0

Binola Daw Siya ni Napena...sabi ni Pnoy....owww, talaga?

Posted on Monday, 9 March 2015



Binola Daw Siya ni Napeas…sabi ni Pnoy
…owww, talaga?
Ni Apolinario Villalobos

Ang isang libro ay may “preface” o “introduction”, ito ang nagpapaliwanag sa pinakamaiksing paraan kung ano ang aasahan ng mambabasa. Sa libro ng kuwento tungkol sa Mamasapano massacre ay mayroon din – ang talumpati o “paliwanag” ni Pnoy sa “prayer meeting” sa Malakanyang kahapon, March 9, 2015. Sa kanyang talumpati ay lalo niyang idiniin si Napeas na siyang may kasalanan, kaya kahit hindi niya diretsong binanggit, parang inabsuwelto na niya si Purisima na nakialam kahit suspendido. Sa naunang blog ko tungkol sa isyung ito binanggit ko na upang malubos ang paghuhugas-kamay niya sa pagbitaw kay Purisima, dapat idiin niyang lalo si Napeas, na dapat ay lumabas na ultimate na may kasalanan ng lahat….na ginawa na nga niya sa “prayer meeting”.

Maaaring ang “prayer meeting” sa Malakanyang na ang magbibigay “linaw” kung bakit na-delay ng tatlong beses ang report ng Board of Inquiry (BOI). Sa pinakahuling pangako ng Board na may tunog paniniguro ay sa Lunes o kahapon, March 9, 2015, na nila isa-submit ang report na gagawing isa sa pagbabatayan ng conclusion ng mga hearing ng Senado at pagsisimula na naman ng hearing ng Congress, subalit hindi nangyari at humingi uli ang BOI ng matagal na palugit. Inamin ng BOI na mga “facts” lamang ang kanilang ire-report. Ibig sabihin ay isa-“summarize” lamang nito ang mga resulta ng kanilang mga inquiries…walang analysis upang makagawa sila ng conclusion. Kung ganoon lang pala ang mangyayari, bakit  natatagalan ang BOI sa pagsumite?

Hindi maiwasan ang speculation na dinodoktor ng Malakanyang ang mga “facts” upang mapalabas na walang kasalanan si Pnoy, kaya ito (Malakanyang) ang sinasabi ngayon  na  nasa likod ng pagka-delay ng pagsumite ng BOI summary. At, upang hindi mabigla ang taong bayan, nag-organize ang Malakanyang ng “prayer meeting” na magsisilbing “venue” ni Pnoy kung saan ay ilalahad niya ang lahat ng nalalaman niya – kuno. Kaya maituturing na talumpati niya ang magsisilbing “introduction” o “preface” ng BOI summary. Lumabas man ang “summary” report ng BOI,  tanggal na ang mga “facts” na mag-uugnay kay Pnoy. Dapat kasing tumugma ang BOI “summary” sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting” kaya dapat mauna ito kaysa BOI summary. Dahil sa nangyari, asahan nang sisentro ang BOI summary sa paninisi kay Napeas …na dasal ng mga taga-Malakanyang ay mag-aabsuwelto kay Pnoy at kay Purisima!

Subalit nakalimutan yata ng Malakanyang ang tungkol sa unang recorded investigation na ginawa kay Napeas ng mga representatives ng PNP, AFP at ni Roxas. Ginawan ito ng report ng ABS-CBN, at doon ay ibang-iba ang mga sinabi ni Napeas sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting”. Ibig sabihin ay naunahan ni Napeas si Pnoy sa paglahad ng “katotohanan” sa likod ng Mamasapano massacre. Kaya hindi dapat umasa si Pnoy na 100% siyang paniniwalaan ng taong bayan. Ang isa pa, makailang beses nang nagsinungaling si Pnoy at mahilig maghugas ng kamay, kaya sa pagkakataong ito, paniniwalaan pa kaya siya ng taong bayan?

Kawawa si Pnoy dahil para siyang nakatayo sa kumunoy at ang mga salita niya ang nagbibigay ng bigat sa kanya, kaya habang nagsasalita siya tungkol sa kahit anong bagay ay lalo lamang siyang lumulubog. Baka, bago sumapit ang 2016, ay sisinghap-singhap na siya!
Maganda sana kung lumapit din si Napeas sa mga kamag-anak ni Pnoy upang humingi ng tulong…o di kaya ay sa asawa ni Clooney na isang international human rights lawyer, tulad ng ginawa ni Gloria Arroyo….wild suggestion lang ito. Ang dapat gawin ni Pnoy ngayon ay huwag niyang isama sa mga paninisi niya ang asawa ni George Clooney na international human rights lawyer, tuwing sisihin niya si Gloria Arroyo. Malay natin, baka after 2016, humingi din ng tulong si Pnoy kay Mrs. Clooney, at kung bakit, hindi ko na babanggitin…wild speculation lang din ito!


Discussion

Leave a response