Showing posts with label Department of Health. Show all posts

0

Ang Mga Kapalpakan ng Department of Health na Dinagdagan ng Condom

Posted on Tuesday, 3 January 2017

ANG MGA KAPALPAKAN NG DEPARTMENT OF HEALTH NA
DINAGDAGAN NG CONDOM
Ni Apolinario Villalobos

Ang nakaraang namuno ng Department of Health (DOH) ay tinanggal dahil sa mga isyung may kinalaman sa maling paggamit ng pondo. Hindi pa gaanong nabibigyan ng pansin ang kapalpakan sa isyu ng health center sa mga barangay na kulang o walang health workers kaya nagkakaroon ng patlang-patlang na iskedyul o “alternate”, ng mga health workers sa dalawa o mahigit pang barangay. Tinitipid din sa suweldo ang mga health workers. Ang matindi, kalimitan ay wala pang istak na gamot ang mga health center! Baka wala pa nga itong nagagawang programa para magbigay- buhay sa ideya ni Duterte na buksang muli ang mga Botika ng Bayan….hanggang ngayon ay walang naririnig tungkol dito, na dapat ay meron na.

Sa kabila ng patung-patong na problema ng DOH, gusto pa nitong mamigay ng condom sa mga estudyante sa high school na kung susumahin ang gastos ay aabutin ng bilyong piso. Ang nakakahiyang isyu dito ay ang obvious na pagsisipsip ng bagong namumuno ng DOH sa presidente na ang gusto ay makontrol o matigil ang pagtatalik ng mga kabataan na nagiging dahilan ng pagdami ng mga magulang na nasa batang gulang o menor de edad, at pagkalat ng AIDS. Narinig lang ang panukala ay inisip agad  ang pagbigay ng condom sa mga estudyante, na para bang wala nang ibang paraan! Sa gustong mangyari ng DOH,  parang babaril ito ng asong kahol ng kahol upang tumahimik…na pwede namang hampasin lang!

Lahat ng bagay na binibigay ay inaasahan nang may paggagamitan ng binigyan. Halimbawa, ang  baong pera na ibinigay sa mga estudyante ay pamasahe sa pagpasok at pambili ng pagkain. Binibigyan din sila ng papel o notebook para may masulatan….ng ballpen o lapis para may magamit sa pagsulat. NGAYON, BAKIT SILA BIBIGYAN NG CONDOM…DAHIL BA INAASAHAN SILANG MAGSI-SEX? YAN YATA ANG NASA ISIP NG BAGONG NAMUMUNO NG DOH….NAPAKARUMI NAMAN! BAKA INIISIP NIYA NA ANG PALAGING PINAG-UUSAPAN NG MGA MAGBABARKADANG ESTUDYANTE AY KUNG SAAN ANG PINAKAMURANG LODGE O MOTEL! DAPAT MAG-CHECK KUNG MAY KAKUTSABANG OPERATORS NG MOTELS O MANUFACTURERS NG CONDOM. Hindi ako masisisi sa pag-isip ng mga ganoong bagay dahil binigyan ako ng dahilan. Hindi bobo ang mga Pilipino…yan ang dapat isaalang-alang ng DOH.

Ang dapat na mangyari sana ay lalo pang paigtingin ng Commission on Higher Education (CHEd) ang Sex Education. Dapat ding pitikin ng pamahalaan ang mga magulang na may mga kakulangan sa pagpapatnubay ng kanilang mga anak. May mga magulang kasi na mas gusto pang makipagbarkada sa mga ka-madyong at ka-ballroom kaysa mag-check ng mga pangangailangan ng mga anak. Akala ng maraming magulang ang pangangailangan ng mga anak nila ay hanggang pera lang. Dahil sa kapabayaang iyan ay nabaling ang tiwala ng mga anak nila sa mga kabarkada.


Sa panig naman ng DOH, dapat ay asikahun nito ang mga nakakahiya nitong problema dahil sa kabila ng malaking budget ay wala namang nakikitang maayos na programa ang mga Pilipino.  Pera ng bayan ang malalagay sa alanganin kapag hindi ito nagastos ng maayos na nangyayari na nga. Kung iniisip ng bagong pamunuan ng DOH na nakakatulong ang condom upang maiwasan ang buntisan ng mga kabataan…paano na ang moralidad na pundasyon ng kultura ng Pilipino?  Dahil sa panukala ng bagong kalihim ng DOH, MISTULANG NANG-UUDYOK ITO SA MGA ESTUDYANTENG MAG-SEX…. OKEY LANG DAHIL MAY LIBRENG CONDOM NAMAN…KAYA SAFE!

