Ang United Nations, Amerika, European Union, at Panduduro nila kay Duterte
Posted on Sunday, 16 October 2016
ANG UNITED NATIONS, AMERIKA, EUROPEAN UNION
AT PANDUDURO NILA KAY DUTERTE
Ni Apolinario Villalobos
ANG INTERNATIONAL CRIMINAL COURT NG UNITED
NATIONS AY NAGPAPAKITA NG UNFAIRNESS SA PILIPINAS. NAKIKISAWSAW ITO SA MGA PAGPUNA
NA GINAGAWA NG ESTADOS UNIDOS AT EUROPEAN UNION KAY DUTERTE. NAGBANTA PA NA SIGURADONG MAKAKARATING SA
KANILA ANG ISYU TUNGKOL SA EXTRAJUDICIAL KILLING SA PILIPINAS, DAHIL
PINAPALABAS NITONG KORTE NA STATE POLICY KUNO ANG NANGYAYARING PAGPATAY SA MGA
ADIK, DRUG PUSHER AT DRUG LORD. PRE-JUDGEMENT ANG GINAWA NG NASABING KORTE, GANOONG
MALINAW NA TULAD NG NANGYAYARI SA SOUTH AMERICA, ANG PATAYAN SA PILIPINAS AY SA
PAGITAN NG MGA TAONG SANGKOT SA DROGA. ANG MGA PINAGHIHINALAANG MGA SANGKOT NA “NINJA
COPS” AY HINAHABOL NG MGA KAPWA NILA PULIS BILANG PATUNAY NA LABAN DIN ANG
GOBYERNO SA MGA TIWALING PULIS. ANG HINDI BINIBIGYAN NG PANSIN NG MGA
BUMABATIKOS AY ANG POSIBILIDAD NA ANG MGA HUWES NA BAYARAN AY MALAMANG NASA
PUWESTO PA RIN AT NAGPAPALAMIG LANG. ANG MGA BAGAY NA YAN ANG DAPAT NILANG
PAGTUUNAN NG PANSIN….HINDI SI DUTERTE!
DAHIL WALA NAMANG AKTUWAL NA KAALAMAN ANG
UNITED NATIONS AT MGA BANSANG PANAY ANG PAGBATIKOS KAY DUTERTE, MALINAW NA SILA
AY NASUSULSULAN NG MGA GROUPO NG MGA BANYAGA AT PILIPINONG DRUG LORDS, AT ANG
HINALA PA NG IBA, AY PATI NA NG CIA NG AMERIKA, NA NOON PA MANG PANAHON NI
MAGSAYSAY AY NAKIKIALAM NA SA PILIPINAS. HALATANG MALAKAS ANG MGA GRUPONG
NANINIRA SA PANGULO NA SABI NG IBA AY NAKATIGIL SA AMERIKA AT MAY MGA KONTAK SA
PILIPINAS.
ANG MASAKLAP LANG, PATI MGA TAONG SIMBAHAN NA INAASAHANG
MAGSUPORTA SANA SA PANGULO UPANG MASUGPO ANG KRIMEN AY NAKIKISAWSAW DIN TULAD
NG MGA HUMAN RIGHTS ADVOCATE KUNO. NAKIKIINGAY DIN SILA PARA LANG MASABING
LABAN SILA PAGPATAY DAHIL “IMMORAL”, SUBALIT ANG MGA PINAPANIGAN NAMAN AY MGA
KRIMINAL, SAMANTALANG HINDI NAMAN NILA BINIBIGYANG PANSIN ANG MGA BIKTIMA...NASOBRAHAN
YATA SILA SA PAGKA-PROLIFE KUNO!
DAPAT ANG PAGTUUNAN PA RIN NILA NG PANSIN
AY ANG MGA PINANGGAGALINGAN NG DROGA NA AYON SA BALITA AY NORTH KOREA AT CHINA.
