Hilong-hili na ang mga taga-Malakanyang sa Pagdepensa sa Pangulo sa Paglabas ng BOI Report
Posted on Sunday, 15 March 2015
Hilong-hilo na ang
mga taga- Malakanyang Sa Pagdepensa
sa Pangulo sa
Paglabas ng Report ng BOI
ni Apolinario Villalobos
Sinasabi ko na ngang masisira na naman ang porma ng
Malakanyang kung hindi aayon sa kanya ang report ng BOI. Kaya sa paglabas ng
report ng Board of Inquiry (BOI) halos wala na sa ayos ang mga sinasabi ng
Malakanyang sa kapipilit nilang depensahan ang pangulo na nadikdik ng nasabing
report. Ang sabi ni Lacierda, hindi man lang nakosulta ang pangulo at wala
naman daw “chain of command” sa PNP kaya hindi dapat gamiting batayan sa
“paglabag” ng pangulo.
Una, hindi bingi ang taong bayan upang hindi marinig ang
sabi ng BOI na hindi sila pinagbigyan ng Malakanyang sa kanilang hiling na
makunan ng pahayag ang pangulo, subalit sila ay hindi pinagbigyan. Pati nga daw
si Purisima ay hindi mahagilap. Pangalawa, sa isyu ng “chain of command”,
mismong matataas na opisyal ng militar at mga opisyal ng gobyerno na ang “chain
of command” na isang prinsipyo ay isa lamang sa mga tawag sa pagdaloy ng
responsibilidad at kautusan. Kahit saang ahensiya pribado man o publiko ay
meron nito. At, pangatlo, dinig na dinig ang pagyayabang ng Malakanyang sa
pagsabi na hindi na daw kailangang bigyan ng kopya ng report ang pangulo…ito ay
nang lumabas na ang report pero hindi pa naipahayag ang laman, kaya walang
nakaalam. Subalit nang mabunyag ang laman ng report na nagdidikdik sa pangulo –
pumalag ang Malakanyang. Pang-apat, mismong pangulo ang nagsabi sa isa niyang
talumpati na ang report ng BOI ay walang kinikilingan. Akala siguro nila ay papanigan ng BOI ang
pangulo! Naputukan na naman ng bomba sa mukha ang mga taga-Malakanyang!
Naging literal na ang mga taga- Malakanyang sa kanilang mga
pahayag na parang mga abogadong pulpol sa pagpaliwanag ng mga batas upang
magpalusot ng mga kaso ng mga tiwaling tao na sa unang tingin pa lamang ay
talunan na! Isa itong senyales ng pagka-desperado! Hanggang kaylan
magsisinungaling ang mga taga- Malakanyang?...ang mga tauhan doon ng
pangulo?....at ang pangulo mismo? Nagmumukha na siyang manika…walang damdamin,
dilat ang mata habang nagsasalita! At ang sabi naman ng isang respetadong
mambabatas na dati niyang kaalyado, ay para na lang siyang zombie ngayon!
Naglalakad at nagsasalita nang wala sa sarili!
Ang mga ipinahayag ng BOI ay mga findings lamang, at kahit
may mga rekomendasyon, ay walang conclusion. Subalit ang mga findings ay mga
katotohanan….At sa palaging sinasabi ng pangulo na “the truth will set us
free”, SIYA NA MISMO ANG NAGKANULO SA KANYANG SARILI …. TALAGANG TOTOONG UNTI-UNTI
NANG NAKAKAALPAS SA TANIKALA NG PANLOLOKO NIYA ANG MGA PILIPINO DAHIL NAKIKITA
NA ANG TUNAY NIYANG KULAY… ANG KULAY NG ISANG TAONG SINUNGALING!
Discussion