Showing posts with label Philippine educational system. Show all posts

0

Wrong Information from Textbooks that Filipino Students are Forced to Learn

Posted on Tuesday, 5 September 2017

Wrong Information from Textbooks
That Filipino Students are Forced to Learn
by Apolinario Villalobos

As I gain years in life that slowly push me towards the threshold of my destiny, I cannot help but think about the things that I was “force-fed” as a knowledge-hungry pupil in elementary and a trying student in high school and college. I am now beginning to think that they could be wrong, such as:
·        Reference by Spanish historians to early inhabitants of the archipelago as indolent and have no regard for the future….

The original lines of this contention were written by historians who were members of Spanish expeditions to the “spicery” in the East, referring to the archipelago that later became known as Philippines, as well as, Moluccas. These European historians did not give consideration to the fact that the early inhabitants of the islands during the time subsisted on roots (sweet potato, yam, etc.), domesticated vegetables and animals, and which were abundantly available all year round. There was no need to dry vegetables the way they were doing in Europe due to winter. It should be noted that the main reason why Europeans were dead-set on conquering the “spice islands” of the East, was their need for the sought-after spices to preserve their food. Fresh water and marine fishes were likewise readily available anytime of the year. Unfortunately, such impression stuck even up to the American regime.

·        The impression of Lapu-lapu as being the first “nationalistic Filipino” who fought foreign intruders….

Just like the rest of the early inhabitants of the archipelago, Lapu-lapu was also an “immigrant”. When the Spaniards came, there was no “united Philippines”, yet. Even what is now Manila was ruled by several chieftains. There was also no clear evidence, if Magellan died in the hands of Lapu-lapu, or that, Lapu-lapu was at the battle site which was in knee-deep of water, or just on the shore watching the scene and shouting instructions.

·        The Spaniards came to spread Christianity….

Although, there were friars on board the galleons, those calling the shots were the leaders of the expeditions, such as, breaking of twigs, throwing of rocks and other symbolic acts of conquest, and the making of declaration of conquest in the name of the King or Queen of Spain. In meeting with the chieftains of the islands, the leaders of the conquerors, made clear their intention of making the villages as vassals of Spain. Only when the chiefs conceded that “baptism” into the new faith was made. In other words, the cross was made as an excuse for the conquest.

·        Ruy Lopez de Villalobos named the archipelago, “Philippines” in honor of the Spanish king, King Philip II….

During the time of the Villalobos expedition, the archipelago was known as the “Islas del Poniente (Sunset Islands). On February 2, 1543, his fleet reached the current town of Baganga, east of Mindanao and named it, “Caesaria Caroli” in honor of Emperor Charles V. They moved farther on and reached Sarangani Bay, named “Antonia” in honor of Antonio de Mendoza, Viceroy of Mexico. Finally, they reached Leyte which during the time was known as “Tendaya”, but which Villalobos named, “Felipina” in honor of the crown prince of Spain, future king who was destined to succeed Charles V. Clearly, the name that Villalobos gave did not refer to the whole archipelago but only to a particular island.

·        The reference to the Filipinos again as “lazy” during the actual Spanish occupation of the populated islands…

When the Spaniards occupied the populated islands of the archipelago, the inhabitants were taxed heavily based on their produce. The natives decided to “take it easy” in working on their land as a major slice of their harvest went to the Spaniards. Aside from the demanded big share from the natives’ harvests, they were also made to render forced labor to build churches. The massive churches in the towns of Luzon and Visayas are evidences of this cruelty.

Today, the topsy-turvy educational system of the Philippines is such that even the K-12 which is not an assurance of job after finishing the so-called “senior high school” has been implemented post-haste without the necessary preparations. The current errors in the workbooks have compounded the existing ones that are needed to be rectified. The many pages of textbooks that have been transformed into “workbooks” are never without errors, yet, erring publishers are not penalized….”how much” is the reason…I just don’t know.




0

Ang Panahon ng Graduation sa Pilipinas...at pagkalipas nito

Posted on Monday, 13 March 2017

Ang Panahon ng Graduation
Sa Pilipinas…at pagkalipas nito
Ni Apolinario Villalobos

Ilang buwan na lamang ay magkakaroon na naman ng mga sunud-sunod na graduation – grade school at kolehiyo…ang 4-year high school ay inabot ng kamalasan dahil sa K-12 program. Sa panahong ito, parang sirang plaka na naman ang DECS at CHED sa pagpapaalala sa mga eskwelahan na iwasan ang magastos na graduation. Kasama sa paalala ang pagdaos na lang ng seremonyas sa kanilang sariling auditorium o gym, at kung maiiwasan ang pagpapasuot ng toga ay mas maganda.

Subalit, tulad ng inaasahan, walang nasusunod sa mga paalala, at upang hindi mapahiya ang dalawang ahensiya, sasabihin uli nila ng kung ilang libong beses na, na wala silang “police power” upang magparusa sa mga hindi susunod. Ganyan katindi ang palpak na sistema ng edukasyon sa Pilipinas! Ang nagpatindi pa sa kapalpakang ito ay ang ugali ng mga mayayabang na magulang na kahit walang pera ay pilit mangungutang upang  maibili ang mga anak ng bagong sapatos at damit. Pagkatapos ng seremonyas sa Philippine International Convention Center (PICC) o mamahaling hotel at halos walang katapusang kodakan, lalagapak sila sa katotohanang wala pala silang hapunan pag-uwi ng bahay!

Pagkatapos ng graduation, masuwerte ang mga dati nang may trabaho bilang crew ng mga fastfood chains dahil sigurado na silang may kikitain habang naghihintay ng mas magandang pagkakataon. Ang mga mapoporma naman na kinunsinte ng mga magulang sa pag-akalang mayaman sila, ay naghihintay ng managerial position dahil “management course” kuno ang tinapos nila at sa prestigious pang university kuno!...aba’y kung di ba naman mga gunggong… akala nila dahil may diploma ng “management course” na sila ay ganoon kadaling makakuha ng trabaho!

