Ang Walang Kamatayang "Human Rights" bilang Depensa ng mga Kriminal
Posted on Friday, 8 July 2016
ANG WALANG
KAMATAYANG “HUMAN RIGHTS”
BILANG DEPENSA NG
MGA KRIMINAL
Ni Apolinario Villalobos
BAKIT MARAMI ANG NAPAPATAY NA MGA TAONG MAY
KINALAMAN SA DROGA?...DAHIL SOBRANG DUMAMI SILA BAGO UMUPO SI DUTERTE,
PALATANDAAN NG KAPABAYAAN NG MGA DAPAT MAGPATUPAD NG BATAS AT KALAMYAAN NG MGA
MAMBABATAS AT MGA UNANG NAMUNO NG BANSA. ANG MGA MAIINGAY TUNGKOL SA “HUMAN
RIGHTS” AY ISANG PANIG LANG NG KARAPATANG ITO ANG TINITINGNAN – ANG “KARAPATAN”
NG MGA KRIMINAL…AT BULAG NAMAN SILA SA KARAPATAN NG MGA BIKTIMA.
ANG NAKAKATAWA PA, MAY MGA SAKSI NA NGANG
NAKAKITA SA KRIMEN AY “HUMAN RIGHTS” PA RIN NG KRIMINAL ANG GUSTONG IBANDERA NG
MGA “HUMAN RIGHTS” ADVOCATES KUNO NA ITO! KUNG NAGDEPENSA SA SARILI ANG BIKTIMA
AT NAPATAY ANG KRIMINAL, DAPAT PA RIN DAW IMBESTIGAHAN!....YAN ANG DAHILAN KUNG
BAKIT NAGKAWINDANG-WINDANG ANG BUHAY NG TAO….ANG PAG-ABUSO NG MGA BATAS NA ANG
GAMIT AY “HUMAN RIGHTS”!
NGAYONG GINAGAWA NG PRESIDENTE ANG DAPAT
NIYANG GAWIN AY MAY MGA NARIRINIG NA NAMAN TUNGKOL SA “HUMAN RIGHTS”. ANG MGA
TAONG NAGTUTULAK, MGA DRUG LORDS, MGA PULIS AT MGA OPISYAL NG GOBYERNO NA
NAGPAYAMAN, NAKAISIP BA NG KARAPATANG ITO NG MGA BIKTIMA NILA? BAKIT TILA ANG
MGA TAONG IBINOTO NG MGA PILIPINO AT ITINALAGA SA MGA PUWESTO UPANG MAGING
TAGAPAGTANGGOL AY PALAGI NA LANG INIISIP ANG KARAPATAN NG MGA KRIMINAL KAYSA
MGA KAWAWANG BIKTIMA? HINDI BA NILA NAISIP NA DAHIL SA GINAWA NILANG
KADEMUNUYAHAN AY MAY MGA ANAK NA NANGGAGAHASA NG SARILING INA AT MGA KAPATID?...NANUNUNOG
NG BAHAY NA NAKAKADAMAY NG BUONG KOMUNIDAD?...NANANAKSAK NG SARILING AMA?
NABATIKOS SI DE LIMA NOON DAHIL WALANG
EPEKTO DAW ANG MGA GINAWA NIYANG PAG-RAID SA BILIBID, LALO PA AT BIGLA SIYANG
BUMITAW SA TRABAHO UPANG TUMAKBO BILANG SENADOR, KAYA ANG SABI NILA AY PARA
YATANG KUMUHA LANG SIYA NG “EXPOSURE MILEAGE”. ANG BUWELTA NAMAN NIYA, SA LAWAK
DAW NG BILIBID MALABONG MA-CHECK ANG KABUUHAN NITO. MALIIT BA ANG SWIMMING POOL
UPANG HINDI MAPANSIN? BIGLANG NABIGLA DIN ANG SAMBAYANAN NANG IBRODKAST NA
KAMAG-ANAK DAW PALA NIYA ANG PILIPINONG DETINADO NA HIGH-TECH ANG “SELDA” AT
MAY RECORDING STUDIO PA. DAHIL SA MGA PANGYAYARI, MISTULA DAW ININSULTO ANG
KATALINUHAN NG MGA PILIPINO NA GINAWANG BOBO AT NILOKO SA KABILA NG
PAGTITIWALANG IBINIGAY NILA.
