Agos ng Buhay...para kay Jose "Direk Joecar" N. Carreon
Posted on Wednesday, 18 March 2015
Agos ng Buhay
(para kay Jose “Direk Joecar” N. Carreon)
Ni Apolinario Villalobos
Sa pagdaloy ng agos ng buhay
Hindi tiyak kung ano ang matatangay
Maaaring ito’y mabubulasaw, umalon-alon
Dahil sa mga bato’t bumabagsak na dahon.
Ano man ang humarang sa agos
Dike man ito o saplad, akala’y maayos
Hindi tatagal sa agos, nagpipilit, umaalma
Parang taong naglalabas ng mga nadarama.
Yan ang buhay ng taong matalino
May matingkad sa pagkabusilak na puso
Tahimik man at matipid sa mga pananalita
Walang yabang, kaya mahal ng kanyang kapwa.
Buhay na payak, kanya’y nilakhan
Hinubog din sa maaliwalas na tahanan
Bihira ang ganyang taong hinog sa panahon
At, yan si “Direk Joecar”… o Jose Nadal Carreon!
(Halaw ang tula mula
sa kuwento nina Gene at Maggie Asuncion…
At alay din ng “MIGHTY
MITES GROUP” ng University of the Philippines High, Class ’60)
(Posted in facebook, penpowersong.wordpress.com, and
penpowersong.blogspot.com)
Discussion