Ang Mga Iresponsableng Nagpapa-interbyu at Ilang "Scoopido" na taga-Media
Posted on Sunday, 9 October 2016
ANG MGA IRESPONSABLENG NAGPAPA-INTERBYU
AT ILANG “SCOOPIDO” NA TAGA-MEDIA
Ni Apolinario Villalobos
DAHIL SA STYLE NG ILANG TAGA- MEDIA SA
PILIPINAS NA GUSTONG MAKA-SCOOP SA ANO MANG PARAAN, O YONG TAWAG KO AY MGA
“SCOOPIDO”, KAHIT ANG MGA HINDI DAPAT IBALITA AY IBINABALITA. MARAMI NAMANG MGA
TAGA-GOBYERNO ANG HINDI NAG-IINGAT SA PAGBIGAY NG PAHAYAG DAHIL HINDI NILA
PINAPALIWANAG NA MABUTI ANG MGA SINASABI.
ANG ISANG HALIMBAWA AY ANG SINABI NG ISANG
TAGA-DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) NA AYON SA MEDIA AY NAGSABING “PWEDENG GAMITIN
ANG MARIJUANA BILANG GAMOT PARA SA COMPASSIONATE CASES”….YON LANG. KINABUKASAN,
NANG INTERBYUHIN NG ISANG RADIO STATION ANG DOKTORANG TAGA-DOH AY SAKA PA LANG
NIYA SINABING ANG TINUTUKOY NIYANG MARIJUANA AY ANG IMPORTED NA NAPROSESO NA,
AT HINDI ANG MGA DAHON NG MGA TANIM NA PINATUYO AT BINIBILI NG MGA ADIK. SA
KASAMAANG PALAD, SA LOOB NG 24 ORAS NA LUMIPAS, KUMALAT NA ANG UNA NIYANG SINABING
PWEDENG GAMITING GAMOT ANG MARIJUANA, KAYA MARAMING ADIK ANG TUWANG-TUWA. DAPAT
SANA, SA UNANG INTERBYU PA LANG AY SINABI NA NIYANG “IMPORTED, PROCESSED AND INJECTIBLE” MARIJUANA ANG
SINABI NIYA AT HINDI “MARIJUANA” LANG.
MAGANDA NA SANA ANG SINABI NG HEPE NG GRUPO
NG MGA PULIS NA HUMULI KAY MARK ANTHONY FERNANDEZ DAHIL AYON SA KANYA, MAITUTURING
LANG NA GAMOT ANG MARIJUANA KAPAG ITO AY NA-PROSESO O PINAGHIWA-HIWALAY ANG MGA
ELEMENTO O KEMIKAL NA NAKAPALOOB SA DAHON UPANG MAKUHA ANG KAILANGAN LANG.
SUBALIT GINULO NG TAGA-DOH ANG PALIWANAG NANG MAGSALITA ITO, AT DAHIL TAGA-DOH
AY ITINURING NA MAS MABIGAT ANG SINABI NIYA.
Discussion