Ang Mga Magkaibang Katawagan at Expression ng Mahirap at Mayaman
Posted on Sunday, 9 October 2016
ANG MGA MAGKAIBANG KATAWAGAN AT EXPRESSION
NG MAHIRAP AT MAYAMAN
Ni Apolinario Villalobos
Sa kasalukuyang panahon, nakagawian na
ibang Pilipinong Inglesin ang mga salitang para sa kanila ay garapal o “wằ klas”
ang dating, lalo na ng mga mayayaman o sosyal, tulad ng mga sumusunod:
Mahirap Mayaman
Araguy! /
Aray!............................... Ouch!
Nakupo!.......................................... Oh No! / Omigosh! / OMG!
Kurikong (sakit sa balat)……………… Chicken Asthma
Bakukang……………………………………. Skin eruption
Galis o galis-aso / eczema…………… Skin allergy
Duling (doble-tingin)………………….. Chicken eyes
Banlag (hiwalay-tingin)………………. Fish eyes
Ulekba / maitim…………………………. Morena (dapat ay “ebony” o kahit
“dark-skinned” na lang)
Payat………………………………………….. Slim (kahit mukhang may TB)
Mataba………………………………………. Healthy /chubby (kahit laylay na doble na
ang baba)
Bansot / pandak…………………………. Cute
Bobo…………………………………………… Average
Madaldal……………………………………. Chatty
Mutằ………………………………………….. eye spot
Tae / Ipot / Dumi……………………….. Echas
Kalbo / Panot……………………………… Wise guy
Kuripot………………………………………. Thrifty
Lasenggo…………………………………… Alcoholic
Adik ………………………………………….. Drug dependent
Drug pusher ……………………………… Drug financier
Bagoong dilis ……………………………. Anchovy
Bagoong dilis (katas)…………………. Fish sauce
Bagoong alamang…………………….. Shrimp sauce
Kalabasa ………………………………….. Pumpkin
Bilbil ng lalaki ………………………….. Love handle
Bilbil ng babae …………………………. Unwanted
fat
Madalas maringgan ng mga paeklay o pasosyal
na paggamit ng Inenglis na mga salitang Pilipino ang mga mayayaman at
brodkaster. Tulad na lang ng TV host ng programa tungkol sa pagluto, nang
tawagin niyang “pumpkin” ang hinihiwang kalabasa na ihahalo sa recipe niyang
“pinakbet. At, sa halip na bagoong isda o katas nito, o di kaya ay patis na
lang ang gamitin, ang binanggit niya ay “anchovy” at “fish sauce”, kaya
siguradong ang mga nanonood, na sa palengke o sa talipapa lang namimili ay
nalito sa halip na matuto! Kung pumpkin pie sana ang niluluto niya ay okey,
pero pinakbet! At, sana pinaliwanag niya na hindi nagkakaiba ang binagoong na
dilis sa de latang “anchovy” na ginto ang presyo sa mga supermarket. At least,
masasabi ng hindi mayamang nanonood na ganoon lang pala!
Minsan naman ay may nag-guest sa isang TV
show na isang Pilipinang model/actress na talaga namang malinaw ang
ebidensiyang anak siya ng nanay niya sa Negro, lalo pa at taga-Olongapo sila,
kaya itim ang kulay, hindi kayumanggi o “brown” o kahit na “dark brown”.
Sabihan ba naman ng host ng show na attractive raw ang kulay niyang “morena” sa
halip na sabihing “ebony” o di kaya ay tinagalog na lang sa salitang “maitim”,
dahil bumagay naman sa ganda niya, kung
ayaw niyang gamitin ang “ulekba” lalo pa
at maitim naman talaga! Mabuti pa yong natalong kandidato sa pagka-presidente,
tanggap niyang balat-ulekba siya. Walang masama sa kulay ng African na maitim
lalo pa kung makinis, at katunayan diyan ay ang mga beauty queens ng Amerika na
maitim ang balat, pero talagang magagandang hindi hamak naman. (Ulekba ang
tawag sa manok o itik na may maitim na balat.)
Yong isa namang broadcaster na nagbalita
tungkol sa “tokhang”, habang ang ibinabalita niya ay tungkol sa mga
taga-depressed areas o iskwater, ang ginamit niyang salita ay “adik”, pero nang
magbanggit na siya ng mga addict na taga-exclusive subdivisions, ang ginamit na
niya ay “drug dependent”!
Yong isa pang broadcaster ay tinawag ang
isang taklesang actress/TV host (galing sa mayamang angkan) na “chatty”,
samantalang nang banggitin niya ang isang komedyana na magaling din namang
artista, ang ginamit na niya ay “madaldal”!
Mabuti na lang at kahit papaano ay tanggap
ng mga Pilipino ang mga nabanggit na kaibahan dahil pagpapakita sila ng
tuluy-tuloy na “pagyaman” ng ating wika. Dahil diyan, taun-taon ay hindi bababa
sa limang bagong salitang converted mula sa Ingles ang nadadagdag sa
diksiyunaryo ng Wikang Pilipino. Sa paggamit, sana lang ay huwag bahiran ng
pagkukunwari o “colonial mentality” tulad ng pagtawag sa “kalabasa” na
“pumpkin”, para maging “stateside” ang dating ng pinakbet…dahil nasa Pilipinas
tayo!
Discussion