Ang Mga "Pagkakamali" ni de Lima
Posted on Tuesday, 4 October 2016
ANG MGA “PAGKAKAMALI” NI DE LIMA
Ni Apolinario Villalobos
Dahil sa kagustuhan ni de Lima na malusutan
ang akusasyon sa kanya, lalo na ang sex video na isa sa mga sinasabing
ebidensiya na nagkokonek sa kanya sa drug bagger sa loob ng NBP na si Dayan,
pilit niyang pinapaling o nililihis ang atensiyon sa direksiyon ni pangulong
Duterte gamit ang pinangungunahan niyang imbestigasyon sa Senado laban sa
extrajudicial killings. Subalit, sa kamalasan, sa halip na makatulong sa kanya
ang mga ginagawa ay lalo pang nagdiin sa kanya ang mga ito….nag-boomerang sa
kanya kaya ayon, semplang na semplang siya sa pagkakatimbuwang nang patihaya!
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga
“PAGKAKAMALI” ni de Lima:
·
Na-underestimate niya ang
simpatiya at antas ng karunungan ng karamihan sa mga senador nang ipilit niyang imbestigahan si
pangulong Duterte tungkol sa extrajudicial killings sa Davao na gusto niyang
ikonek ngayon sa mga pangyayaring extrajudicial killings din kuno sa Maynila.
·
Ginamit niya si Matobato bilang”
star witness” kuno, na nag-akalang nakasandal siya sa pader (de Lima) kaya
malakas ang loob na umaming siya ay miyembro ng DDS para magkaroon siya ng
dahilan na ituro ang ilang pulis-Davao na mga nagpapatakbo kuno ng DDS. Ang
pagpipilit niyang siya ay miyembro ng DDS ay siyempre nasundan ng mga
pagyayabang na marami siyang pinatay upang lumabas na kapani-paniwala ang mga
sinasabi niya. Samantalang totoo ngang
may mga pinatay batay sa filed records at mga nakaraang mga balita sa Davao, tumanggi
naman ang mga pulis-Davao na kanyang idinamay na may kinalaman sila. Lumutang
pa ang kaso niyang kidnap-for-ransom na itinago ni de Lima upang palabasing
wala siyang masamang record …. ang resulta, hindi na kukunan ng statement si
Matobato dahil sa pagkalusaw ng kanyang kredibilidad. Nagmistula naman ito
ngayong daga na naghahanap ng lunggang masisiksikan dahil hinahanting siya ng
Davao pulis sa pag-amin niya bilang miyembro ng DDS na itinuturing na illegal
na vigilante group, lalo pa at umamin siya sa mga pagpatay. Nadagdag pa ang
kaso ng illegal possession of firearms kamakailan lang. Dahil sa nangyari kay
Matobato, nadagdag ito sa mga pasaning uukilkil sa konsiyensiya ni de Lima
habang siya ay nabubuhay…nakahatak na naman siya ng isang buhay tungo sa
kapahamakan!
·
Hindi pinagsalita ni de Lima si
Dayan at JB Sebastian upang mula sa bibig nila manggaling ang pagtangging may
kaugnayan sila sa kanya, subalit hindi niya ginawa, sa halip ay kung anu-anong
pagtatakip ang kanyang pinagsasabi kahit obvious o malinaw na ang mga pagkakakonek
nila sa kanya.
·
Noon pa mang unang pumutok ang
eskandalo na dulot ng sex video niya kuno, dapat ay nilusaw na niya ang
haka-haka na siya ang nakita doong babaeng nangangabayo sa lalaking kaulayaw.
Kinasuhan na sana niya ang mga unang nag-upload ng nasabing video, kung hindi
sila ni Dayan ang nagtatampisaw sa batis ng kaligayahan, na kasabay ay pahalinghing at paimpit na pagbubulungan ng
sweet nothings. At, kung sa motel nangyari ang kulukadidangan nila ni Dayan na
sana ay hindi totoo, dapat malaman niyang karamihan sa mga ito ay may mga
hidden camera na nilalagay ng mga tarantadong staff at hindi alam ng
management. Pero, upang mapairal ang “due process” na nagiging slogan na nila
ni Trillanes at iba pang advocates kuno ng human rights, tama lang ang pagkakataong
ibinibigay sa kanya upang malinis ang kanyang pangalan.