BATAY SA SINASABI NI DUTERTE AYON SA
MAINGAT NA SINIYASAT NA MGA IMPORMASYON, MATAGAL NA PALANG NAG-OOPERATE ANG
DRUG “TRIAD” NG MGA INTSIK SA LOOB NG BILIBID. SA KATAGALAN NG PAMUMUNO SA
DEPARTMENT OF JUSTICE, IMPOSIBLENG HINDI ITO ALAM NI DE LIMA DAHIL ANG ILAN SA
KANYANG MGA AHENSIYA AY MAY PONDO PARA SA INTELLIGENCE GATHERING. MAY MGA
NAGTATANONG TULOY NA BAKA BINIGYAN SIYA NG KOPYA PERO HINDI NIYA PINANSIN…SANA
HINDI TOTOO. SANA AY TUMAHIMIK NA LAMANG
SIYA TUNGKOL SA ISYUNG ITO AT MAGMASID KUNG MAY MAGAGAWA NGA TALAGA SI DUTERTE
AT SAKA NA LANG SIYA PUMALAG KUNG MAKITA NIYANG HANGGANG PANGAKO LANG ANG
BAGONG PRESIDENTE. HINDI SIYA DAPAT MAKIPAGSABAYAN DAHIL NAKAKASAGABAL LANG
SIYA. ANG BATAYAN NG MGA KILOS NIYA NA “HUMAN RIGHTS” AY HINDI NA BUMENTA NOON.
DAPAT PA NGA AY MAKIPAGTULUNGAN SIYA SA BAGONG ADMINISTRASYON DAHIL NASA SENTRO
ANG AHENSIYANG PINANGGALINGAN NIYA…NA MAY BAHID NG KAPABAYAAN. SANA NAMAN AY
HINDI SIYA MAPAGDUDAHAN DAHIL SA GINAGAWA NIYA.
DAHIL DROGA ANG MAINIT NA ISYU NGAYON,
PALAGING NABABALITA, PALAGING NAHAHAGIP NG KAMERA….MAY MGA GUSTONG SUMIKAT,
KAYA NAKIKISAKAY! MAY MGA TAUHAN NAMAN SILANG PWEDENG MAG-RESEARCH TUNGKOL SA
MGA TAONG SANGKOT AT PINATAY, BAKIT HINDI IPAGAWA ITO UPANG HINDI SILA MAPAHIYA
PAGKATAPOS NILANG MAGTANGGOL SA “HUMAN RIGHTS” NG MGA KRIMINAL NA ITO NA
MISMONG MGA KAANAK AT MGA KAIBIGAN ANG NAGSASABING TALAGANG SANGKOT SILA SA
DROGA AT PINAGSABIHAN NA NGA DAW PERO AYAW PA RING TUMIGIL. LAHAT SILA AY MAY
MGA RECORD NA AT DAHIL MAY MGA “FINANCIER” AY LABAS-MASOK SA KULUNGAN. HINDI PA
BA ITO SAPAT? BAKIT MANGHINAYANG SA BUHAY NA NAGBIBIGAY LANG NG SALOT SA
LIPUNAN? ANG BALAK NA IMBESTIGASYON NA GUSTONG GAWIN NG KONGRESO AT SENADO AY
PAGSASAYANG LANG NG PERA NG BAYAN!
MAY MGA LUMULUTANG NANG BALITA NA ANG
PAGSURENDER NG ILANG PUSHER AY PALABAS LANG. AT DAHIL HINDI IKINULONG, SA “LABAS”
AY BUMABALIK PA RIN DAW SILA SA KANILANG
BISYO AT PAGTUTULAK. ITO BA ANG “HUMAN RIGHTS” NA SINASABI NG MGA NAG-IINGAY?
MALINAW NA TALAGANG NARARAPAT ANG “KAMAY NA BAKAL” UPANG MATIGIL ANG SALOT NA
DULOT NG DROGA SA LIPUNAN!
ANG GINAGAWA NG BAGONG ADMINISTRASYON AY
HINDI DAPAT BALEWALAIN DAHIL NAPAKASELANG BAGAY. DITO NAKASALALAY ANG
KINABUKASAN NG MGA KABATAAN, EKONOMIYA, AT NG BANSA SA KABUUHAN. HINDI ITO DAPAT HARANGAN NG MGA TAONG GUSTO
LANG MAGPASIKAT.
Discussion