Yong ibang matatalino kuno dahil sa matataas na gradong nakuha, tamimi naman pala o mahiyain kaya halos magkanda-ihi pagharap sa mag-iinterbyu. Yong ibang sobrang bilib sa sarili kaya walang pakialam sa trapik na susuungin sa paghanap ng maaaplayang trabaho, gigising ng eksakto 7AM para sa interview na 8AM…marami akong kilalang ganyan ang ugali, kaya halos dalawang taon na ay wala pa ring trabaho…dahil hindi lang mayabang kundi tanga pa! Sa libu-libong applicants na dumadagsa sa mga job sites, hindi ulol ang mga interviewer upang hintayin ang mga tangang walang pakialam sa oras.


Yan ang masaklap na katotohan tuwing panahon ng graduation at pagkalipas nito….paulit-ulit dahil walang gustong matuto ng leksiyon, kaya hindi dapat isisi sa gobyerno lang ang paghihirap ng ibang Pilipino kundi pati na rin sa kanila dahil sa kanilang  kayabangan at katangahan.

0

Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na Educational System ng Pilipinas

Posted on Tuesday, 21 February 2017

Mga Kuwento ng Tagumpay at ang Inutil na
Educational System ng Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Dahil sa pagputok ng balita tungkol sa disgrasyang inabot ng mga estudyanteng patungo sana sa Tanay (Rizal), kanya-kanya na namang hugas-kamay ang mga ahensiyang may kinalaman sa edukasyon. Sa tindi ng pagkawalang puso ng may-ari ng eskwelahan, nagsalita pa ang isa sa kanilang opisyal na ipagpapatuloy pa rin daw ang sinasabi nilang leadership training. Mabuti na lang at may kumilos upang ito ay mapigilan dahil sa tindi ng ngitngit ng mga magulang ng mga namatay, nasugatan, at mga nakaligtas.

Wala na talagang pinagbago ang CHED at DepEd dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang ginagawa upang matigil na ang walang silbing mga field trip at kung anu-ano pang kataranduhan ng mga private schools na hatala namang ginagamit lang para sa junket. Pwede namang gumamit ng documentary films na kuha sa aktwal na pasilidad na gusto nilang pasyalan, bakit hindi nila gawin? Ang sinasabi ng iba ay nakakalibre daw ang ilang titser at opisyal ng eskwelahan sa pagsama sa mga estudyanteng gumagastos ng kung ilang libong piso para lang “makapasa”. At ang matindi, ay ginagamit pa ito ng ibang eskwelahan upang pagkitaan! Kung pinatigil man ang mga walang silbing “field trips”, ito ay PANSAMANTALA na naman!

Walang silbi ang diploma sa panahong ito dahil karamihan ng meron nito ay wagas na nagsasabing pampayabalang lang daw naman nila, at sa pag-apply ng trabaho, bahala na daw kung may makita o wala . May alam akong walang interes sa pag-apply kaya apat na taon mula nang makatapos ay istambay pa rin. Kung babae naman, nagkandalosyang na sa kapapanganak ay ni hindi man lang nakapasok maski probationary job. Ang kailangan sa panahong ito ay tiyaga at sipag na maaaring dagdagan ng diskarte. Yong iba ay namumuhunan lang ng laway o “sales talk”, pero kumikita….pero wala silang diploma. Hindi nangangahulugang ayaw ko nang mag-aral o makapagtapos ng kurso ang mga kabataan. Ang ibig kong sabihin dito ay baguhin ang pananaw tungkol sa edukasyon at ang sistema upang hindi mahirapan ang mga estudyante at mga magulang…hindi yong eskwelahan lang ang kumikita.

Merong mga eskwelahan na sumisingil ng “security fee”, pero wala naman silang security guard. Ang para naman sa mga magulang, kung hindi kaya ang gastos sa kolehiyo halimbawa, bakit hindi ipasok ang anak sa TESDA? Ang masaklap pa dito, dahil sa K-12 program, sa halip na 4 na taon lang ang high school at pagkatapos ay pwede nang mag-vocational school na mura, nagkaroon pa ng dagdag na gastos sa extended high school na tinawag na “senior high school” na bukod sa mahal na tuition ay halos wala ring napapag-aralan ang mga bata.

May isa akong kaibigan na nagkuwentong ang nanay nila ay hanggang Grade Four ang inabot subalit naging matagumpay bilang negosyante na ang inumpisahan ay isang maliit na sari-sari store. Lahat silang pitong magkakapatid ay nakapagtapos ng mga matataas at mamahaling kurso tulad ng “Engineering”. Noong nasa elementary pa daw siya, tinuturuan niya ang nanay nila kung paano isulat ang tamang spelling ng mga pangalan ng produktong tinitinda. At, ang nakakatuwa, madalas daw umutang sa kanila ang principal ng kanilang eskwelahan…at lahat ng mga titser niya! Ang sabing pabiro sa kanya ng nanay niya minsan, “….kita mo na, kung naging principal ako, hindi ko kayo napag-aral lahat…”.

Yong isa ko pang kilala, hindi rin nakatapos ng high school kaya nagtanim ng palay at mais at namili pa ng mga ito, pati bigas bilang negosyo. Ngayon, may gilingan siya ng palay at mais at dumami na rin ang mga taniman ng palay, at may international resort pa na sikat sa internet!

Yong nakausap kong babae sa isang karinderya sa Sta. Cruz (Manila), akala ko ay katulong, yon pala ay may-ari. Hanggang Grade Two ang inabot subalit may karinderya pa sa Blumentritt, Cubao, Pasay at Baclaran. Yong isa namang akala ko ay driver ng isang SUV na mamahalin, yon pala ay mismong may-ari at ang malaking junk shop sa di-kalayuan ay kanya….hindi rin siya nakatapos ng high school.

