Showing posts with label ignorance. Show all posts

0

Ayaw Tumigil ng mga Ma-Dramang Outdated na Obispong Katoliko

Posted on Tuesday, 17 January 2017

AYAW TUMIGIL NG MGA MA-DRAMANG
OUTDATED NA OBISPONG KATOLIKO
Ni Apolinario Villalobos

Sa halip na ang nakasulat sa mga tarpaulin ng mga maiingay at ma-dramang obispong katoliko ay, “HUWAG KANG PUMATAY” na ang tinutukoy ay si Duterte, dapat ang nakasulat ay, “TIGILAN NA ANG PAGGAMIT AT PAGBENTA NG DROGA” na ang tinutukoy ay ang mga drug addict, drug pusher, at drug lord. Ikalat nila ito sa lahat ng sulok ng bansa. I-require ang mga simbahan nila sa bawat bayan at lunsod na gumawa. Dapat ay naghahatak sila ng mga tao patungo sa simbahan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga ugaling dapat tularan, sa halip na tingnan lang ang paghihirap ng mga nagugutom!

Dapat ay utusan din ng mga maiingay na Obispo ang mga pari nila na pumunta sa mga depressed areas at gumawa ng sarili nilang “plead campaign”. Kasama ang mga Barangay officials, ipinun nila ang mga suspected at drug addicts na ayaw magbago sa basketball court. Para marami ang pumunta, mamigay sila ng bigas at sardinas…. at condom. Lumuhod ang mga pari sa harap ng mga inipong addict at drug pushers, pwede rin silang humagulhol. Yan ang dapat nilang gawin kung gusto nilang mag-drama upang ipakita sa mga tao na silang mga naka-sotana ay si Hesus dito sa mundo. Sa totoo lang, para sa akin, ang similarity nila kay Hesus ay ang damit na mahaba na kung tawagin nila ay sotana. Pero ang mga Muslim ay nagsusuot din nito, at hindi sila nagkukunwaring si Hesus!

Dapat ay tumigil na sila sa kaiingay dahil putok naman sa mga balita ang tungkol sa ginagawang rehabilitation centers at tumulong pa nga ang China. Sa kabila ng problema sa budget, pinipilit ng gobyerno na ikalat ang mga rehab centers sa buong bansa. Bakit hindi tumulong ang simbahang katoliko sa proyektong ito dahil malaki naman ang kinikita nila? Kung ayaw ng mga obispong punahin sila kaya nadadamay ang BUONG SIMBAHANG KATOLIKO, tumigil na sila dahil napapahiya lang ang ibang Obispong matatalino at may malawak na pang-unawa!

Bulag sa katotohanan ang mga maiingay na Obispo sa katotohanang may mga pasaway talagang mga drug addict at drug pusher na ayaw magbago na nagbebenta pa rin ng recycled drugs. Maraming kuwento ang lumutang tungkol sa mga sumuko at nagpalista bilang pagsunod sa panawagan ng gobyerno pero ang ginawa nila ay bilang pakisama sa mga kaibigang taga-Barangay, pakitang-tao lang ang nangyari. Ibig sabihin, hindi sila seryoso. Sa isang operation ay may nakumpiska pa ngang droga na milyones ang halaga. Lahat ng iyan ay laman ng mga diyaryo at nababalita sa radyo. Ang gusto yata ng mga obispong ito ay pumikit at magsawalang-bahala na lamang ang mga pulis kung tawagan ng mga kapitbahay mismo ng mga drug addict at drug pusher na nirereklamo.