0

Ang Mga Iresponsableng Nagpapa-interbyu at Ilang "Scoopido" na taga-Media

Posted on Sunday, 9 October 2016

ANG MGA IRESPONSABLENG NAGPAPA-INTERBYU
AT ILANG “SCOOPIDO” NA TAGA-MEDIA
Ni Apolinario Villalobos


DAHIL SA STYLE NG ILANG TAGA- MEDIA SA PILIPINAS NA GUSTONG MAKA-SCOOP SA ANO MANG PARAAN, O YONG TAWAG KO AY MGA “SCOOPIDO”, KAHIT ANG MGA HINDI DAPAT IBALITA AY IBINABALITA. MARAMI NAMANG MGA TAGA-GOBYERNO ANG HINDI NAG-IINGAT SA PAGBIGAY NG PAHAYAG DAHIL HINDI NILA PINAPALIWANAG NA MABUTI ANG MGA SINASABI.

ANG ISANG HALIMBAWA AY ANG SINABI NG ISANG TAGA-DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) NA AYON SA MEDIA AY NAGSABING “PWEDENG GAMITIN ANG MARIJUANA BILANG GAMOT PARA SA COMPASSIONATE CASES”….YON LANG. KINABUKASAN, NANG INTERBYUHIN NG ISANG RADIO STATION ANG DOKTORANG TAGA-DOH AY SAKA PA LANG NIYA SINABING ANG TINUTUKOY NIYANG MARIJUANA AY ANG IMPORTED NA NAPROSESO NA, AT HINDI ANG MGA DAHON NG MGA TANIM NA PINATUYO AT BINIBILI NG MGA ADIK. SA KASAMAANG PALAD, SA LOOB NG 24 ORAS NA LUMIPAS, KUMALAT NA ANG UNA NIYANG SINABING PWEDENG GAMITING GAMOT ANG MARIJUANA, KAYA MARAMING ADIK ANG TUWANG-TUWA. DAPAT SANA, SA UNANG INTERBYU PA LANG AY SINABI NA NIYANG “IMPORTED,  PROCESSED AND INJECTIBLE” MARIJUANA   ANG SINABI NIYA AT  HINDI “MARIJUANA” LANG.

MAGANDA NA SANA ANG SINABI NG HEPE NG GRUPO NG MGA PULIS NA HUMULI KAY MARK ANTHONY FERNANDEZ DAHIL AYON SA KANYA, MAITUTURING LANG NA GAMOT ANG MARIJUANA KAPAG ITO AY NA-PROSESO O PINAGHIWA-HIWALAY ANG MGA ELEMENTO O KEMIKAL NA NAKAPALOOB SA DAHON UPANG MAKUHA ANG KAILANGAN LANG. SUBALIT GINULO NG TAGA-DOH ANG PALIWANAG NANG MAGSALITA ITO, AT DAHIL TAGA-DOH AY ITINURING NA MAS MABIGAT ANG SINABI NIYA.



0

Ang Nakaambang Alalahanin Kung Politician ang Maging Kalihim ng DOH

Posted on Friday, 28 November 2014



Ang Nakaambang Alalahanin
Kung Politician ang Maging Kalihim Ng DOH
ni Apolinario Villalobos

Kung aalagwa ang kaso laban kay Ona batay sa mga katiwalian sa Department of Health (DOH), na inaasahan na,  siguradong mapapatalsik ito sa kanyang puwesto. At, ang pumuporma na maliwanag pa sa sikat ng araw ang hangad na maupo sa puwesto ay isang politician, si Janet Garin.

Ang kalakarang pagtalaga ng mga Presidential appointees sa mga puwesto ng mga sensitibong ahensiya ang isa sa mga nagnanaknak na kanser na nagpapabulok ng gobyerno ng Pilipinas. Lahat na halos ng mga ahensiya ay puro political appointees ang mga kalihim kaya sumasabay sa paggawa ng mga katarantaduhan dahil co-terminus ng Presidente ang kanilang pagkatalaga. Ibig sabihin, “strike while the iron is hot”. At kung wala na sila, wala na ring masisisi. Aasa pa ba tayo sa bulok at makupad pa sa pagong na pag-usad ng hustisya sa ating bansa?

