Dasal Para sa Bagong Pangulong Duterte at sa Kanyang Working Group
Posted on Friday, 1 July 2016
DASAL PARA SA
BAGONG PANGULO AT SA KANYANG WORKING GROUP
Ni Apolinario Villalobos
Oh,
Allah/Dios/Diyos/Bathala…
Harinawa ay bigyan
Mo ng malakas na katawan at magandang kalusugan si Presidente Duterte upang sa
panahon ng kanyang panunungkulan ay matupad niya ang mga ipinangako sa mga
Pilipino….
Sana ay mapalinaw
Mo pa ang kanyang kaisipan sa kanyang pagninilay-nilay upang mabago ang kanyang
desisyon para sa bagong Bise-presidente, Lenny Robredo nang sa ganoon ay
mapasama siya sa kanyang gabinete o mabigyan man lang ng “special project”…
Sana ay
pansamantalang itikom Mo ang kanyang mga labi sa mga pagkakataong siya ay
nanggigil at gustong magmura dahil sa galit upang walang mamutawing maaanghang
na mga salita mula sa mga ito, at nang sa ganoon ay lalo pa siyang maunawaan at
mahalin ng mga dating galit sa kanya dahil sa ugali niyang ito…
Sana ay isara mo
ang kanyang mga tenga sa mga ibubulong ng mga kapalmuks at diputang mga sipsip
na naglilipana pa rin sa mga ahensiya ng gobyerno na hindi matatanggal dahil
protektado sila ng kanilang eligibility bilang Career Service Officers, at ng
Civil Service Code na maraming palpak na probisyong hindi na angkop sa
kasalukuyang panahon….
Sana ay magabayan
Mo ang mga itinalaga niyang mga bagong pinuno ng iba’t ibang ahensiya upang
maging epektibo silang suporta niya, at upang mailayo sila sa pang-aakit ng
kinang ng salapi…
Sana ay ilayo Mo
siya sa mga makukulit, maurirat, trying hard, etc. na mga reporter na ang
hangad ay makakuha ng scoop kaya paulit-ulit na nagtatanong sa kanya ng mga
EXASPERATING QUESTIONS DAHIL AKALA NILA AY BOBO O TANGA ang bagong pangulo
dahil isa itong prumdi (from the province)…isang maling akala na talagang MALI
dahil estudyante pa lang ang bagong presidente sa San Beda ay alam na niya ang
mga pasikut-sikot sa Maynila…
Sana ay mabuksan
Mo ang kaisipan ng mga Pilipino sa katotohanang kailangan silang lahat ng
bagong pangulo….na walang saysay ang kanyang katapangan kung hindi sila
makikipagtulungan sa kanya...
Sana ay iregalo Mo
sa bagong pangulo ang desisyon ng UN Arbitrary Tribunal na papabor sa
Pilipinas, sa isyu ng West Philippine Sea.
SUMASAMPALATAYA
AKO SA IYONG WALANG HANGGANG KAPANGYARIHAN, NGAYON AT HABANG AKO AY
NABUBUHAY….AT, ANG MANANAIG LABAN SA LAHAT NG KASAMAAN SA BUONG MUNDO AT SANLIBUTAN
AY…. IKAW NAWẲ!
Discussion