Bukod tanging si Bishop Tagle ang tahimik. Kung magbitaw man siya ng salita ay may kabuluhan at angkop ang mensahe. Hindi siya tulad ng ibang tumanda na sa pagsuot ng sotana ay animo wala pa ring alam sa mga tunay na nangyayari sa kapaligiran. Kung sa bagay ay hindi yan nakapagtataka, dahil sino bang pari ang pumupunta sa mga depressed areas upang magpakalat ng mga salita ng Diyos? Ang ibig kong sabihin ay ang mga “tunay” na squatters’ area na ang mga dinadaanan ay maputik at ang mga bahay ay yari sa mga karton, lumang yero, tarpaulin, walang kubeta, walang kuryente at ang mga batang naglalaro sa kalye ay nanlilimahid sa uhog na tumutulo mula sa ilong, walang damit, at bundat ang tiyan dahil sa malnutrition. MAGSALITA TUNGKOL DIYAN ANG MGA YUDI…..NG mga obispong maiingay! Kung may konsisyensiya sila, kalampagin nila ang gobyerno tungkol diyan, lalo na ang DSW, at makipagtulungan!

Bilib pa nga ako sa mga babaeng misyonarya ng ilang simbahang protestante na sumusuyod sa mga sidestreets ng mga depressed areas upang mamigay ng mga babasahin. Ang ibang mga pari naman ng Kristiyanong Orthodox ay nakatira pa mismo sa gitna ng mga lugar na ito, kung saan ay nandoon din ang kanilang maliit na kapilya. Ang mga ministro naman ng mga Christian Churches ay umuupa ng kahit maliit na puwesto upang magamit na sambahan sa mga lugar na malapit sa mga taong mahihirap. Lahat silang nabanggit ko ay hindi nagpapanggap na ang tinatanggap nilang donation na pera ay love offering para sa Diyos kundi tulong sa mga taong ministro na nagsasakripisyo, dahil kailangan din nilang kumain upang mapanaitili ang kalusugan at maipagpatuloy ang kanilang ginagawa…..ganyan lang ka-simple ang paliwanang…walang drama!

ANG MGA MAIINGAY NA OBISPONG KATOLIKO ITO ANG DAPAT ISAMA NG MGA PULIS TUWING MAY RAID SILA. TINGNAN KO LANG KUNG HINDI SILA MAGKANDA-IHI O BAKA MAGKANDA-TAE PA SA KANILANG SOTANA KAPAG NAKIPAGBARILAN NA ANG MGA PULIS SA MGA BANGAG SA DROGA!


(DISCLAIMER: HINDI LAHAT NG OBISPONG KATOLIKO AY MAINGAY, PARANG BULAG KAYA MISTULANG TANGA, HIGIT SA LAHAT AY MA-DRAMA. MAY ILAN, LALO NA SI BISHOP TAGLE NA KAPANI-PANIWALANG TUNAY NA KATOLIKO. ANG MGA NILAHAD KO AY PANSARILING PANANAW AT OPINYON... WALANG SINO MANG DAPAT MAGKWESTIYON. KUNG MAY GUSTONG MAGREKLAMO, MAGKITA NA LANG KAMI SA IMPIYERNO! ANG GUSTONG BUMATIKOS DIN SA MGA MAIINGAY NA YUDI…..NG MGA OUTDATED NA OBISPO GUMAMIT NA LANG NG MAS MAKULAY NA MGA SALITA.)

0

Hind Garantiya ang Pinag-aralan upang Makapagpakita ng Katapatan sa Sinasabi

Posted on Sunday, 25 September 2016

HINDI GARANTIYA ANG PINAG-ARALAN
UPANG MAKAPAGPAKITA NG KATAPATAN SA SINASABI
Ni Apolinario Villalobos

Sa pag-imbestiga kay Matobato sa senado, palaging sinasabi ni de Lima at Trillanes na Grade One lang daw ang inabot nito kaya dapat asahan ang mga inconsistencies sa mga sasabihin niya. Subalit nabisto ang maling impormasyon tungkol dito nang sabihin ng NBI na hanggang Grade Three ang inabot niya batay sa unang salaysay na hawak nila. Halatang kasama sa pagsisinungaling sa inabot na edukasyon ang inaasam na impresyon ng makakarinig sa sasabihin niya na gustong palabasing totoo dahil sa kanyang “pagka-ignorante” o dahil Grade One lang ang inabot.