SAMANTALANG ANG MGA HIGH-END NA PARTY DRUGS NA GINAGAMIT NG MAYAYAMANG ADIK AY
GALING NAMAN SA AMERIKA AT EUROPE….MISMONG SA BAKURAN NG MGA BUMABATIKOS KAY
DUTERTE! BAKIT HINDI NILA BATIKUSIN ANG NORTH KOREA AT CHINA TUNGKOL SA BAGAY
NA ITO, PATI NA ANG MGA BANSA SA EUROPE NA PINANGGALINGAN NG PARTY DRUGS, DAHIL
MAY MGA RECORD NAMAN KUNG SAAN GALING ANG MGA ITO?
NOONG ‘80s, NANG PUMUNTA AKO SA GERMANY
KASAMA ANG DALAWANG KAIBIGAN NA TAGA-PHILIPPINE AIRLINES DIN, GINAWA NAMIN ANG GERMANY NA JUMP-OFF POINT SA
PAGLIBOT NAMIN SA EUROPE. DOON AY NAPANSIN KO ANG TALAMAK NA PAGGAMIT NG
MARIJUANA….HALOS HANTARAN. HINDI RIN PINAPANSIN ANG MGA NAGBIBILOT NG MARIJUANA
KAHIT SAANG KANTO. PAGDATING NG HAPON, NAGTITIPON ANG MGA HUMIHITIT SA MGA CAFÉ
AT BAR AT NAGPAPASAHAN NG MARIJUANA. ANG KAIBIGAN KONG NAGSAMA SA AKIN SA
EUROPE AY MGA MARIJUANA SMOKER KAYA MAS GUSTO NILANG MAGBAKASYON SA EUROPE
DAHIL SA KALUWAGAN DOON SA BISYONG ITO. ANG MGA GUMAGAMIT NG MARIJUANA SA
EUROPE AY MAY LAGAYAN PA NA MAY TATAK NG DAHON – MGA BELT BAG AT PALAWIT NG
KUWENTAS NA MALAKING SACHET NA GAWA SA TELA. MAY INABOT KAMING MUSIC FESTIVAL
SA GERMANY AT SA MALAWAK NA OPEN AREA, ANG MGA KABATAAN AY WALA RING
PAKUNDANGAN SA PAGHITIT NG MARIJUANA.
NGAYON, HINDI LANG MARIJUANA ANG TALAMAK SA
EUROPE, KUNDI PATI MGA HIGH-END DRUGS NA ANG PINAKA-BASE O MAHALAGANG BAHAGI SA
PAGGAWA AY COCAINE. KALAUNAN, DAHIL SA “KATALINUHAN”
NG MGA PILIPINONG NEGOSYANTE NA GUSTONG KUMITA AGAD NG MALAKING PERA, ANG INAANGKAT NILANG PARTY DRUGS AY PINAPADAMI
SA PAMAMAGITAN NG PAGLUTO ULI AT PAGDAGDAG NG INDUSTRIAL CHEMICALS NA
NAKAKA-HIGH DIN, AMOY PA LANG. BINEBENTA NILA ANG MISTULANG LASON NA
PAMPA-“HIGH” SA MGA ROCK CONCERTS NA INO-ORGANIZE NILA. KAYA PALA AYAW NILANG
MAGPAPASOK NG MGA PULIS AT SNIFFING DOGS SA MGA VENUE NA INUUPAHAN NILA PARA SA
ROCK CONCERTS!