Ang DOH ay isang masaganang larangan ng oportunidad upang kumita. Katulad ng DSW at Department of Agriculture, nakikitaan ang DOH ng mga proyekto na ang closure ay hindi nangangailangan ng mga tangible o nakikitang patunay. Ang maraming kailangang proyekto para sa “ikabubuti” daw ng mga mamamayan, ay nagkikislapan sa sagisag ng piso! Malapit din ito sa mga tao, kaya magandang springboard ng ambisyosong pulitiko.

Hindi maayos ang sistema ng DOH sa kabuuhan, dahil ang budget nito ay hindi nagagamit sa magandang paraan. Ipinapasa nito sa lokal na pamahalaan ang mga kapalkan na resulta ng kanilang kapabayaan. Nakakalusot sila dahil mahina rin ang ahensiyang dapat ay nag-aawdit, ang Commission on Audit (COA), dahil kung ginawa lamang ng huli ang trabaho nito ay hindi dapat nakakalusot ang pagbili halimbawa, ng gamot pambakuna na sa umpisa pa lang ay mismong WHO na ang nagsabi na hindi angkop sa pangangailangan ng Pilipinas. 

Sa pagkawala sandali ni Ona, may itinalaga na isang “acting”, pero sa ilang araw pa lang nitong pag-upo sa puwesto ay nakitaan na agad ng pagka-“overacting”, at pagkamakasarili dahil marahil ang tingin niya sa ahensiya ay isang tuntungan na magagamit niya sa pagsulong ng kanyang ambisyon sa pulitika…ayon yan sa mga brodkaster na nagmamatyag.

Ano na ang nangyari sa Career Service Program ng gobyerno? Bakit hindi ibigay ang pagkakataon sa mga Career Service Officers na nakapila upang mapausad ang kanilang karera? Ang iba na deserving o karapat-dapat ay inabot na ng retirement o kamatayan, ngunit hanggang Assistant Secretary lang ang inabot, ni hindi man lang nakatikim ng kahit sandaling appointment bilang Undersecretary.

Kung hindi mababago ang ganitong kalakaran na isang malinaw na instrumentp ng korapsyon, wala ngang kahihinatnan ang ating bansa…habang buhay na itong gagawing palabigasan lamang ng mga tiwaling opisyal. At, ang kawawa ay ang mga Pilipino na nagpapawis at nagpapakahirap upang makabayad ng buwis, na wala namang katumbas na kaginhawahan!

0

Masabi lang...

Posted on Wednesday, 26 November 2014



Masabi lang…
ni Apolinario Villalobos

Bakit kaya may mga taong mahilig pomorma?
Gagawin ang lahat upang mapansin sila
Kesehodang malagay sila sa alanganin -
Mga sitwasyong nakakahiya sa paningin.

Masabi lang na may ginawang para sa kapwa
Mamimigay ng bagay na patapon at sira
Akala nila, dahil mahirap ang binibigyan
Mga taong  ito ay wala nang karangalan.

Masabi lang na masipag at seryoso sa trabaho
Mga patakara’y susuwayin nang taas noo
Siya ay yong taga-DOH, sa isla ay pumunta
Ibang tao ay mayabang na kinaraykaray pa!

Masabi lang, may naibigay sa mga nasalanta –
Ng nagngangalit na bagyo, ngala’y Yolanda
Itong DSW, alumpihit sa pamimigay ng todo
Ng mga donasyon, balak yata, pampalit-boto!

Masabi lang, may naibigay na nga talaga sila
Ang DSW, nagbitbit ng kaalyado sa pulitika
Relief caravan, mahaba, maraming trak kuno
Umusad nang ilang araw, Tacloban ang destino.

Masaya din naman dahil may masasabi na nga
Tungkol sa makatao kuno nilang pinaggagawa
Nagkodakan pa sa pamimigay ng mga donasyon
Na ang iba pala ay bulok, inu-uod, dulot ay lason!

Masabi lang, nakatulong daw sa mga kababayan
Pinagawa’y ospital, parking building at eskwelahan
Lusot na sana ang isang magiting na dating alkalde
Kung hindi inginusong may milyones siyang nadale!

Bakit kaya may mga taong bantad na sa kasamaan
Puso’y nangingitim sa patung-patong na kasalanan
Banggit pa ng banggit ng Diyos at kanyang honesty
Kasabay ay pa-humble epek na isang mayuming ngisi!

