Showing posts with label SAF 44. Show all posts

0

Wrong Judgment Call, pero wala kasalanan daw si Pnoy...sabi ni de Lima ng DOJ

Posted on Sunday, 22 March 2015



Wrong Judgment Call, pero walang kasalanan daw si Pnoy
….sabi ni de Lima ng DOJ
Ni Apolinario Villalobos

Ano ba, ate Leila?...wrong ang judgment call ni Pnoy pero sasabihin mong walang kasalanan? Wrong na nga, pero walang kasalanan? Ano yon?....nahihilo na rin yata ang magaling na kalihim ng “Hustisya”.  Hindi ba dahil mali ang desisyon ni Pnoy, kaya nagkaroon ng masaker….kaya dapat lang sabihing siya ay may kasalanan? Magtiwala ba naman siya sa isang suspendidong tao na malabo pa sa tubig-pusali ang kredibilidad! ANG KASALANAN NI PNOY AY RESULTA NG KANYANG PAGKAKAMALI SA PAGGAWA NG DESISYON!.....ganoon lang kasimple ang analysis – dahil mali, may kasalanan. Hindi na kailangang maging abogado, mag-Masters, mag-Doctorate o magtapos sa kung anong mga unibersidad pa upang maisip ito. Ang desisyon ni Pnoy ay galing sa sarili niyang utak, hindi sa ibang tao, kaya hindi sana siya nagtuturo pa ng iisang tao, habang nag-aabsuwelto naman ng kanyang best friend.

Wala daw “chain of command” ang PNP sabi pa ni de Lima, dahil pang-military lang ito at ang PNP ay ahensiyang sibilyan. Ilang mga respetadong tao na ang nagsabi na ang chain of command ay kapareho lang ng “flow of responsibility” na malinaw na pinapakita ng isang organizational flow chart ng lahat ng mga ahensiya o kumpanya. Malinaw na kinausap ni Pnoy si Purisima at Napeῆas, prerogative man niya man ito na sinasabi ng iba, dapat ay panagutan niya (Pnoy) kung ano ang resulta. Bakit pinipilit ni de Lima na maging “literal”, makadulot lang siya ng kalituhan? Dapat tumigil na siya sa kanyang trying hard na approach upang magpakita ng “galing” kuno.

Ang dapat gawin ni de Lima ay payuhan si Pnoy na bigkasin naman nito nang malinaw ang pangalan ni Purisima na isa sa mga may kasalanan din, tuwing magbukas siya ng mga bibig upang magsalita tungkol sa Mamasapano masaker, hindi yong si Napeῆas na lang palagi. Hindi naman tanga ang mga Pilipino upang hindi maunawaan ang mga nangyari dahil sa dami ng mga katotohanang lumulutang, salamat sa media.

Ang mali ni de Lima ay ang panggatong niya sa isyu. Tumahimik na lang sana siya, pero atat yata sa media mileage, kaya halos hindi ina-analyze ang mga sinasabi. Pinipilit na nga ng mga Pilipinong kahit papaano ay unawain si Pnoy sa ugali nito na hindi marunong mag-sorry, nanggatong na naman siya kaya lumaki na naman ang naglalagablab na galit ng mga pilit nilang lokohing mga tao. Nagdrama pa ang Malakanyang upang maawa ang mga Pilipino kay Pnoy – may sakit daw ito….wow namang strategy yan – hindi nakuha sa panloloko ang mga Pilipino, kaya dinaan nila sa kurot sa puso!!!