Masama mang sabihin, pero karamihan sa mga kabataan ngayon ay lulong o adik sa mga gadget at barkada kaya maski simpleng report na gagamitan ng English ay hindi magawa….at karamihan ay mayayabang pa.  Makapag-submit man ng project na ni-research daw ay kinopya pa pati tuldok (period) at kudlit (comma) sa internet. Kaya pagkatapos gastusan ng magulang, pagkakuha ng diploma at maisabit sa dingding, balik uli sa mga bisyo – barkada, basketball, lakwatsa, at gadgets. Ang mga masisisi diyan ay mismong mga magulang at ang inutil na educational system ng Pilipinas!



0

Tungkol pa rin sa Impractical na K-12 Program

Posted on Thursday, 20 October 2016

TUNGKOL PA RIN SA IMPRACTICAL NA K-12 PROGRAM
Ni Apolinario Villalobos


KUNG TALAGANG SERYOSO ANG GOBYERNO SA PAGTULONG SA MGA MAHIHIRAP NA MAGKAROON NG TRABAHO AGAD, POSIBLE NAMAN ITO KAHIT HINDI NA NAGKAROON NG K-12 PROGRAM. SA DATING SISTEMA, PAGKATAPOS NG 4 NA TAON AY “HIGH SCHOOL GRADUATE” NA AT MAY DIPLOMA PA, PERO SA KI-12, MAY KARAGDAGAN PANG 2 TAON BAGO MASABING “HIGH SCHOOL GRADUATE” , YON NGA LANG AY MAY PANTUKOY NA “SENIOR”.

NAKAKATAWA ANG PINAPALABAS NG K-12 PROGRAM NA KAILANGAN ANG 2 TAON BAGO MAKAGAWA NG DESISYON ANG ESTUDYANTE KUNG ANONG LARANGAN ANG ANGKOP SA KANYANG TALINO AT KAKAYAHAN SA PAGGASTOS NG KANYANG MAGULANG. ANG 2 TAON AY SOBRA-SOBRA KUNG ANG MGA ITO AY GAGAMITIN SA ANIMO AY “TRIAL AND ERROR” NA PAGPILI.  KUNG SA TESDA O IBA PANG VOCATIONAL SCHOOLS NA BUMABAHA SA MAYNILA MAG-AARAL AGAD ANG ISANG 4-YEAR HIGH SCHOOL GRADUATE, SA LOOB NG ILANG BUWAN LANG, SIYA AY MASASABI NANG DALUBHASA AT MAY CERTIFICATE NA BILANG PATUNAY, AT MALIIT ANG BAYAD. KUNG SA KOLEHIYO NAMAN MAGSE-SENIOR HIGH SCHOOL, HINDI BABABA 25 THOUSAND ANG BABAYARAN KADA TAON, AT SIYEMPRE IDAGDAG PA DIYAN ANG SASAYANGING 2 TAON!

KUNG MAGTATRABAHO SA IBANG BANSA ANG ISANG PILIPINO, ANG TINI-CHECK AY ANG KANYANG KARANASAN AT MGA CERTIFICATE NG TRAINING DAHIL ANG MADALAS NA INAAPLAYAN AY MGA TRABAHO SA HOTEL, RESTAURANT, OSPITAL, AT BAHAY BILANG DOMESTIC HELPER AT HINDI MGA POSITION NA PANG-MANAGER, KAYA BAKIT PA MAG-EENROL SA UNIBERSIDAD O KOLEHIYO PARA LANG “MAKAPIMILI MUNA” SA LOOB NG 2 TAON, GANOONG ANG AVAILABLE LANG NAMAN AY TUNGKOL SA PAGLULUTO, PAGMEMEKANIKO, PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG BAHAY, PAGKUMPUNI NG COMPUTER, PAG-ASIKASO NG MGA TURISTA – MGA VOCATIONAL COURSES NA PWEDENG MAKUKUHA SA NAPAKAMURANG SEMINAR AT SA LOOB LANG NG ILANG BUWAN?

BULAG YATA ANG GOBYERNO SA KATOTOHANANG NAGPAPALIGSAHAN ANG MGA KOLEHIYO AT UNIBERSIDAD SA PAG-IMBENTO NG KUNG ANU-ANONG KURSO UPANG LALO PANG MAKAPANLOKO NG MGA MAGULANG AT KABATAAN. HALIMBAWA LANG AY ANG KURSO SA LARANGAN NG TURISMO….SA KABILA NG IISANG URI LANG NAMANG TRABAHO NA MAY KINALAMAN SA PAG-ASIKASO SA TURISTA, AY KUNG BAKIT NAPAKADAMING KURSONG DAPAT PAGPIPILIAN SAMANTALANG PARE-PAREHO LANG NAMAN ANG MGA SUBJECTS NA ITINUTURO!

SA K-12, ANG MGA MAY KAKAYAHANG KUMUHA NG MEDISINA, NURSING ABOGASYA, AT IBA PA HALIMBAWA, AY KAILANGAN NANG DUMAAN SA  2 PANG TAONG IDINAGDAG SA SENIOR HIGH, BAGO TULUYANG MAKATAPAK SA COLLEGE LEVEL. KAYA HUMABA NG 2 TAON ANG PANAHONG GUGUGULIN UPANG MAKATAPOS NG MGA NABANGGIT NG KURSO….MAHABANG PANAHONG GAGASUTUSAN NG MGA MAHIHIRAP NA MAGULANG!


SAMANTALA, KUNG ANG HINAHABOL LANG NAMAN NG GOBYERNO AY UPANG MAKAPASOK AGAD SA TRABAHO ANG MGA KABATAANG PILIPINO KAHIT SA LOOB NG PILIPINAS, ANO NGAYON ANG PAKIALAM NG EDUCATIONAL SYSTEM NG IBANG BANSA, NA PILIT NATING GINAGAYA? 

