0

Wrong Judgment Call, pero wala kasalanan daw si Pnoy...sabi ni de Lima ng DOJ

Posted on Sunday, 22 March 2015



Wrong Judgment Call, pero walang kasalanan daw si Pnoy
….sabi ni de Lima ng DOJ
Ni Apolinario Villalobos

Ano ba, ate Leila?...wrong ang judgment call ni Pnoy pero sasabihin mong walang kasalanan? Wrong na nga, pero walang kasalanan? Ano yon?....nahihilo na rin yata ang magaling na kalihim ng “Hustisya”.  Hindi ba dahil mali ang desisyon ni Pnoy, kaya nagkaroon ng masaker….kaya dapat lang sabihing siya ay may kasalanan? Magtiwala ba naman siya sa isang suspendidong tao na malabo pa sa tubig-pusali ang kredibilidad! ANG KASALANAN NI PNOY AY RESULTA NG KANYANG PAGKAKAMALI SA PAGGAWA NG DESISYON!.....ganoon lang kasimple ang analysis – dahil mali, may kasalanan. Hindi na kailangang maging abogado, mag-Masters, mag-Doctorate o magtapos sa kung anong mga unibersidad pa upang maisip ito. Ang desisyon ni Pnoy ay galing sa sarili niyang utak, hindi sa ibang tao, kaya hindi sana siya nagtuturo pa ng iisang tao, habang nag-aabsuwelto naman ng kanyang best friend.

Wala daw “chain of command” ang PNP sabi pa ni de Lima, dahil pang-military lang ito at ang PNP ay ahensiyang sibilyan. Ilang mga respetadong tao na ang nagsabi na ang chain of command ay kapareho lang ng “flow of responsibility” na malinaw na pinapakita ng isang organizational flow chart ng lahat ng mga ahensiya o kumpanya. Malinaw na kinausap ni Pnoy si Purisima at Napeas, prerogative man niya man ito na sinasabi ng iba, dapat ay panagutan niya (Pnoy) kung ano ang resulta. Bakit pinipilit ni de Lima na maging “literal”, makadulot lang siya ng kalituhan? Dapat tumigil na siya sa kanyang trying hard na approach upang magpakita ng “galing” kuno.

Ang dapat gawin ni de Lima ay payuhan si Pnoy na bigkasin naman nito nang malinaw ang pangalan ni Purisima na isa sa mga may kasalanan din, tuwing magbukas siya ng mga bibig upang magsalita tungkol sa Mamasapano masaker, hindi yong si Napeas na lang palagi. Hindi naman tanga ang mga Pilipino upang hindi maunawaan ang mga nangyari dahil sa dami ng mga katotohanang lumulutang, salamat sa media.

Ang mali ni de Lima ay ang panggatong niya sa isyu. Tumahimik na lang sana siya, pero atat yata sa media mileage, kaya halos hindi ina-analyze ang mga sinasabi. Pinipilit na nga ng mga Pilipinong kahit papaano ay unawain si Pnoy sa ugali nito na hindi marunong mag-sorry, nanggatong na naman siya kaya lumaki na naman ang naglalagablab na galit ng mga pilit nilang lokohing mga tao. Nagdrama pa ang Malakanyang upang maawa ang mga Pilipino kay Pnoy – may sakit daw ito….wow namang strategy yan – hindi nakuha sa panloloko ang mga Pilipino, kaya dinaan nila sa kurot sa puso!!!

Discussion

Leave a response