Dapat ang Tawag sa mga Baril at Droga na Nakukuha sa Crime Scenes ay "Nakumpiska" at hindi "Na-recover"
Posted on Friday, 8 July 2016
DAPAT ANG TAWAG SA MGA BARIL AT DROGA NA
NAKUKUHA
SA CRIME SCENES AY “NAKUMPISKA” AT HINDI “NA-RECOVER”
Ni Apolinario Villalobos
Napansin ko lang naman na ang tawag ng
otoridad o kapulisan sa droga at baril sa crime scenes ay mga “na-recover”.
Kung na-recover, ibig sabihin ay “nabawi”…kaya kung “na-recover” o “nabawi” ang
mga mga bagay na tinukoy ko, ibig bang sabihin ay galing sa kanila (otoridad o
kapulisan) ang mga iyon at ginamit ng mga kriminal, at nang nagpang-abot sila
na umabot sa pagkamatay ng kriminal ay “nabawi” nila? Kasama sa tinutukoy ko
ang mga kilo-kilong shabung “nare-recover” daw nila tuwing raid na ngayon ay
hinahanap ng mga Pilipino kung nasaan dahil sumulpot ang isyu tungkol sa
pag-recycle ng mga ito….isyu na siyang dahilan daw kung bakit napakaraming
ordinaryong pulis at mga opisyal nila ang biglang yumaman.
Sa isang banda, dapat ang mga ganoong bagay kung tawagin ay mga “nasamsam” o “nakumpeska”
dahil ang mga iyan ay pag-aarin ng mga
kriminal. Maliban pa rin kung “itinanim nila” (otoridad o kapulisan), upang
magamit na mga ebidensiya kuno sa paglaban ng mga kriminal lalo na ng mga
dumadaming pinapatay na mga sinasabing “drug runners”….na ayon sa marami ay
tinutumba upang hindi na makapag-piyaet kung saan galing ang drogang binebenta
nila.
Ang hindi ko maintindihan ay kung paano
nagsimula ang paggamit ng salitang “recover”. Hindi naman basta gagamitin ng
mga taga-media ang salitang yan kung hindi nila na-pick up sa mga ini-interview
nila. At, ang mga taga-media namang nakakaunawa, lalo pa at malakas ang
impluwensiya nila sa kanilang mga taga-sunod, sana ay matutong magtama ng mali.
Ang hirap pa rin, karamihan sa kanila ay hindi rin alam ang tamang paggamit ng
“kung saan”.
Discussion