·
Mahilig siyang gumamit ng
“bluff” upang maipakitang inosente siya sa mga inaakusa sa kanya at tama naman
siya sa pag-akusa kay Duterte na pasimuno kuno sa extrajudicial killing sa
Davao na nangyayari naman ngayon sa Manila. Itong style niya ang ginamit sa
kanya ni DOJ secretary Aguirre sa isyu ng sex video sa pagsabi bandang huli na
wala itong videong hawak upang ipakita sa senate hearing, kundi witness na
nakakita. Sa Ingles kung tawagin ito ay, “ a dose of your own medicine”.
Siguradong sa kahahalakhak ni Aguirre dahil sa kanyang tagumpay ay umaalsa din
ang kanyang sideburns!
·
Lumutang din ang ugali niyang
hindi maaasahan o kung sa salitang kalye ay “pagka-traidor” nang sabihin niyang
“government asset” si JB Sanchez. Dahilan niya ito upang mailusot ang pagbisita
niya dito sa kanyang kubol kung saan ay tumatagal siya ng ilang oras. Inilagay
niya sa balag ng alanganin ang buhay ng convicted criminal na “kaibigan” niyang
si Sanchez dahil pinaliligiran ito ng mga drug lords na anumang oras ay pwedeng
magpapatay sa kanya.
·
Akala niya ay nakatulong ang
“drama” sa muntik nang pagkamatay ni Sanchez sa Bilibid upang ipakita na
delikado nga ang buhay nito sa loob dahil nga “asset” siya….bagay na hindi
bumenta sa mga tao. Ang malinaw ay, gusto itong patahimikin ng TAONG MADIDIIN
niya pagdating ng “tamang panahon”….at sino yon?...eh di si de Lima! Ang isang “asset”
ay hindi nagkukuwento ng mga ginagawa niya na dapat ay lihim, na taliwas sa
ginagawang pagyayabang ni Sanchez sa kaugnayan nito sa kanya.
·
Ang isang advertisement na
ginamit niya noong nakaraang kampanyahan para sa eleksiyon 2016 kung saan ay
may taong nagdadala kuno ng pera na panuhol ay inakala niyang makakatulong sa
kanya upang ipabatid sa madla na malinis siya dahil ang ad na yon ay
nagpapahiwatig na hindi daw niya ito papayagang mangyari sa kanya…dinadalhan ng
suhol. Batay sa ad na yon, pumasok tuloy sa isip ng tao si Dayan na nagdadala
sa kanya ng mga bag na namumutok sa pera. Dagdag pa nila, akala ni de Lima ay
lusot na siya dahil pinangunahan niya ng paghuhugas-kamay ang mga nangyayari sa
kanya ngayon. Nag-boomerang din ang ad sa kanya!
·
Nagmistula siyang batang
inagawan ng kendi nang magtatarang o magpakita ng tantrum kaya halos nawala
siya sa sarili na umabot sa sukdulang pambabastos sa nagaganap na senate
hearing noong gabi ng October 4, nang mag-walk-out siya. Ang unang hiningan
niya ng paumanhin kinabukasan ay ang mga tao….anong pakialam nila sa hearing,
ganoong ang binastos niya ay ang mga senador? Sa galit ni Gordon ay nagsabi
itong hindi niya tatanggapin ang anumang apology ni de Lima, at sa halip ay
hihingi siya ng suporta sa iba pang senador upang mapatawan ito ng karampatang
parusa….dapat lang!
Sana ay magbago na ng paraan o style si de
Lima sa pagsira kay Dutere….na malamang ang kautusan ay nanggagaling sa kung
kanino o kung saan man. Lumalabas tuloy na siya ay nagigiling sangkalan o kung
tawagin sa Bisaya at “tapalẳn” (accent on the last syllable) ng mga taong
ito. Hanggang kaylan kaya iindahin ng sangkalan ang mga bagsak mula sa mga matatalas at mabibigat na kitchen knife kung
may tinatadtad na karne?
Sa panahon ngayon, isa sa mga masasakit na
katotohanan sa larangan ng pulitika, tulad din sa show business, ay ang kawalan
ng permanenteng taong mapapagkatiwalaan….
Discussion