0

Irrelevant ang ROTC pero dapat ay Maayos ang Ipapalit

Posted on Thursday, 4 August 2016

IRRELEVANT ANG ROTC
PERO DAPAT AY MAAYOS ANG IPAPALIT
Ni Apolinario Villalobos

Hindi na angkop ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) sa kasalukuyang panahon. Itinatag ito noon upang panggalingan sana ng mga sundalong magtatanggol sa bansa sa panahon ng digmaan. Sa makabagong digmaan, hindi na gaanong gumagamit ng mga sundalo o tao, sa halip ay makabagong sandata, lalo na ng iba’t ibang uri ng bomba. Kung makipagdigma ang Pilipinas sa Tsina halimbawa, dalawa lang o tatlong missile, erase na sa mapa ang bansa.

Inabuso rin ang ROTC ng mga nagpapatupad dito na mga military o police officers na suwelduhan ng mga eskwelahan. Ipinilit nilang gawin ng mga estudyante ang pinapagawa sa mga nire-recruit na sundalo at pulis tulad ng “hazing” kaya namutiktik ang media noon ng mga kuwento tungkol sa mga estudyanteng namatay dahil sa “hazing”. Ang isa pang uri ng pag-abuso ay ang overpricing ng mga uniporme kaya nadagdag sa pasanin ng mga magulang, kaya malinaw na naging isang uri ng corruption ng kung sino mang staff ng eskwelahang nagpapatupad sa pakikipagkutsabahan sa mga training officers na taga-labas.

Okey ang Community Service na pangpalit sa ROTC subalit dapat ay ayusin ang programang ito upang hindi limitado sa paglilinis lang ng kapaligiran. Dapat gawing kapani-paniwala ang programang ito upang hindi lumabas na parang “picnic” o “outing” ng mga estudyante dahil sa suot nilang puting t-shirt at tight-fitting na pantaloon…kuntodo make up pa ang mga feeling pretty. Paano silang makakapaglinis ng maayos kapag ganoon ang ayos nila? Dapat ay working attire ang ipasuot sa kanila.

Ilang grupo na ang nakita ko na nagko-Community Service kuno pero “sabog” sila…hindi alam ang gagawin, lalo pa at kung minsan ay hindi coordinated sa barangay ang kanilang activities. Nagpapalusutan pa sa pagpirma ng accomplishment report dahil maski walang masyadong nagawa ang mga estudyante ay napipirmahan ang kanilang report na pangsumite sa eskwela. May mga nakita ako na humawak nga ng walis ay bilang prop lang para sa selfie. Gusto kong linawin na HINDI LAHAT ng nagko-Community Service ay ganito ang ginagawa. Mayroon din namang seryoso sa kanilang ginagawa.

Kung seryoso sa pag-Community Service ang mga eskwelahan bilang pangpalit sa ROTC, ang suggestion ko ay mag-adopt sila (eskwelahan) ng plaza, ilog, Day Care Center, chapel, depressed community, orphanage, new Christian church, at paalagaan ang napili sa mga estudyante sa anumang paraang kaya nila. Gumastos man ang mga estudyante ng boluntaryo ay may kabuluhan. Pwede silang mag-solicit ng mga damit, bibliya, gamit-eskwela at iba pa para sa mga depressed areas na inampon nila; magpaganda ng kapilya; magturo ng pagbasa at pagsulat sa mga bata at matatanda; magtanim ng mga halaman sa plaza, etc. Sa mga nabanggit na paraan ay kitang-kita ang kanilang accomplishment at pwede pang mag-seremonyas tuwing matapos ang semester. Dapat i-maintain ng mga eskwelahan ang adoption hangga’t nag-ooperate sila upang lumabas na isa ito sa mga community outreach programs nila. Ang mga project ay pwede pang gamiting model sa mga kursong may subjects na Social Work, Psychology, etc. na itinuturo sa mga estudyante nila.

Kung paghahanda upang maging makabuluhang mamamayan ang mga estudyante, ang pagko-Community Service ay isang magandang pagkakataon at paraan….. hindi ang pagsusuot ng military  fatigue at mabigat na bota.


Ang pakikipagdigma natin ngayon ay laban sa droga, masamang ugali, korapsyon sa gobyerno, mga tiwaling opisyal, kagutuman, kamangmangan, at hindi laban sa kung anumang bansa, kaya ang kailangan ay linangin o paghandain ang mga kabataan upang magkaroon ng matatag na  pagkatao at malinis na diwa…..diyan masusukat ang kanilang pagka-Pilipino pagdating ng panahon.

0

Ang Bagong Sistema ng Edukasyon ng Pilipinas

Posted on Friday, 27 May 2016

Ang Bagong Sistema ng Edukasyon
Ng Pilipinas

Ni Apolinario Villalobos


Nakakakuba ang mga libro ng mga bata sa elementarya dahil sa bigat ng mga ito na kailangang dalhin araw-araw dahil bawa’t katapusan ng tsapter ay may mga tanong batay sa mga napag-aralan. Kaya mas angkop na tawaging “work book” ang mga ito. Pero, may magandang layunin ba ang pagbago sa porma ng mga textbook? May magandang layunin – para pagkitaan! Maliwanag ang dahilan na ito ay para pagkitaan ng mga tiwaling opisyal na nakipagsabwatan sa mga suppliers. Pati junk shops kumikita dahil ang mga librong ito na hindi na mapapakinabangan pa sa mga susunod na pasukan dahil sa mga tanong sa bawat katapusan ng mga tsapter ay hahakutin sa kanila para ibenta por kilo.