0

May Nagmagaling na Namang Opisyal ng Gobyerno...noon si Petilla, ngayon si Garin naman

Posted on Monday, 17 November 2014



May Nagmagaling na Namang
Opisyal ng Gobyerno
…noon si Petilla, ngayon si Garin naman
Ni Apolinario Villalobos

Nakakagulat at nakakagalit ang ginawang pagbisita ng OIC ng Department of Health (DOH) na si Janet Garin at Gen. Catapang sa isang isla sa Cavite kung saan ay naka-quarantine ang mga sundalong galing sa peace keeping mission sa isang bansa na may epidemya ng ebola. Sa kagustuhan nilang ipakita na wala dapat katakutang ebola dahil hindi naman daw nabitbit ng mga sundalo, biglang naisipan ng mga pumapapel na bisitahin ang nanahimik na mga sundalo sa isla! Ang tanong ngayon ay, bakit dinala pa ang mga sundalo sa isla upang ma-quarantine? Siguradong gagayahin sila ng mga pamilya ng mga sundalo na magpipilit pumasyal sa isla dahil wala naman palang dapat katakutan, lalo na at mismong taga-DoH  pa ang nagsalita.

Nagpapakitang gilas ang OIC ng DOH na si Garin. Gusto yatang pumalit  agad sa nakaupong kalihim na ngayon ay may hinaharap na kaso. Mabilis ding magkaila si Garin na ang mga sintomas ng mga dinaramdam ng mga sundalo, kahit hindi pa nasususri ay  hindi daw sanhi ng sakit ng ebolal. Ang hilig manguna…nagmamagaling….talagang pumapapel! Dapat hintayin niyang matapos ang quarantine period ng mga sundalo bago siya magyabang. Dahil sa ginawa nila, dapat i-quarantine din ang grupo ni Garin sa isla dahil inilalagay nila sa balag ng alanganin ang sitwasyon ng bansa lalo na at naka-schedule ang pagbisita ng santo Papa, at sa harap ng masugid na pag-promote ng turismo ayon sa inaadhika ng ASEAN.

Ang ipinapakita ni Garin ay palatandaan ng isang opisyal na sipsip. Dapat ang mga tulad niya ang tinatanggal sa tungkulin dahil hindi nakakatulong sa pangulo na dapat ay binibigyan ng mga tamang impormasyon.  Marami ang tulad ni Garin sa gobyerno na sa pamamagitan ng pagpapapekl ay pilit pinagtatakpan ang kahinaan nila bilang mga kalihim o opisyal sa ilalim ng administrasyon ni Aquino.

Ang pagmamagaling ni Garin ay ipinakita rin ni Petilla, kalihim ng Department of Energy. Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan, gusto agad niyang ipakita na walang problema sa kuryente, sa ilalim ng administrasyon ni Aquino. Makalipas ang ilang buwan, sinabi na niya na may nakaambang problema. Bandang huli, nagpanukala na ng emergency power para kay Aquino dahil delikado na ang supply ng kuryente sa susunod na taon, subalit napatunayan naman sa isang Senate hearing na hindi naman pala totoo. Sa nangyari, abut-abot na kahihiyan ang bumuldyak kay Petilla, na sa kabila ng panawagang mag-resign siya ay kapit-tuko pa rin sa puwesto! Hindi lalayo ang ginagawa ng dalawa sa ginagawa ni Dinky Soliman ng DSW, na pinagtatakpan ng maling report ang mga kapalpakan ng kanyang ahensiya.


0

Maraming Dapat Saguting si Secretary Ona ng Department of Health

Posted on Monday, 10 November 2014



Maraming Dapat Sagutin
Si Secretary Ona ng Department of Health
Ni Apolinario Villalobos

Ang isyu sa vaccination program ng Departent of Health (DOH) na mismong ang Pangulo ang bumubusisi ay katiting lamang na piraso ng mga dapat sagutin ng kalihim na si Ona. Ang pumutok na isyu tungkol sa malaking badyet na gusto niyang ilaan para sa pagsaliksik ng mga bagay na may kinalaman sa “stem cell” operation ay dapat na nagsilbing babala sa kanya…pahiwatig na maraming kwestiyonableng programa ang DOH. Idagdag pa rito ang mga gamot na hinayaang nakatambak sa bodega kaya inabot ng expiration, samantalang ang mga barangay sa buong bansa ay wala man lang magamit kaya bumibili na lang gamit ang sarili nilang pondo.

