0

Dapat Ipa-imbentaryo ang mga Kasong Matagal nang Nakatambak sa Department of Justice, Ombudsman, at Sandiganbayan

Posted on Thursday, 21 July 2016

DAPAT IPA-IMBENTARYO ANG MGA KASONG MATAGAL
NANG NAKATAMBAK SA DEPARTMENT OF JUSTICE
AT SANDIGANBAYAN
Ni Apolinario Villalobos

Dahil sa pagka-absuwelto kay dating presidenteng Gloria Arroyo sa isyu ng pondo ng PCSO, dapat ay gumawa ng imbentaryo ang Office of the President ng mga kasong matagal nang nakatambak sa mga opisina ng Department of Justice at Sandiganbayan. Ang siste kasi, pagkatapos maisampa ang karamihan sa mga kaso at ma-brodkast ay animo mistula nang kinalimutan. Malaki tuloy ang pagdududa sa kagalingan ng mga abogado ng pamahalaan. Ang isa sa pinaka-prominenteng kaso ay ang Maguindanao massacre. Napabalitang ang ibang sangkot ay nakapag-piyansa at nakatakbo pa sa nakaraang eleksiyon….nakailang taon na ba ito? Ang isa pang masakit na pagdududa ay sinasadya daw ng mga opisinang nabanggit ang pag-antala…sana naman ay hindi totoo.

Ang problema lang ay protektado ang mga abogadong pulpol ng Civil Service Code dahil sa kanilang eligibility kuno kaya naging mga “career service officers” pa. Sana kung walang probisyon tungkol sa kakayahan bilang batayan sa pagtanggal, dapat lagyan ng ganitong probisyon ang Civil Service Code. Pwede naman itong ihanay sa “efficiency at proficiency in job” upang hindi lang mga kasong kriminal  at administratibo ang maging batayan sa pagtanggal sa mga walang binatbat na mga abogado ng pamahalaan upang hindi masayanag ang pera ng mga Pilipino pinangsusuweldo sa kanila.

Dapat amining hindi dahil nakapasa sa BAR ang isang naging abogado ay may katangi-tanging kakayahan o talino na. Yong iba ngang alam ko na honest sa pag-amin na “swerte” ang pagkapasa ay hanggang pag-notarize lang ang ginagawa dahil inamin rin nila na hirap sila sa pagsalita ng diretsong Ingles at Tagalog, lalo na sa pagsulat. At, higit sa lahat ay wala silang kakayahang magsalita sa korte dahil sila ay mahiyain. Malaki nga daw ang pasalamat nila sa bagong teknolohiya dahil pwede nang mag-copy/paste kaya nakakagawa sila ng mga requirements noong nag-aaral pa sila…pero, in fairness sa kanila, marami ang gumagawa nito at hindi lang sa kurso ng abogasya. Yan ang nakakabilib! Umaamin ng mga kakulangang kakayahan, hindi tulad ng ibang nasa gobyerno na para lang masabing intellectual kuno ay kung anu-anong mga sinasabing out of tune!


Discussion

Leave a response