Pagkatapos ng Mamasapano Massacre...isusumpa ng mga tanga ang cellphone
Posted on Wednesday, 11 March 2015
Pagkatapos ng
Mamasapano Massacre
…isusumpa ng mga
tanga ang cellphone
Ni Apolinario Villalobos
Isang gadget na pang-status symbol ang cellphone, lalo na sa
kabataan. Yong iba nga dinidespley pa ang mahal nilang cellphone kaya kapag
inagawan ay walang magawa kung hindi man magsisigaw ay tatanga na lamang.
Pahamak ang cellphone dahil mitsa din ito ng buhay.
At lalong pinakita ng cellphone ang pagiging instrumento
nito ng “kapahamakan” tulad ng nangyari sa Mamasapano. Dahil gumamit si Pnoy,
Purisima, Napeῆas, at iba
pang opisyal ng kapulisan at military, nairekord tuloy ang kanilang usapan.
Nabisto ang kata…..han ng mga nagpipilit na walang kinalaman, lalo na ang
naghuhugas-kamay. Siguro ngayon, ang mga taong ito ay nanginginig kapag
nakakita ng cellphone!
Ayaw ko nang banggitin kung sino ang mga tanga sa paggamit
ng cellphone sa isang maselan na operasyon dahil tulad ng sinabi ko noon sa isa
pang blog, maaari itong i-disable gamit ang isa pang instrument, o di kaya ay
magiging inutil kung palyado ang signal sa lugar kung saan ito ginagamit. May
radyo naman pala at via satellite pa ang signal, ay kung bakit hindi ginamit.
Talagang matalino ang Diyos na hindi na rin siguro makatiis dahil ang mga
katangahan, kaluwagan, kahinaan, kalamyaan, inggitan, at kabobohan ay
abot-langit na!
Ginamit ko lang ang salitang “tanga” na ginamit ng isang tao
sa pag-alipusta at pag-aakusa sa isa pang tao. Binabalik ko lang sa kanya ang
salita, sa ngalan ng “Golden Rule” (huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin
ng iba sa iyo)….sana ay maunawaan ako ng makakabasa at huwag sana nilang isipin
na mahilig ako sa ganitong klaseng katangahan!
Discussion