Dati, ang mga magulang ng mga bata na magkakasunod ang pagtuntong sa mga antas o grado ay nakakatipid dahil namamana ng mga nakakabatang mga kapatid ang mga librong nagamit ng mga nakakatanda basta pag-ingatan lang, ngayon hindi. Obligado silang bumili ng mga bagong libro o magbayad sa mga eskwelahan na siya na ring nagbebenta ng mga ito tuwing pasukan. Bakit ang ganitong sitwasyon ay hindi maunawaan ng mga opisyal ng kagawarang responsable? Malaking halaga ang dahilan!

Maraming librong ginagamit ngayon sa elementarya, kaya sa halip na may matutunan ang mga bata, lalo lang nagdudulot ng kalituhan kaya wala ring silbi. Ibig sabihin hindi makatotohanan ang sistema. Bakit hindi tanggapin ang katotohanang ang mga magulang ang gumagawa ng mga takdang aralin ng mga anak nila pati na mga project? Kung ang inaasahan ng mga guro ay “follow – up instruction” itong maituturing, mali sila, dahil kadalasan, habang nagtutuluan ang ganggamunggong pawis ng nanay sa pagsagot ng mga tanong sa takdang aralin at paggawa ng project, ang mahal na anak naman ay nagko-computer o di kaya ay nanonood ng TV!

Ang dagdag kalbaryo sa mga bata at mga magulang ay ang karagdagang antas na kailangang tuntungan ng mga estudyante pagkatapos ng Grade Six. Hindi pinakinggan ang reklamo ng mga guro na siyang apektado, na hindi nakahanda ang sistema ng edukasyon. Una, kulang ang mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan, at pangalawa, walang nakahandang kurikulum or “module”. May nakausap akong nanay na nagkwentong ang anak daw niya ay tinuturuang mag-manicure at mag-pedicure, magamit lang ang panahon na ginugugol nila sa paaralan.

Ang kailangan ay kagalingan sa pagtuturo na makakamit kung may mga programa sa pagpapakadalubhasa ng mga guro at may kaakibat na suporta ng sapat na budget, hindi dagdag na antas. Nakakalungkot isipin na upang madagdagan ang kaalaman, may mga guro na para lang makadalo sa mga training o seminar o makabili ng mga libro, ginagamit nila ang sarili nilang pera. Hindi maaasahan ang budget ng mga eskwelahan dahil kadalasan, pambili nga ng chalk ay inaabunuhan pa ng mga guro. Upang makabili ng mga walis at iba pang gamit panlinis, nag-aambag ang mga estudyante at mga magulang.

Lumabas sa TV ang isang dokumentaryo tungkol sa Kalayaan Island. Maganda na sana ang napanood dahil may ipinakitang paaralan at klase ng mga estudyante pero nakakadismayang marinig sa guro na hindi daw sila “credited” ng Kagawaran ng Edukasyon. Nguni’t dahil gusto ng gurong ito na may matutunan ang mga anak ng mga sundalo at iba pang mga tao na nagtiis tumira sa Kalayaan Island upang maipakita na pagmamay-ari ng Pilipinas ang isla, tuluy-tuloy lang ang pagturo niya sa mga bata. Bakit hindi ito inaasikaso ng Kagawaran ng Edukasyon?

Sa iba pang liblib na lugar, may mga paaralang butas-butas na ang bubong, halos wala nang dingding. Mayroon ding mga akala mo ay leaning Tower of Pisa ang porma dahil hindi diretso ang tayo, gawa ng mga kung ilang bagyong humagupit. Kung interesado ang Kagawaran na makakita ng iba’t ibang sitwasyon, maganda siguradong humingi sila ng kopya ng mga dokumentadong report ng GMA7, ang istasyon ng TV na matiyagang gumagastos upang maipakita at aktwal na maitala ang mga tunay na kalagayan ng mga eskwelahan sa iba’t –ibang panig ng Pilipinas.

Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit mahina ang pundasyong edukasyonal ng mga kabataan? Mga kahinaang madadala nila sa paglaki nila at maging bahagi ng lipunan. May mga matatalinong bata ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataong ito ay malinang sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-aaral. Ang dahilan ay kakapusan sa pera ng pamilya nila, wala silang magawa kundi tumigil sa pag-aaral. Pinalala ito ng kawalan ng suporta mula sa pamahalaan.

Ang mga kabataang nakakapag-aral sa malalaking bayan at siyudad, bihira ang nakikitaan ng pagkaseryoso sa pag-aaral dahil sa mga nakakalat ng computer shops na ang iba nga halos ilang dipa lang ang layo sa mga paaralan. May mga batas na nagbabawal sa pagtatayo ng mga shop na ito malapit sa mga paaralan, ngunit ano ang ginagawa ng mga lokal na opisyal? Wala! Hindi nga nila maipasara ang mga bilyaran at beerhouses na animo ay kapitbahay lang ng mga paaralan, computer shops pa kaya? Ano ang ginagawa ng Kagawaran ng Edukasyon tungkol dito? Wala rin, dahil para sa kanila trabaho ito ng mga alkalde. Ngunit kung tutuusin ang apektado ay mga estudyante na dapat hinuhubog ng Kagawaran sa pamamagitan ng mga paaralan.

Kung may mga estudyante mang nagsisikap matuto sa kabila ng mga problema sa sistema ng edukasyon at kahinaan sa pagtuturo sa kanilang paaralan, iilan lang sila na maituturing na pag-asa ng bayan. Sana bago maging huli ang lahat ay mabigyan ng kaayusan ang kasalukuyang sistema sa edukasyon at pagtuturo na siyang inaasahan huhubog sa kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan. Mga ilang taon pa mula ngayon, ang mga henerasyon na nakatamasa ng maayos na paghubog ng kanilang pagkatao ay mawawala na. Papalit ang kasalukuyang henerasyon, nguni’t may maaasahan ba sa kanila ang ating bansa? Nagtatanong lang.



0

Ngayon lang nalaman ng Gobyerno ang Kakulangan sa Kaalaman sa Philippine History ng mga Estudyante???!!!