Binoldyak ni Pacquiao ang balak ni Matobato at ng mga kung sino mang nagba-back up sa kanya. Tahasang sinabi ni Pacquiao na kung tapat siya sa kanyang sinasabi, dapat ay hindi pabago-bago ang mga ito dahil nanggagaling sa isip at puso, kahit Grade One lang ang inabot niya. Pero kung may nagdidikta pang iba, talagang malilito siya kaya ang resulta ay ang pabago-bago niyang mga sinasabi. Dahil sa animo ay pinraktis na mga salaysay mula pa noong unang pagpunta niya sa NBI dahil gusto siyang gamitin ng DOJ sa ilalim ni de Lima sa pagdiin kay Duterte sa mga kaso ng extra –judicial killing sa Davao, hindi tuloy tumugma ang mga salaysay niya.

Sa sinabi ni Matobato na nagpapabili daw si Makdum na “terorista” daw pala, ng malawak na lupain sa Samal upang gawing parang “training center”, imposible ang sinabi niya dahil ang isla ay halos kalbo na at ang mga tanim ay mga niyog lamang.  Paanong magagamit ng mga terorista na “training center” nila ang Samal na sa himpapawid pa lang ay animo hubad na sa paningin ng mga dudungaw sa eroplano ng commercial flights? Ang Garden City of Samal ay dinadaanan ng mga eroplano bago lumapag sa paliparan ng Davao kung ang direksyon ay pakanluran.

Sa sinabi niyang noong-noon daw ay kumita siya ng 300 thousand pesos o mahigit pa sa pag-aahente ng lupa, mukhang imposible din dahil noong wala pa ang mga resorts ay kamurahan pa ng mga lupain sa Samal, lalo at hindi rin productive dahil mahina lang din ang kita sa mga niyog. Kaya paano siyang kikita ng ganoon kalaki kung sa panahong ito nga, kahit house and lot ang ibenta sa paligid ng Maynila, ang kikitain ng ahente ay halos 200k pesos lang? Gusto niyang palabasing siya ay isang lehitimong “real estate agent” upang masabing ang ginamit niya sa pagbili ng mga baril niya ay galing sa trabahong ito….at hindi sa pagpatay ng tao.

Sa mga sinasabi niyang pinapapatay sa grupo nilang DDS kuno, hindi rin kapani-paniwala ang pinagpipilitan niyang wala siyang tinatanggap…kung totoo ngang “mamamatay tao” siya.  Hindi tanga ang isang hired killer na basta na lang papatay kung walang perang kapalit!  Noon pa mang hindi pa mayor si Duterte ng Davao, may mga naglilipana nang mga “hired killers” at vigilante groups dahil sa sobrang kaguluhan na ang tinuturong sentro ay Agdao kaya tinawag ito noong “Nicaragdao”. Naglipana ang droga at mga NPA. Masasabi ko yan dahil nag-second year high school ako sa Holy Cross of Agdao at tumira sa Ipil, isang “squatter’s area” na malapit sa Lanang Bay kung tawagin. Mula sa eskwelahan ay nagso-short cut kami sa slum area ng Agdao na nasa tabi ng dagat upang marating ang tabing dagat na binabaybay namin hanggang Ipil.

Sa mga testimonya niya sa senado ay nagbabanggit na rin siya ng uri ng baril na malamang ay dinikta din sa kanya dahil ito ang pinamimigay ni Duterte sa iilang mga sundalo bilang pabuya ngayon, upang palabasing ito (Duterte) nga ang may pakana ng mga pinpapatay nga mga kriminal sa Davao. Subalit napapagpalit-palit niya ang impormasyon tungkol sa mga baril kung uulitin ang mga tanong. Sa kagagamit niya ng salitang “parang”, lalo lang lumutang ang pagkasinungaling niya dahil lumalabas na wala naman pala siyang direktang nalalaman tungkol sa mga pakikipag-usap ni Duterte sa mga binanggit niyang mga pulis na palagi niyang sinasamahan kung may papatayin kuno. Pumalpak din siya sa pagsabi na inihahatid niya sa Ateneo de Davao si Paolo ang anak ni Duterte, pero ang katotohanan ay sa Philippine Women’s University pumapasok ito. Ang Ateneo ay sa sentro ng lunsod at ang PWU ay sa Matina area kung saan nakatira ang mga Duterte.


