0

Ang Pagkagusto sa Bagay o Tao

Posted on Tuesday, 25 October 2016

ANG PAGKAGUSTO SA BAGAY O TAO
Ni Apolinario Villalobos


Hindi lahat ng tungkol sa isang bagay o tao ay nagugustuhan natin. Sa mga prutas at gulay ay may mga bahagi silang hindi natin kinakain, ganoon din sa isda at karne. May mga ugali rin ang ating asawa na hindi natin gusto subalit pinagtitiyagaan na lang ang pakikisama sa kanila kahit may kaakibat na dusa dahil sa sinumpaang pangako at pinirmahang kontrata. May mga ugali ang ating mga anak na hindi rin natin gusto, no choice tayo, kundi tanggapin na lang ang buo nilang pagkatao dahil inilabas na sila ng kanilang ina,….alangan namang ibalik pa sila sa sinapupunan nito. Maski sa ating sariling pagkatao ay may mga characteristics din tayong hindi natin gusto kaya naiinggit tayo sa iba. Halimbawa, ayaw natin ng ilong nating pango kaya naiinggit tayo sa ibang may matangos na ilong, ang ating pagkapandak kaya naiinggit tayo sa matatangkad, etc.

Maski sa bayan kung saan tayo ipinanganak, may mga bagay doon na ayaw natin kaya ayaw nating balikan, pero dahil required na ilagay ito sa mga application form at bio-data ay wala tayong magagawa kundi talagang isulat na lang. Sa relihiyon ay ganoon din dahil may mga Katolikong ayaw magsimba sa mismong simbahan nila… ayaw kasi nila ang style ng pari sa pag-sermon, pero dahil Katoliko nga, no choice kundi tanggapin na lang si Father, dahil baka magalit si God. Sa trabaho ay ganoon din…ang workplace halimbawa ay ayaw natin dahil maraming lamok, at ang boss ay ubod na nga ng pangit ang ugali ay pangit pa ang mukha!...pero no choice pa rin tayo dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon.

GANYAN DIN DAPAT ANG TURING NATIN KAY DUTERTE. AYAW NATIN ANG KANYANG PAGMUMURA PERO DAHIL GUSTO NIYANG MAWALA ANG BISYO NG DROGA SA PILIPINAS O KAHIT MABAWASAN MAN LANG NG MALAKI AY I-LIKE NA LANG NATIN SIYA. KAHIT MUKHA SIYANG SANGGANO O BUTANGERO, SIGE NA LANG, DAHIL ANG KATAPANGAN NIYANG ITO ANG KINATATAKUTAN NG MGA HINAYUPAK NA MGA RAPIST, DRUG PUSHERS, DRUG LORD AT IBA PANG KRIMINAL.

Habang nabubuhay tayo sa ibabaw ng mundo, wala tayong magugustuhan na 100%. Kung minsan nga pati Diyos na gumawa ng lahat-lahat ay pinagkakatampuhan natin dahil sa mga nangyayaring kalamidad….at lalo tayong nagagalit sa kanya kapag nagsunud-sunod ang kamalasan sa ating buhay, sabay tanong ng, “WHY ME, LORD”?

Sino ngayon ang unfair?...ang Diyos na hindi patas sa pagbigay ng mga biyaya?...si Duterte na sinisisi dahil sa pagkamatay ng mga drug pushers na nang-estapa ng pambayad na kinuha sa drug pusher kaya sila ay binalutan ng packing tape sa mukha at tinadtad ng saksak o pinaulanan ng bala?


Para walang problema, iwasang magkagusto sa mga bagay-bagay o mga tao nang buong todo!...upang kung maging disappointed ay hindi rin todo-todo ang sakit na mararamdaman.

Discussion

Leave a response