Nanay Nene ng Bacoor (Cavite)
Posted on Monday, 3 October 2016
SI NANAY NENE…NAGING SINGLE MOM DAHIL
INABANDONA NG IRESPONSABLENG ASAWA…ITINAGUYOD ANG MGA ANAK SA PAGTINDA NG TUYO
AT DAING SA LOOB NG MAHIGIT 30 TAON…MINALAS NA ANG PANGANAY NA ANAK AY NAGING ADIK KAYA BUMAGSAK SA KANYANG
KALINGA ANG PAGPAPALAKI SA MGA APO….SIYA AY 79 TAON NA
NGAYON. ANG PUWESTO NIYA AY NASA ILALIM NG HAGDAN NG PEDESTRIAN OVERPASS SA
HARAP NG SM CITY (BACOOR CITY).
SIYA AY TAGA –SALINAS, ISANG BAYANG NASA
TABING DAGAT SA CAVITE, AT TANYAG SA MGA PRODUKTONG TUYO AT DAING. SA KABILA NG
KANYANG EDAD, HINDI PUMAPALYA SI NANAY NENE SA PAGLATAG NG KANYANG MGA PANINDA
SA ILALIM NG HAGDA…KAHIT MAY ULAN. GUMAGAWA NA RIN SIYA NGAYON NG PAPAYANG
ATSARA UPANG MAIDAGDAG SA KANYANG MGA PANINDA.
ILAN PA KAYANG “NANAY NENE” ANG NASA ATING
PALIGID?…HINDI TUMITIKLOP ANG MGA TUHOD SA HARAP NG MGA PAGSUBOK SA BUHAY…AT HIGIT SA LAHAT, AY NAGHIRAP DAHIL SA
EPEKTO NG DROGA?
Discussion