Kung sa puso at isip mismo ng taong nagsasalita ang mga sasabihin niya, ibitin man siya ang patiwarik, walang mababago sa sinasabi niya kung talagang matapang siya tulad ng pinapakita ni Matobato. Subalit kung may naisamang mga galing sa ibang tao, magkakaroon siya ng pagkalito dahil  dalawa na ang panggalingan ng mga lumalabas sa kanyang mga bibig, ang pansariling kaalaman at ang “itinanim” sa kanyang kaisipan. 

0

Dapat ang Tawag sa mga Baril at Droga na Nakukuha sa Crime Scenes ay "Nakumpiska" at hindi "Na-recover"

Posted on Friday, 8 July 2016

DAPAT ANG TAWAG SA MGA BARIL AT DROGA NA NAKUKUHA
SA CRIME SCENES AY “NAKUMPISKA” AT HINDI “NA-RECOVER”
Ni Apolinario Villalobos

Napansin ko lang naman na ang tawag ng otoridad o kapulisan sa droga at baril sa crime scenes ay mga “na-recover”. Kung na-recover, ibig sabihin ay “nabawi”…kaya kung “na-recover” o “nabawi” ang mga mga bagay na tinukoy ko, ibig bang sabihin ay galing sa kanila (otoridad o kapulisan) ang mga iyon at ginamit ng mga kriminal, at nang nagpang-abot sila na umabot sa pagkamatay ng kriminal ay “nabawi” nila? Kasama sa tinutukoy ko ang mga kilo-kilong shabung “nare-recover” daw nila tuwing raid na ngayon ay hinahanap ng mga Pilipino kung nasaan dahil sumulpot ang isyu tungkol sa pag-recycle ng mga ito….isyu na siyang dahilan daw kung bakit napakaraming ordinaryong pulis at mga opisyal nila ang biglang yumaman.

Sa isang banda, dapat ang  mga ganoong bagay  kung tawagin ay mga “nasamsam” o “nakumpeska” dahil ang mga iyan ay  pag-aarin ng mga kriminal. Maliban pa rin kung “itinanim nila” (otoridad o kapulisan), upang magamit na mga ebidensiya kuno sa paglaban ng mga kriminal lalo na ng mga dumadaming pinapatay na mga sinasabing “drug runners”….na ayon sa marami ay tinutumba upang hindi na makapag-piyaet kung saan galing ang drogang binebenta nila.

Ang hindi ko maintindihan ay kung paano nagsimula ang paggamit ng salitang “recover”. Hindi naman basta gagamitin ng mga taga-media ang salitang yan kung hindi nila na-pick up sa mga ini-interview nila. At, ang mga taga-media namang nakakaunawa, lalo pa at malakas ang impluwensiya nila sa kanilang mga taga-sunod, sana ay matutong magtama ng mali. Ang hirap pa rin, karamihan sa kanila ay hindi rin alam ang tamang paggamit ng “kung saan”.



0

Hindi Dapat Isipin ng Ibang Mga Pari na Tanga ang Lahat ng Mga Katoliko

Posted on Sunday, 10 January 2016

Hindi Dapat Isipin ng ibang mga Pari na Tanga
Ang Lahat ng Mga Katoliko
Ni Apolinario Villalobos

Akala ng ibang pari, dahil nakapag-aral sila ng mga salita ng Diyos at ng kasaysayan ng simbahang Katoliko sa loob ng kung ilang taon habang nakakulong sa seminaryo, ay sila lang ang may kaalaman sa mga ganitong bagay kaya  kung umasta sila ay aakalain mong sila lang talaga ang mga pinagpala ng Diyos dahil sa kanilang kaalaman.

Ang katotohanan ay marami ang tumitiwalag sa simbahang Romano Katoliko dahil naliwanagan sila pagkatapos malaman ang mga kahihiyang pilit itinatago ng Vatican, lalo na ang mga makabagong nakakadiring kasalanan ng ibang pari. Tanga ang mga paring ito kung hindi nila mauunawaan ang tulong na naibibigay ng makabagong teknolohiya sa mga Katolikong nakakakuha ng impormasyon sa internet.