Sa kabila ng mga naghuhumiyaw na katotohanan tungkol sa mga batang maysakit at  naglolobohan nilang tiyan dahil sa malnutrition, mga barangay na walang istak na mga gamot, underpaid na mga health workers na ang iba ay sinisuwelduhan na lang ng mga local government units, at kakulangan ng mga ito kaya nagsi-share sa serbisyo nila ang mga magkakalapit na mga barangay, iba ang pinagtutuunan ng pansin ng kalihim – mga programang hindi makatotohanan o pangmayaman gaya ng “stem cell research”.

Ilan nang health workers ang nakausap ko at nagsabi na bukod sa kanilang mababang sweldo, ay wala rin daw silang transportation allowance kung sila ay magbahay-bahay sa pagpapatupad nila ng mga programa ng gobyerno, wala rin silang food allowance, at lalong walang hazard pay ang mga nakatalaga sa mga delikadong lugar. Yong isa ay nagbanggit na maski payong ay hindi man lang sila mabigyan. Hindi naman daw nila magamit ang mga payong na bigay ng mga epal na pulitiko dahil may larawan nila. Marami akong natitiyempuhang nagpapahinga sa mga karinderya upang kumain ng tanghaliang baon nila at dinadagdagan na lang ng kalahating order na ulam at hininging libreng sabaw. Yong isa kawawa dahil itinali na lang ng straw ang napigtal na strap ng kanyang sandal, kaya ibinili ko ng mumurahing gomang tsinelas sa malapit na palengke.

Habang ang DSW ay nakakapagbigay ng pera sa mga mahihirap na magulang daw , ang mga kawawang  DOH health workers na ang tungkulin na may kinalaman sa kalusugan at buhay ng mamamayan ay napapabayaan. Sa ginagawa ng pamunuan ng DOH, paanong makakatagal ang mga tauhan nito sa pagpapatupad ng mga programa para sa taong bayan na “inaakay” daw ng Pangulo sa pagtahak ng tuwid ng daan daw, kung sila mismo ay nangangailangan din ng tulong?

0

Ang Kayabangan ng DOH

Posted on Friday, 10 October 2014



Ang Kayabangan ng DOH
Ni Apolinario Villalobos

Sa pagputok ng mga balita tungkol sa Ebola virus sa ilang bansa ng Africa, umiral na naman ang kayabangan ng Department of Heatlh (DOH). Hindi malaman kung ano ang gustong patunayan ng ahensiyang ito ng Pilipinas, pagdating sa pagtupad ng kanilang papel sa pagpangalaga ng kalusugan ng mga Pilipino. Baka gusto rin ng ahensiyang “isalang” ang mga sobra-sobrang mga narses at doktor na bumabaha sa bansa, mga nakaistambay at nagtitiyaga ng “allowance” na karamihan ay hindi pa umaabot ng sampung libong piso. Kung ang ikalawang nabanggit na dahilan ang gustong pairalin, parang gusto na rin ng ahensiya na magpakamatay ang mga Pilipinong narses at doktor sa Africa. May mga balita nang sa kabila ng halos balot-suman nang ginawa sa mga narses at doktor na nag-atupag sa mga pasyente sa mga bansang nasalanta ng Ebola virus, may mga nahawa pa rin.

Kayabangang maituturing ang pag-iingay ng DOH tungkol sa pagboluntaryo ng mga Pilipinong doktor at narses, dahil hindi nga nila magampanan ang inaasahan sa kanila dito sa ating bayan. Maraming mga barangay health centers na walang mga nars at doktor. Sana yong malaking budget na kinwestyon dahil inilagay ng DOH para sa research ng steam cell ay inilaan na lang sa mga allowances o sahod ng mga narses at doktor na itatalaga sa mga health centers. Kung ang mga barangay na nasa mauunlad na bayan at lunsod ay walang mga narses at doktor, paano na kaya ang mga liblib na barangay?

Dapat maghinay-hinay ang namumuno ng DOH na si Ona, sa pagsambit ng mga kung anong nasa kanyang diwa…na karamihan ay wala namang binatbat. Mas magandang asikasuhin niya ang mga sinasabing nag-eekspayrang mga gamot na nakaimbak lang, hindi maipamahagi dahil wala ngang mga doktor na mamamahala. Asikasuhin din niya ang mga nakatira sa mga iskwater na nakapaligid lang sa kanyang opisina, hindi ang magyabang ng kung anu-anong plano na hindi naman realistiko o makatotohanan. Ibig sabihin, tumigil siya sa pag-iingay upang mapansin ng media at makabawi sa kahihiyang tinamo sa kayang steam cell project na maliwanag na ang tinutumbok na makikinabang ay mga mayayaman!