0

Hindi daw Masaker ang Nangyari sa Mamasapano...sabi ni Rosales ng CHR



Hindi daw Masaker ang Nangyari sa Mamasapano
…sabi ni Rosales ng CHR
Ni Apolinario Villalobos

Paano kaya ginawa ng CHR ang kanilang imbestigasyon sa Mamasapano? Kahit kaylan talaga, ang ahensiyang ito ay palaging wala sa tono. Ang “mis-encounter” na pinagpipilitin ni Rosales ay hindi rin katanggap-tanggap dahil maaga pa lang ay alam na ng MILF na mga pulis ang kanilang kaputukan. Hindi itinigil ng MILF ang pagpapaputok kahit ang SAF ay tumigil na dahil akala nila ay kinilala na sila ng MILF. Nang lumabas ang mga pulis mula sa taniman ng mais na nakataas ang mga kamay, pinaputukan pa rin sila. Nang bumagsak na ang mga SAF commandos, tinaggalan sila ng bullet-proof vest at pinagbabaril pa rin. May isa pang video na naging viral sa internet na nagpakita ng pagbaril sa isang SAF sa ulo nito ng malapitan. Sa kabila ng mga nabanggit,  sinasabi sa report ng CHR na walang masaker na naganap!......ganyan ka-“galing” ang mga ahensiya ni Pnoy!

Sa trahedya na dulot ng bagyong Yolanda, walang ginawa si Rosales upang matulungan ang mga inaping biktima na hindi nakatikim ng tulong dahil sa kapabayaan ng mga ahensiya ng gobyerno. Hindi rin nito pinakialaman ang panloloko sa pagpapatayo ng rehabilitation facilities dahil sa paggamit ng sub-standard na mga materyales.  Ang mga pagpapabayang ito sa mga inaping Pilipino  ay hindi ba pagyurak sa kanilang karapatan? Bakit hindi man lang kumibo si Rosales at ang CHR niya? Dahil ba BFF niya si Soliman?

Sa Maguindanao massacre, ano ang ginawa ni Rosales? Naghuhumiyaw ang mga ebidensiya ng hindi makataong pagpatay sa mga taong inosente. Bakit hindi tumulong si Rosales sa pakikipaglaban para sa mga naulila ng mga biktima upang lalong bumigat ang kaso ng mga Ampatuan at mga kasabwat nila? Hindi ba niya naisip na kung kikilos siya, maaaring makahingi ng tulong sa international community o kasama nilang ahensiya sa ibang mga bansa upang ma-pressure ang gobyerno ng Pilipinas sa pagpabilis ng paglitis na sa ngayon ay usad-pagong? Takot ba siya sa mga Ampatuan?

Bakit hindi tutukan ni Rosales ang mga overstaying na mga nakakulong sa Bilibid at iba pang kulungan sa buong bansa, na karamihan ay matatanda, ang iba ay may malalang sakit at halos mamatay na? Lumutang na ang iba sa mga ito ay natalo sa kaso dahil walang pambayad sa abogado. Bakit hindi niya “linisin” ang record ng mga pasilidad na ito upang mabawasan ang laman ng mga kulungan upang lumuwag ang mga ito? Hindi ba makataong karapatan ng mga nakakulong ang magkaroon ng maayos na kulungan kung ang gamit ng correction facilities na ito ay mabago ang takbo ng kanilang buhay tungo sa kabutihan? Malilipatan ang Bilibid sa Nueva Ecija, pero paano ang ibang kulungan? Ayaw ba niyang mag-inspection sa mga kulungan dahil nandidiri siya?

Ano ba talaga ang papel ng CHR na ang ibig sabihin ay COMMISSION ON HUMAN RIGHTS? Hanggang ngayon ay marami ang hindi nakakaunawa kung ano ang kanilang pinaggagawa. May mga sitwasyon na dapat nilang pakialaman subalit hindi nila ginagawa dahil siguro maigsi lang ang media mileage. 
Ngayon, tatlo na ang mga babae sa administrasyon na friends ng MILF – sina Ferrer, Deles, at  Rosales. At kung questionable performance naman ang pag-usapan, apat na silang babae….. pang-apat si Soliman.

