Ang Pagpapadali ng mga Transaksiyon sa Gobyerno ay may Batas na pala pero Bakit Hindi Napapatupad?
Posted on Sunday, 3 July 2016
Ang Pagpapadali ng
Mga Transaksiyon sa Gobyerno
ay May Batas na pala
pero Bakit Hindi Napapatupad?
Ni Apolinario Villalobos
Sa isang interview sa Director ng Civil
Service Commission (CSC) ay sinabi nito na may batas na daw para sa pagpapadali
ng mga transaksyon sa gobyerno, pero napansin kong kahit wala ngang lunch
break, ay wala namang Customer Assistance Desk o Counter sa LAHAT ng mga
ahensiya. Kung may “information desk” man, ang nakaupo ay hindi empleyado ng
ahensiya kundi guwardiya na namimigay din ng mga forms. Samantala, kung umasta naman
ang ibang mga empleyado ay animo mga “boss”….hindi malapitan upang matanong.
Sa interview sa hepe ng CSC, nagpapakalat
daw sila ng mga “mystery shoppers” sa mga ahensiya upang palihim na mangalap ng
mga impormasyon tungkol sa hindi mabuting pakikiharap ng mga empleyado, pero
bakit tila wala pa ring nangyayaring pagbabago kung matagal na pala nilang
ginagawa? ...at, may naparusahan na ba sila kung mayroon mang nahuli, dahil
hindi talaga maaaring wala? …nangako pa ang hepe na ilalathala daw nila ang
resulta…AWWW, COME ON!!!
Dapat ang repasuhin ng CSC ay ang mga
patakaran o mga provision sa Civil Service Code para sa agarang pagdisiplina ng
mga mayayabang at pala-absent na mga empleyado. Maliwanag naman na ang problema
sa serbisyo nila ay mga taong nasa bandang “ibaba”….mga empleyadong clerk pa
lang ay mahahaba na ang sungay! Kahit ilang beses pang magpalit ng hepe kung palpak
naman ang performance ng mga nasa counter ay wala ring mangyayaring pagbabago.
Ibig sabihin, ang problema ng mga ahensiya ng gobyerno ay “systemic” o naka-ugat
sa buong sistema dahil hindi naipatutupad ang mga dapat ipatupad na lalong
pinalala ng mahinang leadership.
Sa interview naman sa isang taga-Land
Transportation Office (LTO), ang mga sagot sa nagtanong na taga-radyo ay PURO
MAGAGANDA rin dahil may mga batas na rin pala, lalo na ang tungkol sa mga
fixer. Pero, ang tanong pa rin….hanggang salita na lang ba ang mga taga-LTO?
Araw-araw, ang mga fixers ay nakikita sa loob at labas ng opisina at animo ay
mga empleyado kung kumilos, pero bakit kailangan pang hintaying magmura si
Duterte upang “kunwari” ay kumilos ang mga opisyal ng nasabing ahensiya?
Ang dalawang nabanggit na mga ahensiya ay
ilan lang sa mga hindi kasiya-siya ang performance. Masama mang banggitin ay
hindi maiiwasang sabihin na LAHAT ng mga ahensiya ay nangangailangan ng
PAGBABAGO NANG PERMANENTE, HINDI NINGAS-KUGON!
SANA AY MAGKAROON NG MALAWAKANG BALASAHAN
SA LAHAT NG MGA AHENSIYA PAG-UPO NG MGA BAGONG HEPE….LAHAT NA PATI MGA JANITOR
AT MESSENGER ISAMA…DAHIL SA BUREAU OF CUSTOMS, MAY ISANG MESSENGER NA
NADISKUBRE NOON, NA DAIG PA ANG PRESIDENTE NG KUMPANYA DAHIL SA KANYANG ANIMO
AY MILYONARYONG LIFESTYLE!
Discussion