Baka mas marami pang alam ang ibang ordinaryong Katoliko tungkol sa kasaysayan ng simbahang Romano Katoliko na hindi pa alam ng karamihan sa mga pari, kaya hindi sila dapat magyabang. Ang dapat gawin sana ng mga kaparian sa panahong ito ay magpakatotoo, magpakabait, magpakumbaba, maging tulad ni Hesus sa ugali, upang kahit papaano ay maipakita nila na ang pagkakamaling nangyari sa nakaraang panahon ay hindi na mauulit pa sa kasalukuyan. Pero ano ang kanilang ginagawa? Mas higit pang kahihiyan ang ibinibigay sa simbahang Romano Katoliko kaya ang bagong santo papa ay parang sirang plaka sa paulit-ulit nitong pagpapaalala sa kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Kulang na lang ay murahin sila!

Kung may “pinapatakbo” o mina-manage na parukya ang isang pari, dapat ay magpakita ito ng propesyonalismo dahil ang isang parukya ay isang komunidad na nangangailangan din ng “proper and intelligent management”. Hindi dapat gamiting dahilan ang pagka-ispiritwal ng simbahan upang siya ay makapagdikta o magpasunod ng kanyang kagustuhan dahil gusto lang niyang maipakita na siya ang “lider”. Kung ganyan ang ugali niya, aba eh, bumabalik siya sa panahon ni Padre Damaso noong panahon ng Kastila! Wala siyang karapatang mamuno ng isang lokal na simbahang Katoliko ngayon na sirang-sira na ang reputasyon, dahil sa halip na nakakatulong siya upang makapagbago man lang kahit kapiranggot, lalo pa niyang binabahiran ng putik ang imahe nito.

Dapat pasalamatan ng santo papa ang mga maliliit na religious organizations sa lahat ng komunidad na siyang sumasalo at nagtatakip sa pagkakamali ng kanilang parish priest. Dahil maganda ang ipinapakita ng mga religious organizations hindi masyadong nahahalata ang mga kamalasaduhang ginagawa ng ibang parish priest. Ang mga parish priests ay napapalitan pagkalipas ng kung ilang taon, subalit ang mga religious organizations ay hindi dahil taal silang taga-komunidad kaya kung tutuusin sila ang nagbibigay ng agapay sa mga bagong naitatalagang parish priest, subali’t dahil sa kayabangan ng iba sa mga ito, kalimitan, ilang buwan pa lang pagkatapos silang maitalaga ay umaalingasaw na agad ang mabantot nilang ugali!....sila ang mga makabagong Padre Damaso!


0

Ngayon lang nalaman ng Gobyerno ang Kakulangan sa Kaalaman sa Philippine History ng mga Estudyante???!!!

Posted on Thursday, 1 October 2015

Ngayon lang Nalaman ng Gobyerno
Ang Kakulangan sa Kaalaman sa Philippine History
Ng mga Estudyante??!!
Ni Apolinario Villalobos


Kung hindi pa dahil sa tanong mula sa mga kabataan at kumalat sa social media kung bakit palaging nakaupo si Apolinario Mabini, hindi pa nalaman ng mga kinauukulan sa gobyerno ang kawalan ng kaalaman ng mga kabataan tungkol sa mahahalagang bagay sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakakahiya!!!

Pinalitan ng Asian Studies ang Philippine History sa High School. Nakakaduda rin kung may itinuturong kasaysayan sa mga mababang baytang ng mga paaralan. Sa dami ng mga “workbooks” na nakasilid sa animo ay maleta na bag ng mga bata, sila ay nalilito na kaya walang pumapasok halos sa kanilang kamuwangan. Paanong hindi pagdudahan ito, ganoong ang pagturo nga lang ng tamang pagbigkas ng mga letrang Pilipino lalo na ang letrang “R” ay hindi nga nagagawa ng  ibang titser. Napansin kong maski ang ibang mga titser mismo ay guilty sa maling pagbigkas ng letrang “R”. Para kasi sa kanila, ang pa-English na pagbigkas ng letrang “R” ay sosyal ang dating. Mariin kong nililinaw na hindi lahat ng teacher ay guilty sa pagpapabaya.

