANG ANG ILANG TAON AY MAUUBOS NA
ANG PONDO. MALINAW NA TINUTULUGAN NG SSS ANG DAPAT NILANG GAWIN, LALO PA AT
TILA NAKIKITAAN ITO NG PALPAK NA SISTEMA. SANA INAMIN NA LANG NG ININTERBYU NA
INUTIL SILANG MGA OPISYAL NG SSS DAHIL SA KAHINAAN NILA SA PAGGAWA NG MAGANDA
AT EPEKTIBONG SISTEMA AT PAGPAPATUPAD NG MAHIGPIT NA PANININGIL.
UPANG MABAWI DAW ANG KAKARAMPOT NA DAGDAG
NA 2THOUSAND PESOS NA IBIBIGAY NG TWO INSTALLMENTS SA MGA SENIOR CITIZENS,
KAILANGANG MAGDAGDAG NG CONTRIBUTION. ITO ANG PINAKATANGANG SOLUSYON DAHIL ANG
DAPAT GAWIN AY PILITING MASINGIL ANG MGA
HINDI PA NASISINGIL NA 60%. SA HOUSING PROGRAM NITO, MARAMING FORECLOSED
PROPERTIES, BAKIT HINDI RIN ITO BIGYANG PANSIN, PATI ANG MGA NAKATIWANGWANG NA
LUPAIN BILANG ALTERNATIBONG PANGGAGALINGAN NG PONDO?
ANO ANG MANGYAYARI
KUNG MAGDAGDAG NA NAMAN NG CONTRIBUTION?...EH, DI SIGURADONG HINDI RIN MAKAKASINGIL
NG BUO DAHIL SA PALPAK NA SISTEMA AT KATAMARAN NG SSS!
SIGURADONG
HANGGANG 40% NA NAMAN LANG ANG MASISINGIL KAYA ANG KAWAWA AY ANG MGA AKTIBONG
MIYEMBRO LALO NA ANG MALILIIT DAHIL ANG MGA PROBLEMA AY ANG MGA KAWATAN NA
EMPLOYERS AT ANG SSS MISMO!
Discussion