0

Tungkol pa rin sa Impractical na K-12 Program

Posted on Thursday, 20 October 2016

TUNGKOL PA RIN SA IMPRACTICAL NA K-12 PROGRAM
Ni Apolinario Villalobos


KUNG TALAGANG SERYOSO ANG GOBYERNO SA PAGTULONG SA MGA MAHIHIRAP NA MAGKAROON NG TRABAHO AGAD, POSIBLE NAMAN ITO KAHIT HINDI NA NAGKAROON NG K-12 PROGRAM. SA DATING SISTEMA, PAGKATAPOS NG 4 NA TAON AY “HIGH SCHOOL GRADUATE” NA AT MAY DIPLOMA PA, PERO SA KI-12, MAY KARAGDAGAN PANG 2 TAON BAGO MASABING “HIGH SCHOOL GRADUATE” , YON NGA LANG AY MAY PANTUKOY NA “SENIOR”.

NAKAKATAWA ANG PINAPALABAS NG K-12 PROGRAM NA KAILANGAN ANG 2 TAON BAGO MAKAGAWA NG DESISYON ANG ESTUDYANTE KUNG ANONG LARANGAN ANG ANGKOP SA KANYANG TALINO AT KAKAYAHAN SA PAGGASTOS NG KANYANG MAGULANG. ANG 2 TAON AY SOBRA-SOBRA KUNG ANG MGA ITO AY GAGAMITIN SA ANIMO AY “TRIAL AND ERROR” NA PAGPILI.  KUNG SA TESDA O IBA PANG VOCATIONAL SCHOOLS NA BUMABAHA SA MAYNILA MAG-AARAL AGAD ANG ISANG 4-YEAR HIGH SCHOOL GRADUATE, SA LOOB NG ILANG BUWAN LANG, SIYA AY MASASABI NANG DALUBHASA AT MAY CERTIFICATE NA BILANG PATUNAY, AT MALIIT ANG BAYAD. KUNG SA KOLEHIYO NAMAN MAGSE-SENIOR HIGH SCHOOL, HINDI BABABA 25 THOUSAND ANG BABAYARAN KADA TAON, AT SIYEMPRE IDAGDAG PA DIYAN ANG SASAYANGING 2 TAON!

KUNG MAGTATRABAHO SA IBANG BANSA ANG ISANG PILIPINO, ANG TINI-CHECK AY ANG KANYANG KARANASAN AT MGA CERTIFICATE NG TRAINING DAHIL ANG MADALAS NA INAAPLAYAN AY MGA TRABAHO SA HOTEL, RESTAURANT, OSPITAL, AT BAHAY BILANG DOMESTIC HELPER AT HINDI MGA POSITION NA PANG-MANAGER, KAYA BAKIT PA MAG-EENROL SA UNIBERSIDAD O KOLEHIYO PARA LANG “MAKAPIMILI MUNA” SA LOOB NG 2 TAON, GANOONG ANG AVAILABLE LANG NAMAN AY TUNGKOL SA PAGLULUTO, PAGMEMEKANIKO, PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG BAHAY, PAGKUMPUNI NG COMPUTER, PAG-ASIKASO NG MGA TURISTA – MGA VOCATIONAL COURSES NA PWEDENG MAKUKUHA SA NAPAKAMURANG SEMINAR AT SA LOOB LANG NG ILANG BUWAN?

BULAG YATA ANG GOBYERNO SA KATOTOHANANG NAGPAPALIGSAHAN ANG MGA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD SA PAG-IMBENTO NG KUNG ANU-ANONG KURSO UPANG LALO PANG MAKAPANLOKO NG MGA MAGULANG AT KABATAAN. HALIMBAWA LANG AY ANG KURSO SA LARANGAN NG TURISMO….SA KABILA NG IISANG URI LANG NAMANG TRABAHO NA MAY KINALAMAN SA PAG-ASIKASO SA TURISTA, AY KUNG BAKIT NAPAKADAMING KURSONG DAPAT PAGPIPILIAN SAMANTALANG PARE-PAREHO LANG NAMAN ANG MGA SUBJECTS NA ITINUTURO!

SA K-12, ANG MGA MAY KAKAYAHANG KUMUHA NG MEDISINA, NURSING ABOGASYA, AT IBA PA HALIMBAWA, AY KAILANGAN NANG DUMAAN SA  2 PANG TAONG IDINAGDAG SA SENIOR HIGH, BAGO TULUYANG MAKATAPAK SA COLLEGE LEVEL. KAYA HUMABA NG 2 TAON ANG PANAHONG GUGUGULIN UPANG MAKATAPOS NG MGA NABANGGIT NG KURSO….MAHABANG PANAHONG GAGASUTUSAN NG MGA MAHIHIRAP NA MAGULANG!


SAMANTALA, KUNG ANG HINAHABOL LANG NAMAN NG GOBYERNO AY UPANG MAKAPASOK AGAD SA TRABAHO ANG MGA KABATAANG PILIPINO KAHIT SA LOOB NG PILIPINAS, ANO NGAYON ANG PAKIALAM NG EDUCATIONAL SYSTEM NG IBANG BANSA, NA PILIT NATING GINAGAYA? 

Discussion

Leave a response