0

Noon pa man, sinabi ko nang Masaker ang nangyari sa Mamasapano...hindi incident o encounter

Posted on Tuesday, 17 March 2015



Noon pa man, sinabi ko nang Masaker
ang nangyari sa Mamasapano…hindi incident o encounter
Ni Apolinario Villalobos

Maliban sa hindi incident o encounter ang nangyari sa Mamasapano, kundi masaker, at ang 44 na SAF commandos ay hindi “fallen”, kundi “victims”. Sa salitang “fallen”, maaaring ipakahalugan itong hindi sinasadya, pero sa salitang “victims”, ito ay nangangahulugang sinadya.

Tungkol naman sa MILF, hindi binigyang pansin ang bali-balitang Malaysian citizen si Iqbal. Ano ang ginagawa ng isang banyaga sa pinag-uusapang isyu na may kinalaman sa soberinya ng Pilipinas? Ito ba ang dahilan kung bakit pinilit nila na dapat ay observer ang Malaysia sa usapan? Ano ang interes ng Malaysia sa Mindanao? Ang alam ng mga Pilipino ay may “kinalimutan” ang mga kinatawan ng gobyerno na sina Deles at Ferrer sa usapan – ang tungkol sa sa claim ng Pilipinas sa Sabah, na ayaw namang bitiwan ng Malaysia.

Tungkol naman sa Bangsamoro Basic Law, hindi mawawala ang lambong ng pagdududa dito, hangga’t hindi pinapalitan ang mga kinatawan ng Pilipinas sa negotiating panel na sina Deles at Ferrer, pati na ang Malaysia bilang observer.

At sa kaso naman ni Pnoy, mahihirapan na siyang makabangon sa kanyang matinding pagkalagapak dahil sa PRIDE!


0

Hilong-hili na ang mga taga-Malakanyang sa Pagdepensa sa Pangulo sa Paglabas ng BOI Report

Posted on Sunday, 15 March 2015



Hilong-hilo na ang mga taga- Malakanyang Sa Pagdepensa
sa Pangulo sa Paglabas ng Report ng BOI
ni Apolinario Villalobos

Sinasabi ko na ngang masisira na naman ang porma ng Malakanyang kung hindi aayon sa kanya ang report ng BOI. Kaya sa paglabas ng report ng Board of Inquiry (BOI) halos wala na sa ayos ang mga sinasabi ng Malakanyang sa kapipilit nilang depensahan ang pangulo na nadikdik ng nasabing report. Ang sabi ni Lacierda, hindi man lang nakosulta ang pangulo at wala naman daw “chain of command” sa PNP kaya hindi dapat gamiting batayan sa “paglabag” ng pangulo.

Una, hindi bingi ang taong bayan upang hindi marinig ang sabi ng BOI na hindi sila pinagbigyan ng Malakanyang sa kanilang hiling na makunan ng pahayag ang pangulo, subalit sila ay hindi pinagbigyan. Pati nga daw si Purisima ay hindi mahagilap. Pangalawa, sa isyu ng “chain of command”, mismong matataas na opisyal ng militar at mga opisyal ng gobyerno na ang “chain of command” na isang prinsipyo ay isa lamang sa mga tawag sa pagdaloy ng responsibilidad at kautusan. Kahit saang ahensiya pribado man o publiko ay meron nito. At, pangatlo, dinig na dinig ang pagyayabang ng Malakanyang sa pagsabi na hindi na daw kailangang bigyan ng kopya ng report ang pangulo…ito ay nang lumabas na ang report pero hindi pa naipahayag ang laman, kaya walang nakaalam. Subalit nang mabunyag ang laman ng report na nagdidikdik sa pangulo – pumalag ang Malakanyang. Pang-apat, mismong pangulo ang nagsabi sa isa niyang talumpati na ang report ng BOI ay walang kinikilingan.  Akala siguro nila ay papanigan ng BOI ang pangulo! Naputukan na naman ng bomba sa mukha ang mga taga-Malakanyang!