Posted on Thursday, 1 October 2015

Ngayon lang Nalaman ng Gobyerno
Ang Kakulangan sa Kaalaman sa Philippine History
Ng mga Estudyante??!!
Ni Apolinario Villalobos


Kung hindi pa dahil sa tanong mula sa mga kabataan at kumalat sa social media kung bakit palaging nakaupo si Apolinario Mabini, hindi pa nalaman ng mga kinauukulan sa gobyerno ang kawalan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa mahahalagang bagay sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakakahiya!!!

Pinalitan ng Asian Studies ang Philippine History sa High School. Nakakaduda rin kung may itinuturong kasaysayan sa mga mababang baytang ng mga paaralan. Sa dami ng mga “workbooks” na nakasilid sa animo ay maleta na bag ng mga bata, sila ay nalilito na kaya walang pumapasok halos sa kanilang kamuwangan. Paanong hindi pagdudahan ito, ganoong ang pagturo nga lang ng tamang pagbigkas ng mga letrang Pilipino lalo na ang letrang “R” ay hindi nga nagagawa ng  ibang titser. Napansin kong maski ang ibang mga titser mismo ay guilty sa maling pagbigkas ng letrang “R”. Para kasi sa kanila, ang pa-English na pagbigkas ng letrang “R” ay sosyal ang dating. Mariin kong nililinaw na hindi lahat ng teacher ay guilty sa pagpapabaya.

Nakakahiyang malaman na ang alam ng karamihan sa mga estudyante tungkol sa “Tandang Sora” ay yong kalye sa Quezon City. Bago rin  sa pandinig nila ang pangalang “Dagohoy”. Lalo na siguro ang pangalang “Sikatuna” at “Lakandula”, “Marikudo”, “Sumuroy”, “Maniwangtiwang”, at iba pa. Pero tanungin sila tungkol sa mga games sa internet at cellphone…lahat alam nila!

Nakakahiya ring malaman na ang ibang estudyante ay may kayabangan pang umaamin na kaunti lang ang alam nila tungkol sa Philippine History. Para sa kanila, walang class ang Philippine History, hindi tulad ng Information Technology, kaya mula sa paaralang halos walang itinuro dahil sa nakakalitong mga “workbooks”, hanggang sa pag-uwi kung saan ang aatupagin naman ay computer games at pagpi-facebook, ano pa ang aasahan sa mga kabataang kinabibiliban ni Rizal kaya itinuring niyang mga “pag-asa ng bayan”?

Sino ngayon ang may kasalanan?...marami! Kasama diyan ang korap na gobyernong manhid at bulag sa tunay na kalagayan ng sistema ng edukasyon, ang mga teacher na nakakalimot sa pagturo ng tamang asal at pagbigkas ng mga titik ng wikang Pilipino, ang mga magulang na pabaya dahil mas gusto pang nasa internet café ang mga anak upang hindi sila naiistorbo sa pangangapitbahay at pagtotong-its, ang mga barkada ng mga kabataang humahatak sa kanila tungo sa mga bisyo, at ang makabagong pamumuhay at teknolohiya kung saan nakakapulot ang mga kabataan ng mga karahasan dahil sa mga games na kanilang nilalaro.


Huwag nang magmaang-maangan. Tanggapin ang masakit na katotohanan tungkol sa kapabayaan na nagresulta sa kabobohan ng ilang mga kabataan, dahil hangga’t walang tinatanggap o inaaming kasalanan o kamalian… walang maitutuwid o maitatama.

0

K-12: A Perspective for a Better Philippines

Posted on Wednesday, 14 January 2015



K-12: A perspective for a better Philippines
By: Louie John M. Salda

Education for life!

Juan dela Cruz pays so much attention to education. He believes that education is one of the most important keys that can open a door of opportunities, triumphs, excellence and success.
Education at its best would always be Filipinos’ battle cry- a philosophy and a belief that if people are educated they can serve as a paradigm for good and progress.

In the recent context of society, with the real scenario of educational system of the Philippines the challenge is. Is Juan dela Cruz ready to face the real world? Is he capable enough of unveiling the windows of the universe? This may sound over the top but the definitely he has the option for all of this.

The implementation of Republic Act 10533 also known as an act of enhancing the Philippine Basic Education System by strengthening its curriculum and increasing the number of years for education is the answer for the Filipinos who clamors for intellectual preparedness and longing for an educational system that will equip and engulf them with knowledge and skills that is tantamount in living and dealing life.

Certainly, the new trend in Philippines’ Educational System is indeed an accomplishment and a great initiative to conform to the standard call of international education, efficiently and effectively.

First, this complex educational system was designed to enhance and strengthen the cognitive development of each learner. With the addition of two more years in the basic curriculum this will surely insure every Filipino learner that they will be equipped with both basic and complex ideas.  The strategized and dynamic approach by the teachers will sure help the students to prosper in their academic endeavors. Thus, learners’ theoretical skills will be enhanced and better understanding on every topic will surely be met.

Second, what is more engaging about going to school, are the things that you will discover and learn to do with. K-12 entails not only to develop one’s mind but also help them realize that education should be an outcome base one. The additional two years in the basic curriculum will also focus on technical skills enhancement, particularly those in demand industries that calls for large number of skilled workers. Moreover, this educational development would not only benefit Filipino students but also the teachers who are teaching skilled subjects to be updated and informed with the world’s latest trend and standards.

Lastly, with this new advancement in education, learners’ personality will also develop. The curriculum provides activities that will enhance and boost one’s personality. Furthermore, with the series of group activities that will be given to the learners it will develop their confidence and trust not only for others abut more importantly for themselves. Thus, human relation skills, teamwork, collaboration and cooperation among learners will surely be developed.