Nakakahiyang malaman na ang alam ng karamihan sa mga estudyante tungkol sa “Tandang Sora” ay yong kalye sa Quezon City. Bago rin  sa pandinig nila ang pangalang “Dagohoy”. Lalo na siguro ang pangalang “Sikatuna” at “Lakandula”, “Marikudo”, “Sumuroy”, “Maniwangtiwang”, at iba pa. Pero tanungin sila tungkol sa mga games sa internet at cellphone…lahat alam nila!

Nakakahiya ring malaman na ang ibang estudyante ay may kayabangan pang umaamin na kaunti lang ang alam nila tungkol sa Philippine History. Para sa kanila, walang class ang Philippine History, hindi tulad ng Information Technology, kaya mula sa paaralang halos walang itinuro dahil sa nakakalitong mga “workbooks”, hanggang sa pag-uwi kung saan ang aatupagin naman ay computer games at pagpi-facebook, ano pa ang aasahan sa mga kabataang kinabibiliban ni Rizal kaya itinuring niyang mga “pag-asa ng bayan”?

Sino ngayon ang may kasalanan?...marami! Kasama diyan ang korap na gobyernong manhid at bulag sa tunay na kalagayan ng sistema ng edukasyon, ang mga teacher na nakakalimot sa pagturo ng tamang asal at pagbigkas ng mga titik ng wikang Pilipino, ang mga magulang na pabaya dahil mas gusto pang nasa internet café ang mga anak upang hindi sila naiistorbo sa pangangapitbahay at pagtotong-its, ang mga barkada ng mga kabataang humahatak sa kanila tungo sa mga bisyo, at ang makabagong pamumuhay at teknolohiya kung saan nakakapulot ang mga kabataan ng mga karahasan dahil sa mga games na kanilang nilalaro.


Huwag nang magmaang-maangan. Tanggapin ang masakit na katotohanan tungkol sa kapabayaan na nagresulta sa kabobohan ng ilang mga kabataan, dahil hangga’t walang tinatanggap o inaaming kasalanan o kamalian… walang maitutuwid o maitatama.

0

Dapat May Seminar ag Baguhang Presidente

Posted on Friday, 24 April 2015



Dapat May Seminar ang Baguhang Presidente
ni Apolinario Villalobos

Dahil sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas na tila ba ay hindi nagpapagabag sa pangulo, sa personal kong pananaw, dapat lang na sa susunod, ang bagong halal na presidente ay isailalim sa seminar tungkol sa epektibong pamamahala ng gobyerno.

Ang seminar para sa presidente ay dapat malawak na kapapalooban ng values and attitude, development of courage, word of honor, clean and healthy habits, honesty in words and deeds, better understanding of friendship, at ang sense of urgency.

Kailangang maituro ang katapangan upang maka-relate siya sa mga ginawa ng mga ninuno ng Pilipino na nagbuwis ng buhay upang matamo ang respeto ng ibang lahi at mapanatili ang kabuuhan ng bansa na kinapapalooban ng mga isla at bahura. Kaya dapat maisalaksak sa isip niya na kung may dayuhang sumisira ng likas na yaman tulad ng bahura, ito ay isang pagyurak sa dangal ng bansa, na hindi dapat ipagsawalang-kibo ng matagal at magkukumahog lamang sa panahong wala na siyang magagawa pa sa nangyayaring paglalapastangan.

Kailangang maituro ang tungkol sa word of honor upang maunawaan niya na itong prinsipyo ay hindi laruan o ginagamit sa mga tsismisan. Dapat isipin niya na kung magsalita siya sa harap ng mga Pilipino, siya ay hindi nakikipagtsismisan. Kailangang malaman niya na kung may ipinangako siya habang nangangampanya, dapat ay tuparin niya, upang hindi lumabas na kaya niyang paglaruan ang kabaitan at tiwala ng mga Pilipino.

