Noon pa man, sinabi ko nang Masaker ang nangyari sa Mamasapano...hindi incident o encounter
Posted on Tuesday, 17 March 2015
Noon pa man, sinabi
ko nang Masaker
ang nangyari sa
Mamasapano…hindi incident o encounter
Ni Apolinario Villalobos
Maliban sa hindi incident o encounter ang nangyari sa
Mamasapano, kundi masaker, at ang 44 na SAF commandos ay hindi “fallen”, kundi
“victims”. Sa salitang “fallen”, maaaring ipakahalugan itong hindi sinasadya,
pero sa salitang “victims”, ito ay nangangahulugang sinadya.
Tungkol naman sa MILF, hindi binigyang pansin ang
bali-balitang Malaysian citizen si Iqbal. Ano ang ginagawa ng isang banyaga sa
pinag-uusapang isyu na may kinalaman sa soberinya ng Pilipinas? Ito ba ang
dahilan kung bakit pinilit nila na dapat ay observer ang Malaysia sa usapan?
Ano ang interes ng Malaysia sa Mindanao? Ang alam ng mga Pilipino ay may
“kinalimutan” ang mga kinatawan ng gobyerno na sina Deles at Ferrer sa usapan –
ang tungkol sa sa claim ng Pilipinas sa Sabah, na ayaw namang bitiwan ng
Malaysia.
Tungkol naman sa Bangsamoro Basic Law, hindi mawawala ang
lambong ng pagdududa dito, hangga’t hindi pinapalitan ang mga kinatawan ng
Pilipinas sa negotiating panel na sina Deles at Ferrer, pati na ang Malaysia
bilang observer.
At sa kaso naman ni Pnoy, mahihirapan na siyang makabangon
sa kanyang matinding pagkalagapak dahil sa PRIDE!
Discussion