Now, that the Philippines is confronted with serious problems. And technology grows at its awesome speed. Filipinos must learn and be ready to cope with these challenges. Learning is not only by mind, but also by heart. Education is indeed a right and a privilege of every Juan. Every change can send forth disadvantages, but looking at it positively and giving this program a benefit of a doubt will help every Juan realize that there is more about education. This initiative might be expensive but people should be mindful about its advantages-advancement to every Filipinos learning and realization of lifetime investment.



0

The Library, Books, and Museum in the Philippines

Posted on Tuesday, 30 December 2014



The Library, Books, and Museum
In the Philippines
By Apolinario Villalobos

The library and museum are the brain and heart of a community, be it a village, town, city, province or a nation. While the library is the repository of books for the acquisition of knowledge, the museum is for the culture and history of the people.

History can attest that even pre-Biblical peoples took pains in recording snatches of stories, songs, legal transactions, medical instructions, etc. on slabs of stones, papyrus, shards of potteries and animal skins to be “archived”.  Alexander the Great was known for his propensity of carting back home books and records as part of his war booties. That is how the famous library of Alexandria has amassed various collections that represented different cultures. Everything was saved and even copied for perpetuity by scribes.

On the other hand, other materials, aside from records and books were hoarded in repositories, the equivalent of which today are the cultural and arts galleries - the museums. One of the measures of the greatness of the early kingdoms was the quantity of hoarded war booties in these repositories.

Today in the Philippines, school libraries maintain only books that are not beyond five years from their date of publication according to the guidelines of the Commission on Higher Education (CHeD). The books beyond such prescribed period are thrown away as they have outlived their usefulness as references. On the other hand, the Department of Education, Culture and Sports (DECS) has condoned the conversion of textbooks into workbooks with the inclusion of test questions at the end of each chapter, practically making such references non-reusable at the end of each school year, so that tons of them find their way to junk shops. This practice is a glaring commercialization of the educational system in the Philippines – a shameless manifestation of greed.  And, schools have “museums” that contain nothing but native handcrafted products. Schools that maintain these “museums” are not aware that old books from their libraries can be archived in such facilities. Obviously, their knowledge of the museum is limited to antique vases, jars, bowls, etc. – any item, except books!

If only the role of school libraries is seriously observed, old books in their custody, can then be  properly catalogued for systematic archiving.  It should be noted that there are some books that contain perpetual information. Lack of space for this purpose is not an acceptable excuse, as archiving is part of the library’s function in tandem with the school’s gallery or museum. Also, having an electronic section for references is not another acceptable excuse for discarding old books. Computer units could easily break down due to poor maintenance and intermittent power outage, leaving researchers helpless, especially during blackouts. In a third- world country like the Philippines, where the power supply is very irregular, especially in provinces, e-libraries have been proved inutile! That is why, for most schools, e-libraries are just for status symbol!...just for show!

When I had an opportunity to visit Germany for a backpacking tour with some of my mountaineering buddies, we explored its villages which are miles from cities. We were delighted to find libraries and galleries that contain books printed during the 1500s, some in early European languages. We do not find such in the Philippines as even the National Library is wanting of Filipino- authored books, how much more for historical ones. It is for this reason that Filipino scholars who do extensive research for a cultural and historical dissertation, would go to libraries in Spain and the United States where libraries that archive books about the Philippines can be found. On the other hand, in the Philippines, books printed during the 1800s are discarded by school librarians to be carted to the junk shops by junk collectors!

So now, do we ever wonder why, the intellect of the young generation of Filipinos, are so IT-dependent to the point of deterioration culturally? They see photos of sparkling white beaches of Boracay in the internet but they do not know to which province it belongs. One student when asked such question over the radio during a phoned-in quiz, answered that Boracay is in the province of Caticlan! Students see the image of the Philippine Eagle in the internet, but they do not know that it is the national bird. Some of them do not know where Camiguin is, etc., etc., etc.

Such is the unfortunate general state of the country’s repositories of the cultural and intellectual resources, as well as, the demeaning of textbooks due to greed, resulting to the deterioration of the country’s culture and educational system. Some teachers affirm my insistence that something must be done to “remedy” the situation.

But how can it be done when the agencies that are charged with responsibilities for the literary uplift of the people, are themselves replete with corruption? How can it be done when even most schools do not know what to make of their libraries to function sanely? How can the schools be effective in their role when they do not even know what archiving means? How can the country be saved from intellectual devastation with the tons of un-reusable textbooks finding their way to the junk shops at the end of each school year, leaving parents in a quandary where to find money at the start of each school year for the purchase of new set of text books?...resulting to most of them, losing heart in sending their children back to school!

Yes…to where is the insanity of our grossly corrupt educational system leading the country?

0

Ang Educational Tour...May Kabuluhan Ba?

Posted on Thursday, 21 August 2014



Ang Educational Tour
…may kabuluhan ba?
Ni Apolinario Villalobos

Marami nang mga magulang ang nagreklamo noon pa man tungkol sa “educational” tour na inoorganisa ng mga eskwelahan para sa mga estudyante. Wala pa ring ginawa ang mga concerned na kagawaran tulad ng CHED at DECS. Puro hugas kamay sila dahil sa kawalan daw nila ng mga alituntunin upang mapatawan ng kaukulang parusa ang mga eskwelahan o mga titser napatunayang may pagkukulang o ginamit ang activity upang pagkitaan.

Talamak sa buong Pilipinas ang ganitong activity. Mas mahal at mas malayo ang mga pinupuntahan mas may “class” daw. Kaya yong ibang mga estudyante sa mga probinsiya ay nakakarating sa kung saan-saang siyudad. Yong pamangkin ko sa probinisya, napag-alaman ko na may sinamahang educational tour sa isang siyudad at kasama ang pagpunta sa isang shopping mall!...ganoong kauumpisa pa lang ng klase! Naisip ko tuloy na gusto lang magshopping ang adviser nila sa shopping mall at gustong makalibre sa pamasahe na ipinabalikat sa mga estudyante.

