0

Ang Mga Pulis na Ipinadala at Ipapadala sa Mindanao

Posted on Saturday, 9 July 2016

ANG MGA PULIS NA IPINADALA
AT IPAPADALA SA MINDANAO
Ni Apolinario Villalobos

Ayon sa Philippine National Police, ang mga pinadalang mga pulis at mga ipapadala pa sa Mindanao ay magiging “support” lang daw ng mga taga-roon sa kanilang operation sa pagtugis sa Abu Sayyaf. Mukhang hindi yata maganda ang dating ng ganitong pahayag dahil noon, ang pagpapadala sa Mindanao ay banta ni de la Rosa sa mga tiwaling pulis-Maynila…kaya lumalabas na isang uri ng kaparusahan upang sila ay magbago. Kung hindi sila isasabak sa regular na mga gawain tulad ng operasyon laban sa Abu Sayyaf, lalabas na para lang silang pinagbakasyon, kaya siguradong may maririnig na mga reklamo mula sa mga taga-roong kapulisan na siyang gagawa ng mga “dirty works”.


Ang impresyon sa mga pulis-Maynila ay hindi daw sila lumalabas sa initan. Ang iba nga daw ay nahuli pang naglalagay ng “foundation” sa mukha. At, ayon pa rin kay de la Rosa, ang sukatan para malaman kung nagtatrabaho ang isang pulis ay ang kanyang kulay, dahil kung ang balat ng pulis ay may kutis na mala-porselana, ibig sabihin ay nasa loob lang ito ng opisina o di kaya ay nasa lilim kung sakaling nasa “labas” o field. At, dahil naggagalaiti si de la Rosa sa mg “ninja” -  mga pulis Maynila na sangkot sa droga,  sila raw ang mga uunahin. Subali’t bakit bigla yatang nagkaroon ng tono ang mga sinasabi ng PNP?

Discussion

Leave a response