0

Ang Katagang "Sorry" ay may dalawang Kahulugan - pakikiramay at pagtanggap ng kasalanan

Posted on Sunday, 22 March 2015



Ang Katagang “Sorry”
ay may dalawang Kahulugan  -
pakikiramay at pagtanggap ng kasalanan
Ni Apolinario Villalobos

Kapag sinabi ng isang tao na “I am sorry”, ibig sabihin ay nasa sitwasyon siyang “sorrowful”, o sa Pilipino ay “kalungkutan”. Nangangahulugang siya ay nagsi-“sympathize” o “nakikiramay” sa taong nakadanas ng trahedya. Kaya sa pakikiramay ay pwedeng sabihing, “nalalungkot ako sa nangyari sa iyo”. Sa Ingles naman ay, “I am sorry that it happened to you”.

Ang isa pang kahulugan ng salitang nabanggit ay pag-amin ng kasalanan, pero may kaakibat na magandang kahulugan kung dudugtungan sa Ingles ng “…..it will never happen again”. Sa Pilipino naman ay, “….hindi na ito mauulit”.

Batay sa nabanggit ko, sana ay ginawa na lang ni Pnoy ang nasa unang nabanggit na paragraph. Para safe siya, pwede niyang paunahan ang kanyang sasabihin sa Ingles na “I am sorry”, at dugtungan ito ng Pilipino na, “…..talagang, nalulungkot ako sa trahedyang nangyari sa 44 na SAF commandos sa Mamasapano…..kaya nakikiramay ako sa mga naulila”. Tapos na sana ang kulitan na siya ay dapat mag-sorry. Nasabi na sana niya, pero pakikiramay ang dating, hindi pakita ng “guilt” o pag-amin ng kasalanan! Pero kahit pakikiramay ay wala yata sa bokabularyo ni Pnoy….nakakalungkot talaga!...and, I am so sorry for that!!!!

Ang nasa pangalawang paragraph naman ay talagang imposibleng masasabi ni Pnoy, dahil ang “pag-sorry dito ay dapat dugtungan ng “….hindi na ito mauulit”, na malabong mangyari. Batay sa maikling kasaysayan ng kanyang administrasyon, ni isang kapalpakan ay wala pa kasi siyang sinosorihan….kaya, sori na lang ang mga Pinoy!

Sa mga bomoto sa kanya, it is too late to say,  “ I am so sorry, I did it”. Kaya ngayon, lahat ng mga Pilipino ay malungkot at nagsisisi na lang. Talagang ang pagsisisi ay palaging nasa huli!

Discussion

Leave a response