Kung Bubuwagin ang National Bilibid Penitentiary, Isama na rin ang Iba Pang Ahensiyang Tadtad ng Korapsyon
Posted on Wednesday, 12 October 2016
KUNG BUBUWAGIN ANG NATIONAL BILIBID
PENITETIARY
ISAMA NA RIN ANG IBA PANG AHENSIYANG TADTAD
NG KORAPSYON
Ni Apolinario Villalobos
Ngayon lang ako bumilib sa Kongreso dahil
sa panukala ng isang kinatawan na buwagin na ang National Bilibid Penitentiary
upang maiwasan ang problema sa “tenure” ng mga korap na empleyado na protektado
ng Civil Service Code. Maaari nga naman na ang ibigay na dahilan ay isyu ng
korapsyong nagpaugat sa kalakalan ng droga sa loob nito, at maging sa labas,
dahil nakakapag-operate pa rin ang drug lords na preso, kahit ang gamit lang ay
lumang cell phone.
Kung
mabubuwag ang ahensiya upang mapalitan ng bago, dapat ring baguhin ang
karamihan ng mga provision sa Operating Manual, at lalong dapat LAHAT ng
empleyado ay tangganlin at mag-recruit ng mga bago. At, upang siguradong hindi
maakit sa “lagayan”, ay taasan na rin ang suweldo nila. Dapat ding gawing
“confidential” ang status ng kanilang trabaho upang kontrata lang ang kanilang
panghahawakan, at hindi protektado ng Civil Service Code, kundi ng Labor Code
lang. Kapag ganyan ang mangyayari, sinumang mahuling gumawa ng kaaliwaswasan ay
pwedeng tanggalin ng diretso pagkatapos ng isang masusing imbestigasyon na
magpapatunay ng ginawang kasalanan.
Napagkaganda ng nasabing panukala, kaya’t sana
ay maipasa agad upang maipatupad. Hinggil dito, sana ay ganoon din ang gawin sa
iba pang korap na mga ahensiya tulad ng LTO, LTFRB, Bureau of Customs, BIR,
etc. Nagkakaroon ng problema sa pagtanggal ng mga tiwali at korap na mga
empleyado dahil sila ay protektado ng Civil Service Code kung saan ay
nakapaloob ang “security of tenure” sa bisa ng ordinaryong “eligibility” at
“career service certification”. Kung nagkakaroon man ng imbestigasyon, dahil sa
katiwalian din mga huwes, nakakalusot pa rin sila. Dahil diyan, kahit ilang
beses magpapalit-palit ng mga hepe, kung ang mga tauhang civil service at career service qualified, ay nasa puwesto
pa rin, walang mangyayari sa “paglilinis” na gagawin ng bagong administrasyon.
Para lang nagputol ng sanga ng kahoy na magkakaroon uli ng mga panibago dahil
ang ugat ay naiwan!
Discussion