DAHIL SA
KATANGAHAN O PAGTATANGA-TANGAHAN NG OTORIDAD AT PATI NG MGA VENUE OWNERS NOONG HINDI PA
UMUUPO PA SI DUTERTE, HINAYAAN NILANG MANGYARI ANG ANIMO AY “DRUG TIYANGGE”
TUWING MAY ROCK CONCERTS. HINDI PWEDENG HINDI ALAM ANG MGA PANGYAYARI DAHIL SA
PANIG NG MGA OTORIDAD, AY MAY MGA “INTELLIGENCE UNITS” SILA AT PALAGING
NABA-BLIND ITEM PA SA MGA BALITA ANG PAGGAMIT NG DROGA SA LOOB NG CONCERT
VENUES NA ANG MGA TIKET AY SOBRANG NAPAKAMAHAL KAYA MGA MAYAYAMAN LANG ANG MAY
KAYANG BUMILI. KALAT DIN ANG BALITA TUNGKOL SA BENTAHAN NITO SA MGA HIGH-END NA
BAR O INUMAN SA MAKATI AT PASIG, SUBALIT KUMILOS LAMANG SILA NANG UMUPO NA SI
DUTERTE. SA PANIG NAMAN NG VENUE OWNERS, NAGBUBULAG-BULAGAN NA LANG SILA, DAHIL
MAS MAHALAGA ANG KIKITAIN KAYSA KAPAKANAN NG MGA MABIBIKTIMA, SUKDULAN MANG
UMABOT SA KAMATAYAN NG MGA ITO, NA NANGYARI NA NGA KAMAKAILAN LANG SA CONCERT
ARENA NG MALL OF ASIA.
HINDI NA KAILANGANG IPALIWANAG PA ANG LAWAK
NA SAKLAW NG PAGKASANGKOT NG AMERIKA SA PAGKALAT NG DROGA SA BUONG DAIGDIG. SA
BANSANG IYAN NAGSIMULA O NAGKAUGAT ANG BISYONG ITO. PATI ANG PAGGAMIT NG MGA “MUSIC FESTIVAL” TULAD NG
“WOODSTOCK ” NOONG DEKADA ‘70 AY GINAWANG PANTAKIP NG MGA ADIK UPANG MATABINGAN
ANG TUNAY NILANG LAYUNIN – ANG TODO-TODONG PAGWAWALA NA UMABOT PA SA PAGHUBAD
AT “OPEN SEX”... NA KALAUNAN AY GINAYA NG MGA KABATAAN SA EUROPE, NA GINAYA NA
RIN NGAYON NG MGA PILIPINONG TIWALI SA PAMAMAGITAN NG PAG-SPONSOR NG MGA “ROCK
CONCERTS” NA “TIYANGGE” PALA NG DROGA! SA NGAYON UMABOT NA SA $13T ANG GINAGASTOS
NG AMERIKA UPANG MASUGPO ANG BISYO, NA SA HALIP MABAWASAN AY LALO PANG
LUMALALA. SA KABILA NG KATOTOHANANG YAN, HINDI NA NAHIYA SI OBAMA SA PAGBATIKOS
KAY DUTERTE UPANG MASAWATA ANG DROGA SA PILIPINAS!
NGAYON, DINUDURO SI DUTERTE NG MGA BANSANG
PINANGGALINGAN MISMO NG BISYONG SUMISIRA SA KINABUKASAN NG MGA KABATAANG
PILIPINO DAHIL SA GINAGAWA NIYANG PAGWALIS NG IKINALAT NITONG “DUMI” SA BUONG
BANSA …AT GINAGATUNGAN PA NG MGA PILIPINONG TINGIN SA SARILI AY MALINIS AT
MAKA-DIYOS!...DAHIL DIYAN BABANGGITIN KO NA NAMAN ANG KASABIHANG, “SA PAGDURO
NG ISANG TAO SA KAPWA NIYA, HABANG ANG NAG-IISANG DALIRING HINTUTURO AY
NAKATURO SA TAONG INAAKUSA NIYA, ANG TATLONG NAKATIKLOP NAMAN AY NAKATURO SA
KANYA!...NA ANG IBIG SABIHIN AY, HABANG MAINGAY SIYA SA PAG-AKUSA SA IBA,
TAHIMIK NAMAN SIYA TUNGKOL SA MAS MARAMI NIYANG PAGKAKAMALI KAYA NAKATIKLOP ANG
TATLONG DALIRING NAKATURO SA KANYA!
Discussion