Sa isang banda, para na ring ipinamukha ng mga nag-organisang titser sa educational tour sa mall, na pag-graduate ng iba sa mga estudyante, sa mall ang bagsak nila bilang dispatsadora, merchandiser, stock clerk, etc. Hindi ko minamaliit ang trabaho sa mall, dahil marangal at malinis ito, bilib pa ako sa mga nagtatrabaho sa mall dahil sa kanilang tiyaga upang kumita kahi’t pansamantala man lang kaysa umistambay. Subali’t hindi ito ang pangarap nila. Ang gusto nila ay magtrabaho bilang tour guide, empleyado ng travel or tour agency, ticketing staff ng airline, steward o stewardess ng airline.

Ang nangyari sa mga estudyante ng Bulacan State University, kamakailan lang,  ay dapat nagbukas na ng isip ng mga ahensiya ng gobyerno na concerned, subali’t ang nainterbyu tungkol dito ay nagsabi lang na dapat ay imbestigahan ng eskwelahan ang nangyari…ganoon lang. Wala man lang sinabi tungkol sa kaparusahan na ipapataw sa guilty na eskwelahan o mga guro. Paghuhugas kamay ang umiiral, kaya paano uunlad ang educational system ng Pilipinas? Ang nakakabahala ay nang sabihin ng estudyanteng nakaligtas na kaya daw sila sumama ay upang ma-exempt sila sa final exams! Yan…malinaw pa sa sikat ng araw ang dahilan kung bakit walang natututuhan ang mga estudyante pag-graduate nila!  Ang justification naman ng eskwelahan at taga-CHED, ay may kaukulang pagsusulit ang hindi sasama sa tour….kung ganoon, bakit nagkaroon pa ng tour? Ano ba ang mahalaga?....ang pagsusulit o pasyal? Bakit kailangang isalang agad ang mga first year students pa lang sa ganitong activity…na hindi pa sinamahan ng mga titser? May kinita ba ang mga nagmamadaling titser kaya nag-organize ng ganitong activity sa halip na bigyan ang mga estudyante ng pagsusulit?

Kung tourism ang kurso, maraming matututuhan ang mga estudyante kung mag-imbita ng mga mananalitang otoridad sa ganitong linya ng trabaho, lalo na kung para sa mga first year pa lang dahil magsisilbi ang kaalaman bilang “orientation” o “introduction” sa kurso, at  upang lalo nilang maunawaan ang kursong pinili nila. Nandiyan ang mga gumagawa ng tour packages na taga-travel agencies o mga tour operators, mga taga- Department of Tourism, mga tour guides, etc. At kung bigyan man sila ng honorarium o kunswelong bayad sa pagbahagi nila ng kaalaman, hindi gaanong malaking halaga ang kailangan. Maraming dapat malaman ang mga estudyante na nasa first year pa lamang na kailangan nila upang tumatag ang basic knowledge nila sa geography at history na pinakamahalaga sa kursong tourism na may kinalaman sa biyahe at mga lugar na interesante, hindi lang ng Pilipinas, kundi pati ibang bansa. Bago sila maging epektibo sa pagpatupad ng ganitong kasanayan pagka-graduate nila, dapat kumpleto sila ng mga kaalaman. Marami nga sa kanila ang hindi alam kung ano ang capital o kabisera ng mga bagong probinsiya ng Pilipinas, at ni hindi nila kabisado ang pangalan ng mga bayani na kailangan para sa isang historical tour.

Ang mga eskwelahan ay nagdadaos ng “orientation” para sa mga graduating high school students tungkol sa mga kursong maaari nilang kunin pagtuntong ng kolehiyo, subali’t “bitin” ang mga binabahagi ng mga speakers. Naging speaker din ako sa ganitong pagpupulong at inamin ko sa mga nag-imbita sa akin na kulang ang pinamahagi ko bilang taga-airline, kahi’t pa hinaluan ko ng tourism geography at history, dahil limitado ang oras ko sa pagsalita. Kaya bilang pakunswelo ay ibinigay ko ang contact number ko sa kanila upang makatawag sa akin kung kailangan, o di kaya ay pasyalan sa opisina.

Ginagawa din ito ng mga eskwelahan para sa mga estudyante nilang magtatapos na sa ganitong kurso upang makapamili ng trabaho sa iba’t ibang kumpanya pero sa parehong industriya pa rin ng turismo. Nagawa ko ring magsalita sa ganitong grupo at ang umamin naman na marami pa pala silang dapat malaman, ay ang mga estudyante naman, kahit pa raw mayroon na silang actual office training ng kung ilang oras bilang requirement. Sa isang okasyon, nagtanong ako sa grupo kung ano ang epekto sa kanila ng educationa tour?...iisa ang sagot – “gastos lang” at “wala”!  May isang nagsabi na ang perang ginastos niya sa tour ay inutang ng nanay niya sa Bombay at binayaran ng pautay-utay! Sinundan siya ng iba na ang nanay naman nila ay nagsanla ng alahas! Ang nakaka-antig ng damdamin at nag-shock sa akin ay ang sinabi ng isa na nag-nighttime tour guide siya ng ilang gabi upang makaipon ng pambayad para sa tour, kaysa kumuha ng final exam! Pero sinabi niya ito sa akin ng palihim, pagkatapos ng seminar.

Ilang buhay pa ng mga estudyante ang dapat ibuwis upang dumilat sa katotothanan ang CHED, DECS at mga eskwelahan tungkol sa kabuluhan ng educational tour, at kung mayroon man ay kung paano itong mabigyan ng kaayusan? Kung ang mga ahensiya na mismo ang umaamin na may kakulangan sila pagdating sa mga patakaran na magamit nila sa pagpataw ng kaukulang parusa, bakit hindi nila ito ayusin? Hanggang kaylan magdudusa ang mga kabataan dahil sa pagkahaman ng mga nakakatanda?