0

Ang Mga Kapalpakan ng Department of Health na Dinagdagan ng Condom

Posted on Tuesday, 3 January 2017

ANG MGA KAPALPAKAN NG DEPARTMENT OF HEALTH NA
DINAGDAGAN NG CONDOM
Ni Apolinario Villalobos

Ang nakaraang namuno ng Department of Health (DOH) ay tinanggal dahil sa mga isyung may kinalaman sa maling paggamit ng pondo. Hindi pa gaanong nabibigyan ng pansin ang kapalpakan sa isyu ng health center sa mga barangay na kulang o walang health workers kaya nagkakaroon ng patlang-patlang na iskedyul o “alternate”, ng mga health workers sa dalawa o mahigit pang barangay. Tinitipid din sa suweldo ang mga health workers. Ang matindi, kalimitan ay wala pang istak na gamot ang mga health center! Baka wala pa nga itong nagagawang programa para magbigay- buhay sa ideya ni Duterte na buksang muli ang mga Botika ng Bayan….hanggang ngayon ay walang naririnig tungkol dito, na dapat ay meron na.

Sa kabila ng patung-patong na problema ng DOH, gusto pa nitong mamigay ng condom sa mga estudyante sa high school na kung susumahin ang gastos ay aabutin ng bilyong piso. Ang nakakahiyang isyu dito ay ang obvious na pagsisipsip ng bagong namumuno ng DOH sa presidente na ang gusto ay makontrol o matigil ang pagtatalik ng mga kabataan na nagiging dahilan ng pagdami ng mga magulang na nasa batang gulang o menor de edad, at pagkalat ng AIDS. Narinig lang ang panukala ay inisip agad  ang pagbigay ng condom sa mga estudyante, na para bang wala nang ibang paraan! Sa gustong mangyari ng DOH,  parang babaril ito ng asong kahol ng kahol upang tumahimik…na pwede namang hampasin lang!

Lahat ng bagay na binibigay ay inaasahan nang may paggagamitan ng binigyan. Halimbawa, ang  baong pera na ibinigay sa mga estudyante ay pamasahe sa pagpasok at pambili ng pagkain. Binibigyan din sila ng papel o notebook para may masulatan….ng ballpen o lapis para may magamit sa pagsulat. NGAYON, BAKIT SILA BIBIGYAN NG CONDOM…DAHIL BA INAASAHAN SILANG MAGSI-SEX? YAN YATA ANG NASA ISIP NG BAGONG NAMUMUNO NG DOH….NAPAKARUMI NAMAN! BAKA INIISIP NIYA NA ANG PALAGING PINAG-UUSAPAN NG MGA MAGBABARKADANG ESTUDYANTE AY KUNG SAAN ANG PINAKAMURANG LODGE O MOTEL! DAPAT MAG-CHECK KUNG MAY KAKUTSABANG OPERATORS NG MOTELS O MANUFACTURERS NG CONDOM. Hindi ako masisisi sa pag-isip ng mga ganoong bagay dahil binigyan ako ng dahilan. Hindi bobo ang mga Pilipino…yan ang dapat isaalang-alang ng DOH.

Ang dapat na mangyari sana ay lalo pang paigtingin ng Commission on Higher Education (CHEd) ang Sex Education. Dapat ding pitikin ng pamahalaan ang mga magulang na may mga kakulangan sa pagpapatnubay ng kanilang mga anak. May mga magulang kasi na mas gusto pang makipagbarkada sa mga ka-madyong at ka-ballroom kaysa mag-check ng mga pangangailangan ng mga anak. Akala ng maraming magulang ang pangangailangan ng mga anak nila ay hanggang pera lang. Dahil sa kapabayaang iyan ay nabaling ang tiwala ng mga anak nila sa mga kabarkada.


Sa panig naman ng DOH, dapat ay asikahun nito ang mga nakakahiya nitong problema dahil sa kabila ng malaking budget ay wala namang nakikitang maayos na programa ang mga Pilipino.  Pera ng bayan ang malalagay sa alanganin kapag hindi ito nagastos ng maayos na nangyayari na nga. Kung iniisip ng bagong pamunuan ng DOH na nakakatulong ang condom upang maiwasan ang buntisan ng mga kabataan…paano na ang moralidad na pundasyon ng kultura ng Pilipino?  Dahil sa panukala ng bagong kalihim ng DOH, MISTULANG NANG-UUDYOK ITO SA MGA ESTUDYANTENG MAG-SEX…. OKEY LANG DAHIL MAY LIBRENG CONDOM NAMAN…KAYA SAFE!

Discussion

Leave a response