0

Si Pnoy talaga...yun lang pala ang sasabihin, pinatagal pa!....huli na nga, palpak pa rin!

Posted on Thursday, 26 March 2015



Si Pnoy talaga….yun lang pala ang sasabihin, pinatagal pa!
…huli na nga palpak pa rin!
Ni Apolinario Villalobos

Ang kasabihang “huli man daw at magaling, naihahabol din…” ay hindi nangyari sa talumpati ni Pnoy sa graduation rites ng PNP sa Cavite, March 26, 2015. Lalong marami ang nagalit, at lalong lumabo ang kanyang panig. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga puntong binanggit niya at pilit nilulusutan:

1.      Hindi niya pagsalubong sa mga bangkay ng SAF 44 upang magpakita ng pakikiramay bilang presidente. Ang paliwanag niya ay upang mabigyan daw ng espasyo ang mga nagdadalamhati at wala rin daw siyang maisasagot kung may magtatanong. Hindi lusot ang paliwanag niya dahil ang mga namatayan ay nakahanda naman kung sasabihin niyang nag-iimbistiga pa, kaya nga ang mga dumalong heneral ay walang narinig na tanong kahit isa. Ang mga heneral, pati si Binay ay nasa tabi lang habang tahimik na nakikidalamhati. Ang pagbibigay ng espasyo bilang dahilan ay hindi rin tanggap lalo pa’t bukambibig niya ang pagiging “ama” daw niya, kaya kung ganoon pala ay dapat lang talagang nandoon siya!

2.      Hindi raw siya inabisuhan nang maaga pa lang upang ipaalam na gipit na ang mga SAF commandos, at nang may dumating ay mali naman ang impormasyon, kaya nagalit daw siya dahil sa mga kapalpakan. Sa talumpati niya sa PNP graduation rites, bakit hindi niya diretsong banggitin ang pangalan ni Purisima na siyang pasimuno ng lahat ng kapalpakan? Galit pala siya, bakit wala man lang narinig sa kanya bilang dapat normal na reaksyon noong mga unang araw pa lang? Bakit pinili niyang manahimik kaysa magpaliwanag o magpahapyaw man lang ng galit? Dahil ba ang unang tatamaan ay ang kanyang best friend na si Purisima na pinagkatiwalaan niya sa kabila ng pagiging suspindendo nito? Inamin niya niya na nang magising siya ay saka niya “binuksan” ang kanyang cellphone…ibig sabihin ba ay nagpapatay siya ng cellphone kahit may importanteng operasyon tulad na sa Mamasapano? Iyan ba ang taong may concern o responsible? Di ba dapat ay 24 hours siyang naka-monitor? Talo pala siya ni Gloria Arroyo na halos hindi na natutulog kapag may importanteng activity o bagay na mino-monitor!

3.      Hindi siya satisfied sa mga report ng BOI at Senado dahil hindi man lang daw siya ininterbyu. Tinawag pa niyang manghuhula ang mga senador na gumawa ng report. Naman….naman….nasira na naman ang kanyang porma dahil hindi angkop sa isang presidente ang kanyang ginawa. Dapat, sinabi na lang niya na ituloy ang pag-imbistiga upang lalong luminaw ang resulta dahil handa na siyang magbigay ng mga detalya sa abot ng kanyang kaalaman. Sa imbistigasyon ng Senado,  sinisisi si Roxas na hindi nagpaabot sa kanya ng abiso para sa interbyu. Bakit hindi niya diretsahang sabihin ito nang magsalita siya sa harap ng mga graduates ng PNP? Hindi ba totoo ang paratang na ito? Putok sa mga balita na noon pa man, ay gusto na siyang isali sa mga kukunan ng detalya pero hindi siya kumilos at nagsabi pa na kung ano man ang resulta ay tatanggapin niya. Bakit ngayon ay bumabaligtad siya? Dahil ba hindi pabor sa kanya ang mga report na nagturo pa sa kanya bilang nangunguna sa mga dapat sisihin?

Ugali na ng taong desperado ang magsabing tamaan man siya ng kidlat, lumubog man siya sa kanyang kinatatayuan, o mamatay man…nagsasabi daw siya ng totoo. Ganyan ang ginawa ni Pnoy nang magsalita sa PNP graduation rites, dahil hindi siya natakot sa pagsabi na sa mata daw ng Diyos, siya ay nagsasabi ng totoo!...kaya tuloy pati mga Obispo ay nagagalit na sa kanya dahil pati ang nanahimik na si Lord ay kanyang sinasangkalan, makapaghugas lang ng kamay! Para niyang tinapunan ang Diyos ng tubig mula sa palangganang pinaghugasan niya ng kanyang mga kamay!

Ang malinaw ngayon, nanantiya at nag-obserba muna siya kung okey lang ang mga ginawa niya sa isyu ng Mamasapano, subalit hindi umobra ang kanyang pagiging anak ng isang bayani daw. Nang malaman niya na hindi pala okey dahil talagang galit ang mga taong ginagawa niyang tanga, natataranta na siya ngayon sa pagpaliwanag. Sorry na lang siya dahil hindi pa rin bumenta ang kanyang gimmick.

Sa pangako niyang sa venue ng graduation ng PNP ang huli na niyang pagpaliwanag tungkol sa Mamasapano massacre, may maniniwala pa kaya sa kanya? Asahan ang isa pang hindi pagtupad ng pangako…dahil siguradong babanat pa rin siya uli ng panibagong “paliwanag” na lalong magpapalabo ng kanyang panig sa isyu ng Mamasapano! At, tulad ng dapat asahan, uulitin niya ang paghingi ng pang-unawa dahil tao lang daw siya!...iba na talaga ang sanay sa pagsisi…..ling!

Yan ang pangulo ng Pinas…malakas ang fighting spirit!...to the max!!!!!!

MAY ISANG SALITANG SINABI SI MOMMY DIONESIA, KAYA LOVE KO SIYA, ITO ANG….NAKAKAHIYA!!!!

Discussion

Leave a response