0

Mga Rebelasyon sa Pre-fight Press Conference ni Pacquiao at Mayweather...at ang oportunidad ng mga okasyong may media

Posted on Thursday, 12 March 2015



Mga Rebelasyon sa Pre-fight Press Conference
Ni Pacquiao at Mayweather
…at ang oportunidad ng mga okasyong may media
Ni Apolinario Villalobos

Impressive ang venue ng presscon nina Pacquiao at Mayweather para sa kanilang bakbakan. Marami rin ang mga rebelasyon. Si Pacquiao, ginawang magician ang Diyos nang sabihin niyang ginawa daw siya “from  nothing into something”. Wala man lang nagbulong sa kanya na sana ay “from nobody into big somebody”. Lahat kasi ay natulala sa kabonggahan ng okasyon na animo ay pang- Grammy Awards…may red carpet pa! Si Mayweather ay talagang tuso, dahil hindi nagpatalo kay Pacquiao. Trying hard si Mayweather sa pagsalita na parang pastor, para bang gustong ipahiwatig na hindi man siya nagbabasa ng Bible o nagpi-preach tulad ni Pacquiao, pwede naman siyang umastang parang pastor at mas swabe pa ang epek kaysa kay Pacquiao dahil sa unbelievable na sobra niyang pagkamahinahon lalo na sa ginamit niyang mababang boses at mga piling salitang binitiwan.  

Nagpasalamat si Pacquiao sa kanyang mga team na banyaga at Pilipino na umaalalay sa kanya. Hindi niya binanggit ang nanay niya, ganoong binigyan siya nito ng rosaryo kaya nananalo daw siya noon sa mga laban niya, pero hindi na niya ipinakita nang maging born-again Christian siya. Ang nanay naman niya  bandang huli ay nagkasya na lamang sa pagbato ng mga incantations o dasal sa kanyang mga kalaban upang matalo niya. Malamang nakahanda na naman ang nanay niya para sa darating na laban nila Mayweather…baka mas matinding incantation ang inihanda niya…huwag lang sana niyang samahan ng pagsirko-sirko at pagsayaw. By the way, nanay niya ang nasa likod ng pagsuot niya milyong-halagang outfit sa presscon. Sabi ng nanay niya…”deserve mo yan, anak”. Ganyan dapat ang nanay!

Si Mayweather naman, abut-abot ang pasalamat sa kanyang tatay na naghirap upang maging batikan siyang boksingero. Hindi niya nabanggit ang Diyos. Dahil sa ginawa ni Mayweather, sana ay hindi masumbatan ni Mrs. Dionesia Pacquiao ang kanyang anak na hindi nagbanggit sa kanya. Sa kabuuhan, talagang parang maamong tupa si Mayweather kaya marami ang natuwa sa kanyang pagbabago. Hindi kaya nag-alala lang ito dahil ang mga Holywood celebrities ay kay Pacquiao nakapusta? Kaya kapag nagsalita siya ng laban kay Pacquiao, siguradong “maaayos” siya!

May mga okasyong talagang nakakapagpabago ng tao, kahit panandalian lamang. Sa isang okasyon nga ay may isang taong akala ng marami ay mahina lang ang loob kaya walang kibo kahit nilalait na sa media, subalit biglang naging mabalasik sa pagbato ng mga paninisi sa isa pang tao. Naging kampanti yata dahil ang mga umatend sa okasyon ay inakala niyang puro niya kakampi – mga piling bisita. Ang mga okasyong may media ay itinuturing din na magandang venue upang makapagyabang, kaya ginagamit ang mga ito nitong tao at kanyang mga tagapagsalita upang maipagyabang ang mga ginawa daw niya, na sa totoo lang ay puro kasinungalingan. Kilala na itong tao sa pabago-bago niyang mga sinasabi, at sa pagsandal sa mga kaibigan na akala niya ay matatalino at magagaling. Subalit  parang pinagsisihan niya ang ginawa niyang pagbitaw sa isa dahil hindi na niya ito binabanggit kapag siya ay nanduduro ng paninisi sa isa pang tao!...ibig sabihin kasi ng “bff” ay “best friend FOREVER”!


Discussion

Leave a response