0

Ang Kuwento ni Haman sa Bibliya....hindi nalalayo sa nangyayari ngayon kay de Lima

Posted on Wednesday, 5 October 2016

ANG KUWENTO NI HAMAN SA BIBLIYA
…hindi nalalayo sa nangyayari ngayon kay de Lima
Ni Apolinario Villalobos


Sa isang aklat ng Bibliya tungkol kay Esther, may kuwento doon tungkol kay Haman na gumawa ng “gibbet” o bigtian para sa tatay-tatayan ni Esther na si Mordecai dahil hindi ito yumuyuko sa kanya na dapat sana, tulad ng ginagawa ng ibang Hudyo o Jews na sakop ng hari nang panahong yon na si Ahasueros. Si Haman ay isang paganong Agagite.

Si Esther na isang Hudyo o Jew ay inasawa ni haring Ahasueros nang magalit ito sa kanyang reynang si Vashti na hinubaran niya ng kapangyarihan at tinanggalan korona bilang reyna dahil ipinahiya siya nito. Hindi ito sumunod sa utos ni haring Ahasueros na magpakita sa kanya nang minsang nagkaroon ng piging sa palasyo dahil gusto sana niyang ipagmalaki ito sa mga bisita. Nagpahanap ang hari ng magandang babae sa buong kaharian na pampalit kay Vashti at napasama sa bilang na pagpipilian si Esther, na ang pinanggalingang lahi ng mga Hudyo ay hindi alam ng hari sa simula. Makalipas ang panahong itinalaga sa paghanda sa mga babaeng pagpipilian ay si Ester ang lumutang at napusuan ng hari dahil sa pambihira niyang ganda.

Ang Hudyong pangalan ni Esther ay Hadassah. Ang Esther ay pangalang pagano na ibig sabihin ay “bituin o tala” o sa Ingles ay “star”, at ang isa pang version nito ay “Ishtar” na pangalan ng isa sa mga diyosa na sinasamba ng mga pagano.

Upang masubaybayan si Ester, araw-araw na umistambay si Mordecai sa gate patungo sa palasyo kung saan ito nakatira. Doon na rin siya natutulog kung minsan. Isang araw ay may narinig siyang usapan ng dalawang guwardiya na gustong pumatay sa hari. Agad naman itong isinumbong ni Mordecai sa isa pang mapapagkatiwalaang guwardiya kaya nahuli at pinatay ang dalawang guwardiya. Subalit kalaunan, nalaman ng hari na hindi pala nabigyan ng pabuya o reard si Mordecai sa kabila ng ginawa nito.

Nang makita ng hari si Haman ay tinanong niya ito kung anong pabuya ang karapatdapat na ibigay sa taong nakatulong sa kanya. Sa pag-aakalang siya ang tinutukoy ng hari na bibigyan ng pabuya, sinabi ni Haman na, “ipasuot dito ang kapa ng hari, iputong sa ulo ang korona, pasakayin sa kabayong ginagamit ng hari, at hihilahin upang ilibot sa mataong lugar at i-anunsiyo na, ‘ito ang ginagawa sa taong binibigyan ng pabuya ng hari’……..Sa narinig, inutusan ng hari si Haman na gawin ang lahat ng mga sinabi niya kay Mordecai. Masama man ang loob ay sinunod ni Haman ang utos ng hari.

Samantala ay naikalat na sa buong kaharian ang kalatas na isinulsol ni Haman sa hari, tungkol sa pagpatay sa lahat ng mga Hudyo dahil itinuturing silang taksil at hindi mapapagkatiwalaan. Nang malaman ito ni Mordecai ay nag-ayuno o nag-fasting at nagdasal na may kasabay na pag-iyak ito ayon sa kaugalian ng mga Hudyo. Kasama sa pag-ayuno ang pagsuot ng mala-sakong damit at paglagay ng abo sa ulo. Pinarating din ni Mordecai kay Esther ang lahat na nabahala kaya nag-ayuno rin ito.

Pagkatapos ng kanyang ayuno ay naghanda si Esther ng hapunan para sa hari, na dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya ay nangako na lahat nang hihingin nito sa kanya ay ipagkakaloob niya. Sa ikalawang hapunan na inihanda niya para sa hari ay hiniling ni Esther na padaluhin rin si Haman na nag-akalang pati si Ester ay bilib sa kanya. Pagkatapos ng hapunan, inulit ng hari ang pangako kay Esther, kaya sa harap mismo ni Haman ay walang pag-atubiling naglabas ng sama ng loob dahil sa gagawin ni Haman na pag-ubos sa lahi ng mga Hudyo, kasama siya (Ester) dahil kabilang siya sa mga ito. Sa gulat ng hari at pagtimpi ng kanyang galit ay lumabas sandali ang hari. Tila naalimpungatan siya ginawang panloloko sa kanya ni Haman, Subalit nang bumalik siya sa bulwagang panghapunan ay nadatnan niya si Haman na nakaluhod sa harap ni Esther na nagsusumamo o nagmamakaawa, subalit inakala ng haring inaabuso nito ang reyna. Sa galit ng hari ay agad pinahuli ito sa mga guwardiya. Sa puntong ito, sinabihan ng isang taga-silbi ni Esther ang hari na may pinagawang bigtian o “gibbet” na nakapuwesto sa harap ng bahay nito. Nang malaman ito ng hari, inutos niyang gamitin ito sa pagbigti kay Haman!

Ngayon, sa Pilipinas, may nangyayari naman na hawig sa kuwentong nabanggit. Ipinilit ni de Lima ang pag-imbestiga sa extrajudicial killing sa Davao na inakala niyang magdidiin at tuluyang magpabagsak kay Duterte na simula pa lang noong nasa CHR siya (de Lima) ay pinag-initan na niya ang taga-Davao na ngayon ay presidente na.  Ginamit niya ang senado sa balak niyang pagpabagsak kay Duterte. Subalit na-underestimate niya ang karunungan ng karamihan sa mga senador, dahil akala niya, lahat sila ay kaalyado niya. Ngayon ay naramdaman ni de Lima ang tunay na saloobin ng karamihan sa mga senador. Ang inaakala niyang “instrumento” na gagamitin sana niya sa pagpabagsak kay Duterte ay hinsi pumapanig sa kanya, kaya siya ang nalagay sa alanganin. Sumabay pa ang ginagawang imbestigasyon ng kongreso tungkol sa kinalaman niya sa Bilibid drug trade. Siya ngayon ang nasa bingit ng malalim na bangin dahil sa mga nagsulputang saksi na nagtuturo sa kanyang mga pinaggagawa. Kasama sa mga witness ang sinasabi ni de Lima na “asset” niya JB Sebastian, na ngayon ay may balak na magdemanda sa kanya.




Discussion

Leave a response