Ang Death Penalty at ang Gamot sa Sakit
Posted on Sunday, 15 January 2017
Ang Death Penalty at ang Gamot sa Sakit
Ni Apolinario Villalobos
Noon pa mang unang panahon, kasama na ang
panahon ng Bibliya, ay mayroon nang parusang kamatayan. Ang malupit na uri ng
hatol para sa nagkasala noon hanggang ngayon na pinaiiral ng ilang bansang
kumikiling sa Islam ay batay sa sinabi sa Bibliya na, “…tooth for a tooth…”. Sa mga bansang yon, ang nanggahasa
ay pinuputulan ng titi at ang nagnakaw ay pinuputulan ng kamay. Ang parusang
kamatayan ay bahagi na ng kultura ng iba’t ibang uri ng lahi sa ibabaw ng mundo
dahil upang kahit papaano ay magkaroon ng pagpapahiwatig na may katumbas
Sa Pilipinas, nasindak ang mga drug lords
at drug pushers nang binaril sa Luneta ang isang Chinese drug lord. Nagsilayas
ang mga drug lords at nagpahinga ang mga drug pushers….ang mga drug addicts
naman ay nagbago. Panahon yan ni Marcos, at nang siyang ay napatalsik, ang mga
sumunod pang presidente ay naging malamya sa pagpapatupad hanggang sa naunggoy
o nabola ng life advocates, lalo na ng mga international na grupo upang tuluyan
na itong burahin bilang batas kaya namayagpag ang iba’t ibang uri ng krimen
lalo na ang mga may kinalaman sa droga.
Batay diyan, bakit sasabihin ng mga humaharang sa death penalty na hindi
ito epektibo o deterrent?
Ang isyu ay hindi nalalayo sa pag-inom ng
gamot laban sa sakit. May mga tao kasing umaasang gagaling agad sila
pagkatapos uminom ng ilang pirasong
tablet lang. Ang matindi ay ang mga matitigas ang ulo na hindi sinusunod ang
sinasabi ng doctor na ubusin ang anti-biotic na nireseta sa kanila. Kapag
nakaramdam na kasi nang kaginhawahan sa sakit ay tinitigil na ang pag-inom,
kaya siyempre, babalik ang sakit….AT ANG SINISISI AY ANG GAMOT NA HINDI DAW
EPEKTIBO!
Discussion