Ang tungkol sa clean and healthy habits, kailangang maipamukha sa kanya, at kung puwede lang iduldol sa mga mata niya kung lumalabo na ang mga ito, ang mga epekto ng bisyo tulad ng sigarilyo, alak, at pagpupuyat dahil sa walang humpay na paglaro ng video games. Makakatulong din ito upang maunawaan niya na mali ang pagpatay ng cellphone upang makapag-concentrate sa paglaro, at upang hindi siya maistorbo sa pagtulog, kaya bubuksan lang niya ito kung ala- siyete na paggising niya. Dapat isampal sa kanya ang katotohanan na kung ang bisyo niya halimbawa ay paninigarilyo at hindi niya maiwaksi, siya mismong presidente ang sisira sa kampanya laban sa bisyong ito. Ganoon lang kasimple at maski batang sa kinder pa lang ay alam ito. Puwera lang kung hindi alam ng taong bayan na abnormal pala ang ibinoto nila!

Ang honesty in words and deeds ay napakaimportante upang hindi magmukhang tanga ang presidente sa pagreport sa bayan ng mga proyektong minana lang niya kung meron man, mula sa nakalipas na administrasyon. Kailangan din ito upang hindi siya mapahiya sa pag-ako ng mga proyektong ginawa ng mga NGOs halimbawa, para sa mga sinalanta ng bagyo. Ang isa pang sitwasyon ay sa pag-modernisa halimbawa ng hukbong sandatahan ng bansa, na hindi naman totoo, kaya dapat siyang matuto,  upang hindi siya magmukhang sirang plaka o taong wala sa katinuan tuwing magbabanggit nito sa mga party na kanyang dadaluhan, at lalong upang hindi niya isipin na siya lang ang bright at ang iba ay tanga na kaya niyang lokohin.

Ang tungkol sa better understanding of friendship, ay module tungkol sa pag-unawa na ang presidente ay dapat kumalas na muna sa mga dating kasama niya sa mga hobbies tulad ng shooting at iba pa, di kaya ay mga dating barkada at kaklase. Ito ang magpapaunawa sa kanya na dapat niyang ibaling muna ang kanyang friendship sa kabuuhan ng populasyon ng bansa, sino man sila – pulubi, SAF commandos, transgender, driver, tindera, pari, madre, o kung sino pa, upang may mamatay man o ma-ospital at kaya rin lang niyang bumisita ay magawa niya kahit hindi niya kilala….dapat i-presume niya na ibinoto siya ng mga ito.  Ito rin ang magtuturo na ang mga dating kaklase, kabarkada, katagayan, kabarilan at ano pang kaek-ekang friends ay hindi dapat nilalagay basta na lang sa mga puwesto sa ilalim ng kanyang administrasyon. Kung may hindi matanggihan, dapat tanggalin agad kung nakitaan ng ugaling corrupt o katangahan sa pagpatupad ng responsibilidad, huwag silang magdikitan upang hindi siya pagdudahang may “kakaibang” personalidad.

At ang pinakamahalaga, ay ang pag-develop ng sense of urgency. Bilang presidente, dapat isalaksak sa kanyang diwa na iba ang buhay bilang lider ng isang bansa, sa buhay binata, kung binata man siya o de-pamilya. Dapat isiksik sa utak niya na buong bansa ang pinangangasiwaan niya, hindi isang bahay o isang pamilya o isang opisina. Kung may problemang kinakaharap ang bansa halimbawa tungkol sa teritoryo, dapat matuto siyang magkonsulta agad sa mga may karanasan nang naging presidente ng bansa na mga kasapi sa National Security Council, hindi yong siya ay kokonsulta sa animo ay Student Council na ang mga miyembro ay  kakapa-kapa sa dilim at nabubulol maski sa pagsasalita at kahit hindi nila sure kung tama ang sinasabi nila ay taas noo pa rin.  Itong module ang magtuturo sa kanya na dapat ay anticipatory ang kanyang mga aksiyon, hindi reactionary, upang hindi siya ituring na lampa o malamya o malambot o walang buto o utak ipis o maikli ang pananaw dahil malabo ang mata.