Naging literal na ang mga taga- Malakanyang sa kanilang mga pahayag na parang mga abogadong pulpol sa pagpaliwanag ng mga batas upang magpalusot ng mga kaso ng mga tiwaling tao na sa unang tingin pa lamang ay talunan na! Isa itong senyales ng pagka-desperado! Hanggang kaylan magsisinungaling ang mga taga- Malakanyang?...ang mga tauhan doon ng pangulo?....at ang pangulo mismo? Nagmumukha na siyang manika…walang damdamin, dilat ang mata habang nagsasalita! At ang sabi naman ng isang respetadong mambabatas na dati niyang kaalyado, ay para na lang siyang zombie ngayon! Naglalakad at nagsasalita nang wala sa sarili!

Ang mga ipinahayag ng BOI ay mga findings lamang, at kahit may mga rekomendasyon, ay walang conclusion. Subalit ang mga findings ay mga katotohanan….At sa palaging sinasabi ng pangulo na “the truth will set us free”, SIYA NA MISMO ANG NAGKANULO SA KANYANG SARILI …. TALAGANG TOTOONG UNTI-UNTI NANG NAKAKAALPAS SA TANIKALA NG PANLOLOKO NIYA ANG MGA PILIPINO DAHIL NAKIKITA NA ANG TUNAY NIYANG KULAY… ANG KULAY NG ISANG TAONG SINUNGALING!

0

Lalong Nilulubog ni Napenas ang Sarili sa Pagdududa dahil sa kanyang Pambobola at Paghuhugay-kamay

Posted on Monday, 9 February 2015



Lalong Nilulubog ni Napeῆas ang Sarili Sa Pagdududa
dahil sa kanyang Pambobola at Paghuhugas-kamay
ni Apolinario Villalobos

Gustong bilugin ni Napeῆas ang ulo ng mga Pilipino, sa pagsabi na “daan-daan” ang napatay ng SAF. Paano nilang nabilang ang mga nalagas na mga kalaban ganoong hilong talilong sila sa paghanap ng mapagkukublihan dahil sa ginawang ambush? At isa pa, halos pumuputok pa lang ang araw nang mga sandaling nagkaroon ng palitan ng putok! Ang galing naman nila dahil tuwing putok nila ay iniisip agad na may tinamaang kalaban. Ang gustong mangyari ni Napeῆas ay pahupain ang galit ng mga kapamilya at ibang miyembro ng SAF sa kanya, kaya panay ang puri niya sa mga lumusob na SAF sa Mamasapano, lalo na sa mga nasawing 44 at mga nasugatan. Pinapalabas niya na tagumpay ang operasyon subalit matindi ang kapalit na kamatayan nga ng 44 at pagkasugat ng marami pa. Maski hindi niya sabihin ito, talagang bayani ang turing ng mga Pilipino sa mga pinatay na 44 SAF commandos. Tumigil na nga siya!

Naghugas- kamay naman siya nang ituro ang sisi sa Armed Forces na hindi tumulong sa kanila. Ang tinuran ay tahasan namang itinanggi ng tagapagsalita ng Armed Forces. Malinaw na talagang may nagpapalakas ng loob sa kanya…sino ito o sinu-sino ang mga ito? Bandang huli, ang inaasahan niya o ng sinasandalan niya na tagumpay sa pagsisinungaling, pambobola at paghuhugas-kamay ay nag-boomerang kaya nagmukhang tanga si Napeῆas, gumaralgal ang boses sa pagpaliwanag. Kung may nagpaasa sa kanya na maski tanggalan siya ng pension kung mag-retire siya, maswerte siya dahil milyonaryo na rin naman ang backer niya.

Yan ang hirap sa gobyerno ng Pilipinas. Dahil hantaran ang ginagawang paghuhugas-kamay ng mga sangkot sa kaso at binibetsinan pa ng pambobola, akala ng iba pa sa kanila, sa lahat ng pagkakataon ay makakalusot sila.