Si Mark Anthony Fernandez at ang Marijuana
Posted on Tuesday, 4 October 2016
SI MARK ATHONY FERNANDEZ AT ANG MARIJUANA
Ni Apolinario Villalobos
Akala ni Mark Anthony Fernandez ay lusot na
siya sa pagsabing kaya siya tumutsungki ng marijuana ay upang makaiwas sa
cancer. Hellowwwww!!! Gusto pa niyang gawing ogag ang mga tao sa ganitong
palusot.
Ang marijuana ay kinilalang “gamot” sa
Amerika, para sa mga sakit na may kinalaman sa baga o lungs at mga kaugatan o
nerves sa utak na ang resulta ay epilepsy….AT, HINDI LABAN SA KANSER. Subalit
mas nauna ang mga arbularyo sa Pilipinas sa paggamit nito bilang gamot sa sakit
ng tiyan; sa mga babaeng umiinda ng
sakit tuwing datnan ng buwanang “bisita”; at, sa mga nahihirapan sa paghinga.
Subalit nang ito ay abusuhin at dineklarang illegal drug, hindi na ito ginamit
ng mga arbularyo.
Ngayon, dahil sa pagkakahuli sa kanya na
may dalang mahigit isang kilong marijuana, ang anak ni Alma Moreno at ang
namatay na Rudy Fernandez ay nagsasabing “tinamnan” siya ng “ebidensiya”. Anong dahilan ng mga
pulis upang tamnan siya ng marijuana, ganoong hindi naman siya nakalista sa
“narcom list”?...ni hindi nga siya binabanggit sa mga balita tungkol sa mga
artistang gumagamit ng shabu. At, bakit hindi nagpakita si Alma Moreno nang
hulihin siya, bagkus ay pinadala na lamang niya ang kanyang secretary? Ang
malinaw ay natiyempuhan siya!
Yan ang hirap sa mga taga-showbiz, eh.
Bistado na ang ginagawa ng ilan sa kanila ay pilit pa rin silang nakikipaglaban
sa pagsabing “malinis” sila. Noon pa man ay putok na putok na ang mga
nangyayari sa loob ng mga high-end na bar sa Pasig at Makati. Lalo pang
umalingasaw ang isyu tungkol sa mga taga- showbiz na may kinalaman sa droga,
nang mabisto ang sistema ng mga organizer ng show o concert ng mga kilalang
rock band, kung saan, ayon sa mga witness ay nagkakaroon ng “drug orgy”. Kaylan
lang ay bumulaga sa madla ang pagkamatay ng mga dumalo sa isang rock concert
pagkatapos nilang uminom ng mga softdrink na hinaluan ng gamot.
Balik sa kaso ni Mark Anthoy….siguradong
gagamitin niya ang kuwento tungkol sa kanyang tatay na si Rudy Fernandez na
namatay sa cancer, sakit na maaaring namana niya, kaya dapat niyang tsumungki
ng marijuana, at kailangan niya ng steady supply upang mawala ang mga cancerous
cells na nananalaytay sa kanyang mga ugat. Yan ay batay sa paniniwala niyang
panlaban ang marijuana sa cancer.
Ang mali niya, nag-drive siya ng kotseng
walang plaka kaya siya napansin…kaya siya nasita…kaya siya natiyempuhan! Ang
kamalasan nga naman, kung bumagsak…talagang lumalagapak! Ginagamit tuloy siya
ngayong leksiyon at warning sa iba pang mga taga-showbiz!
Discussion