0

Ang Kapabayaan ng mga Ahensiya ng Gobyerno sa Pangangalaga ng Files at Tapes

Posted on Thursday, 26 January 2017

Ang Kapabayaan ng Mga Ahensiya ng Gobyerno
sa Pangangalaga ng Files at Tapes
ni Apolinario Villalobs

MALINAW NA SINASADYANG BURAHIN O ITAGO NG MGA TIWALING OPISYAL NG MGA AHENSIYA ANG TAPE NG KANILANG CCTV UPANG PAGTAKPAN ANG NANGYAYARING KATIWALIAN. DAPAT KASUHAN NG ADMINISTRATIBO ANG NAKATALAGA SA PANGANGALAGA NG FILES AT TAPES DAHIL SA KAPABAYAAN….MAY BATAS TUNGKOL SA PAG-IINGAT NG FILES.

ANG MGA FILES AY MAY “BUHAY” O “VALIDITY” KAYA HINDI BASTA-BASTA PINAPATUNGAN ANG MGA RECORDED INCIDENTS NG MGA BAGONG RECORDINGS DAHIL SA PAGTITIPID KUNG ITO ANG GUSTONG PALABASIN NG MGA AHENSIYA, NA NAPAKAMALI AT MABABAW NA DAHILAN. MAGKANO LANG BA ANG MGA BAGONG TAPES?...AT MAGKANO BA ANG KINUKURAKOT?

LAHAT NG FILES NG MGA AHENSIYA NG GOBYERNO AY MAHALAGA KAYA DAPAT AY NILILIPAT AGAD ANG MGA ITO SA MGA “BACK-UP”  - MICRO FILMS O ARCHIVE NG MGA FILES. MAY ISANG BUREAU ANG GOBYERNO NA NANGANGALAGA NG GANITONG BAGAY. ANG MALAKING TANONG AY BAKIT HINDI ITO KUMIKIBO TUWING MAY IMBESTIGASYON AT ANG MGA IMBESTIGADOR AY PARANG TANGANG NAGTATANONG KUNG NASAAN ANG MGA TAPES O FILES?...BAKIT HINDI SILA MAGLABAS NG PAALALA SA MGA AHENSIYA UPANG MAGING OPISYAL ANG UTOS NA BATAY SA BATAS?....AT ANG MGA TANGANG IMBESTIGADOR NAMAN AY HINDI MAN LANG NAISIP NA IPATAWAG DIN ANG HEPE NG AHENSIYA UPANG MAGPALIWANAG TUWING MAY KASO AT ANG REQUIREMENTS AY MGA FILES, HARD COPY MAN O TAPES.


DAHIL SA PANGYAYARING NABANGGIT, ANG KAPABAYAAN AY MAITUTURING NA MALAKING “CONSPIRACY IN IRRESPONSIBILITY”. YAN ANG SINASABI KO NOON PA MAN NA INUTIL ANG BUONG SISTEMA NG GOBYERNO….WALANG SILBI. ISA YAN SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT PARANG MGA TANGANG NAKANGANGA SA KAWALAN ANG MGA IMBESTIGADOR TUWING MAY HAHANAPING TAPE NA NABURA DAW!...WALANG COORDINATION ANG BAWA’T ISA DAHIL SIGURO SA KANYA-KANYA RING MASAMANG INTENSYONG MANGURAKOT….AT KANYA-KANYANG TURUAN KAPAG SUMABOG ANG MGA ISYUNG KINASASANGKUTAN NILA!

Discussion

Leave a response