0

Ang "Pro-life" na Panukala ni de Lima laban sa Extrajudicial Killing

Posted on Wednesday, 12 October 2016

ANG “PRO-LIFE” NA PANUKALA NI DE LIMA
LABAN SA EXTRAJUDICIAL KILLING
…NAPAKAHALAGA, KAYA CONTINUE READING…
Ni Apolinario Villalobos

Highlight ng panukala ni senador de Lima upang maiwasan kuno ang extrajudicial killing ay ang  paggamit ng megaphone sa halip na pagpapaputok ng baril at paggamit ng hindi nakamamatay na sandata sa pakikipaglaban sa hinuhuli. Dahil diyan, dapat habang hinahabol ng pulis ang huhulihin ay sinasabayan niya ng pagsigaw sa megaphone. Upang siguradong magaling siya sa ganito, dapat ay ituro ito sa PNP Academy (PNPA) - ang pagpapahaba ng paghinga, at pagtakbo habang bumibirit ng kahit anong kanta ng grupong “Aegis”. Kapag binaril ng drug addict ang pulis, dapat hawak pa rin niya ang ebidensiya para ebidensiya na sinunod niya ang batas ni de Lima.

May iba pang gustong mangyari ni de Lima upang walang mapatay na kriminal na na-aktuhang nang-rape, o nanaksak, o nang-hostage, etc. Na-derail na yata si de Lima dahil nakalimutan din niyang may immunity ang presidenteng balak daw niyang sampahan ng kaso sa Supreme Court…good luck!... lalo pa at sabay niyang gagawin ang dalawang plano. Hindi na niya alam ang gagawin upang matanggal sa kanya ang attention ng taong bayan dahil sa pagdiin sa kanya ng mga Bilibid witness, bilang “protector” ng Bilibid drug trade.

Sa isang banda, kalakaran sa kongreso at senado ang pagkunsulta sa mga ahensiya at grupong apektado ng mga panukalang batas na balak ihain ng mga mambabatas. Sa kaso ng extrajudicial killing, dapat ay kunsultahin din de Lima ang mga kaalyado niyang mga Obispo at human rights groups, para lalo pang “tumibay” ang kanyang panukala. Kapag ginawa niya ito, baka makadagdag pa sila ng mga provision na olrayt, tulad ng mga sumusunod:

  • pagsigaw sa megaphone ng, “in the name of god… surrender u… pulis we ar…or 2 hell u go!” – linyang madaling i-memorize ng mga pulis at angkop na magagamit sa mga adik na mahilig mag-text…upang madaling magkaintindihan;

  • kapag successful sa paghuli, dapat ay i-pray over muna ang nahuli at pagsuutin ng rosary bago dalhin sa kulungan na ang mga dingding ay napapalibutan ng mga krus na umiilaw sa dilim - yong made in China, at painumin din sila ng welcome drink – marijuana tea;

  •  padalhin ang mga pulis ng water gun na palaging puno ng holy water dahil binasbasan kuno ng mga Obispo, sa halip na kalibre 45, upang “pambaril” sa mga taong actual na gumagawa ng krimen, at upang siguradong hindi maubusan ng holy water kuno, dapat bawat isa ay may baong tig-isang gallon nito na nakalagay sa backpack;

  • kapag tumagal ang hostage-taking, magdasal ng rosary at novena ang mga pulis kahit pa-morningan pa sa lugar ng pangyayari…yong tipong prayer vigil;

  • kapag nagpambuno o nagpang-abot ang hinuhuli at ang pulis, habang gumugulong sila at nagsasampalan o nagsasabunutan, dapat kilitiin ng todo ng pulis ang hinuhuli upang manghina ito sa katatawa, kaya dapat kasama rin ito sa training nila sa PNPA;

  • dapat may nakahandang mga satchet ng shabu at sticks ng marijuana ang mga pulis kung ang huhulihing nangho-hostage ay bangag o malakas ang tama para ibigay sa “nakakaawang” adik na hostage-taker (baka bitin pa kasi) upang magpakasawa ito to the max hanggang sa magkandaduling sa pagka-high at manghina habang humahagikhik sa tuwa…makakatakas na ang na-hostage…kapag ligtas na ang na-hostage, dapat sabay sa pagsigaw ang mga pulis ng, “Hallelujah!!!”

  • tuwing may hostage-taking incident, dapat tumawag ng Obispo o human rights advocate upang ipakausap dito…face to face, hindi sa pamamagitan ng sigaw o megaphone…tingin rin lang nila sa sarili nila ay kasangga sila ng mga adik kaya ayaw nilang masaktan man lang ang mga ito….kaya feeling pa nila ay “tagapagligtas” sila ng mga drug pusher at drug lords na “naliligaw ng landas”….samantalang hindi man lang nila inisip ang mga biktimang itinulak ng mga hangal na ito sa bangin ng kapahamakan!

Kapag may napatay pa sa pagpapatupad ng batas ni de Lima….ewan ko lang…DAHIL PRO-LIFE NA PRO-LIFE saang anggulo man tingnan…mula sa itaas, harap, likod, gilid… huwag lang mula sa ilalim dahil baka ang makita ay pang sex video lang!


Discussion

Leave a response