Ang mga Matulunging Sekyu ng Philippine Statistics Office (PCSO) na sina Ronald Caldito at Rodolfo Gauiran
Posted on Monday, 4 July 2016
Ang Mga
Matulunging Sekyu ng Philippine Statistics Office (PSO)
Na sina Ronald
Caldito at Rodolfo Gauiran
Ni Apolinario Villalobos
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay
makakatagpo tayo ng mga taong matulungin, at hindi lang matulungin kundi
nagkukusa o nagboboluntaryo ng kanilang tulong. Sa ganyang sitwasyon ko
nakilala si Ronald Caldito ng Commander Security Agency ng PSO sa Quezon City
at Rodolfo Gauiran ng Gold Cross Security Agency, na nakatalaga naman sa Roxas
Boulevard “Serbilis Center”.
Kailangan ko pang magbiyahe mula Cavite
upang marating ang PSO sa Quezon City at lalong kailangan kong gumising sa
madaling araw upang makaiwas sa trapik. Mali ang akala kong napaaga ako ng dating
bandang alas siyete, dahil nakita kong halos puno na ang mainit na “waiting
area”. Napansin ko rin na ang ibang kliyente ay may dalang malalaking bag kaya
halatang galing pa sa probinsiya. Sa oras na yon ay wala akong nakitang
taga-PSO na nasa bukana man lang upang gumabay sa mga kliyente, kundi mga
guwardiya ng Commander Security Agency. May natanong akong isa sa kanila kung
saan ako dapat pumuwesto batay sa kailangan ko, subalit mali naman ang ibinigay
na direksyon. Sa halip na ituro ang tamang daan patungo sa bahaging nasa “likuran”
ay basta na lang ako itinuro sa isang
direksiyon na nang tumbukin ko ay comfort room pala. Mabuti na lang at sumilip
pa ako sa bandang likuran at doon ay may nakita akong isang maliit na parang
waiting area. Dahil may mga nakaupo na, nakiupo na rin ako.
Nang magsimulang magdatingan ang mga empleyado,
lahat sila ay may “straight face” o yong seryoso, pero kung kapwa empleyado ang
masalubong ay nagtatawanan pa….walang nakangiti kung tumingin sa mga
naghihintay na palatandaan sanang pwede silang matanong man lang. Kung hindi pa
dumating ang isang security guard na si Ronald Caldito ay hindi ko pa nalamang
ang natagpuan kong waiting area ay siyang pakay ko pala. Siya rin ang gumabay
para sa tamang pagpila dahil first-come-first served ang patakaran. Maraming
mga padaan-daang mga empleyado pero wala man lang ni isang nagkusa na magtanong
o maski ngumiti sa mga kliyente upang mapawi ang agam-agam tungkol sa kahirapan
sa pagkuha ng kailangang certificate.
Nang lumapit ako sa Public Assistance and
Complaints Desk, ang simpleng pakiusap ko na baka pwedeng i-check sa computer
ang impormasyong kailangan ko upang makapag-file ng angkop na form ay hindi
pinakinggan ganoong may computer naman akong natatanaw sa loob. Ang paulit-ulit
na sinabi sa akin ay mag-file daw talaga ng form itinuro ako sa lugar na
dinagsaan ng mga taong nagpi-fill upa ng forms. Ang inisip ko, ay bakit
kailangang gawin ko yon kung sa ilang minuto lang naman ay masasagot na ang
katanungan ko upang tamang form ang mai-file ko? Nagtimpi na lang ako kahit
alam kong may mali sa sistema nila na pasikut-sikot.
Ang sistema pala nila ay dapat may isang
form na pipil-apan muna ng mga impormasyon at isa-submit sa isang pinipilahang
counter upang ma-check sa computer kung may record sila batay sa mga ibinigay
na impormasyon. Babalikan mo pa ang resulta sa susunod na araw para malaman ang
resulta. Kung negative, pipil-ap na naman ng isang form para sa ii-isyung
certificate of no record. Kung positive, pipil-ap pa rin ng isang form para sa
ii-isyung certificate na may record. Kung alin man sa mga certificate ang
maisyu, magbabayad ang humihingi na inabala ng “madugo” nilang sistema. Umalis
na lang ako.
Dahil
sa naging problema ko sa central office ng PSO sa Quezon City, sinubukan ko ang
maliit na branch sa Roxas Boulevard na ang Public Assistance Desk employee ay
nakangiti pang tumulong sa akin gamit ang computer niya kaya nai-file ko agad
ang tamang form. Ito ang ni-request kong assistance sa head office (Quezon
City) na hindi pinagbigyan. Ang napansin
ko pang malaking kaibahan ng serbisyo nila, sa Roxas Boulevard, bago pa lang
mag-alas otso, ang mga tao ay pinapapasok na sa aircon na waiting area upang
papilang makaupo at binibigyan pa ng instruction ng mga matulunging security
guards, bagay na hindi ginagawa sa mismong central office sa Quezon City. Doon
ay pinapahintay pa ang mga kliyente ng alas otso bago sabihang pumunta sa isang
hindi aircon na bahagi pa rin kung saan matatagpuan ang mga forms, kaya
nagmumukha silang kawawa sa pakikipag-agawan habang tinitingnan ng mga security
guards. Ito ay sa kabila ng matagal na nilang paghintay sa mainit na waiting
area bago pa man mag-alas otso. Tipak-tipak tuloy ang mga nagtitinda ng kape at
sandwich sa labas lang ng gate.
Sa Roxas Boulevard PSO ay napansin ko rin
ang pagiging matulungin ng mga security guards na pinangangasiwaan ni Rodolfo Gauiran.
Talo pa nila ang mismong mga empleyado ng PSO dahil pati natutuklap sa
pagkakadikit na mga posters ay inaayos nila. Ang mga assigned sa releasing
section ay may kusa rin dahil nang humingi ako ng tulong sa isang security
guard upang ipa-check ang nai-file ko makalipas ang mahigit dalawang oras na
siyang takda ng release, ay dali-daling lumapit ito sa counter upang magtanong.
Kasama pala ako sa isang batch na natawag na pero ang ginamit sa pagtawag ay
pangalan ng namatay na hinihingan ko ng record pero wala sila, kaya certificate
of no record ang binayaran ko. Hindi pangalan ko na siyang nag-request at buhay
na buhay ang tinawag. Inakala ko tuloy
na ka-apelyido ko lang ang tinawag! Kung hindi dahil sa matulunging security
guard na nakalimutan ko ang pangalan ay malamang na na-bagoong ako sa releasing
section!
Iyan ang Philippine Statistics Office na
nangangailangan ng MALAKING PAGBABAGO!
Discussion