Para sa 2016 eleksiyon, tingnan ang kulay ng pagkatao ng tatakbo kung ito ay busilak o may mantsa ng hindi kaaya-ayang mga kasong hindi tugma sa good manners and right conduct. Huwag piliin ang mahilig maghugas ng kamay na turo ng turo sa iba na masama kuno, upang lumabas na siya lang ang malinis, ganoong sa pagtuturo niya ng isang daliri sa iba, ang tatlo pa niyang daliri ay nagtuturo naman sa kanya!

0

Wrong Judgment Call, pero wala kasalanan daw si Pnoy...sabi ni de Lima ng DOJ

Posted on Sunday, 22 March 2015



Wrong Judgment Call, pero walang kasalanan daw si Pnoy
….sabi ni de Lima ng DOJ
Ni Apolinario Villalobos

Ano ba, ate Leila?...wrong ang judgment call ni Pnoy pero sasabihin mong walang kasalanan? Wrong na nga, pero walang kasalanan? Ano yon?....nahihilo na rin yata ang magaling na kalihim ng “Hustisya”.  Hindi ba dahil mali ang desisyon ni Pnoy, kaya nagkaroon ng masaker….kaya dapat lang sabihing siya ay may kasalanan? Magtiwala ba naman siya sa isang suspendidong tao na malabo pa sa tubig-pusali ang kredibilidad! ANG KASALANAN NI PNOY AY RESULTA NG KANYANG PAGKAKAMALI SA PAGGAWA NG DESISYON!.....ganoon lang kasimple ang analysis – dahil mali, may kasalanan. Hindi na kailangang maging abogado, mag-Masters, mag-Doctorate o magtapos sa kung anong mga unibersidad pa upang maisip ito. Ang desisyon ni Pnoy ay galing sa sarili niyang utak, hindi sa ibang tao, kaya hindi sana siya nagtuturo pa ng iisang tao, habang nag-aabsuwelto naman ng kanyang best friend.

Wala daw “chain of command” ang PNP sabi pa ni de Lima, dahil pang-military lang ito at ang PNP ay ahensiyang sibilyan. Ilang mga respetadong tao na ang nagsabi na ang chain of command ay kapareho lang ng “flow of responsibility” na malinaw na pinapakita ng isang organizational flow chart ng lahat ng mga ahensiya o kumpanya. Malinaw na kinausap ni Pnoy si Purisima at Napeas, prerogative man niya man ito na sinasabi ng iba, dapat ay panagutan niya (Pnoy) kung ano ang resulta. Bakit pinipilit ni de Lima na maging “literal”, makadulot lang siya ng kalituhan? Dapat tumigil na siya sa kanyang trying hard na approach upang magpakita ng “galing” kuno.

Ang dapat gawin ni de Lima ay payuhan si Pnoy na bigkasin naman nito nang malinaw ang pangalan ni Purisima na isa sa mga may kasalanan din, tuwing magbukas siya ng mga bibig upang magsalita tungkol sa Mamasapano masaker, hindi yong si Napeas na lang palagi. Hindi naman tanga ang mga Pilipino upang hindi maunawaan ang mga nangyari dahil sa dami ng mga katotohanang lumulutang, salamat sa media.

Ang mali ni de Lima ay ang panggatong niya sa isyu. Tumahimik na lang sana siya, pero atat yata sa media mileage, kaya halos hindi ina-analyze ang mga sinasabi. Pinipilit na nga ng mga Pilipinong kahit papaano ay unawain si Pnoy sa ugali nito na hindi marunong mag-sorry, nanggatong na naman siya kaya lumaki na naman ang naglalagablab na galit ng mga pilit nilang lokohing mga tao. Nagdrama pa ang Malakanyang upang maawa ang mga Pilipino kay Pnoy – may sakit daw ito….wow namang strategy yan – hindi nakuha sa panloloko ang mga Pilipino, kaya dinaan nila sa kurot sa puso!!!