Showing posts with label Allan Purisima. Show all posts

0

Unawain na lang ang Ugali ni Pnoy, hindi man natin ito gusto....pero dapat siyang managot, pagbaba niya sa puwesto

Posted on Monday, 23 March 2015



Unawain na lang  ang Ugali ni Pnoy, hindi man natin ito gusto
…pero dapat  handa siyang managot pagbaba niya sa puwesto
Ni Apolinario Villalobos

May punto ang isang propesora ng UP na ininterbyu sa pagsabi na huwag pilitin ang pangulo kung ayaw niyang humingi ng tawad dahil sa kapalpakan ng operasyon sa Mamasapano na naging sanhi ng kamatayan ng 44 SAF commandos, at ilang sibilyang lokal na naipit sa palitan ng putok.

Paulit-ulit na pinalulutang ang mga mali ng pangulo, tulad ng: pagbigay ng pahintulot sa suspendidong hepe ng PNP na si Purisima na makialam sa operasyon; pag-etsa puwera kay Roxas na hepe ng DILG at sa OIC ng PNP sa mga huling pakikipag-usap niya kay Purisima at Napeas; at ang hindi pagbigay ng karampatang halaga o urgency sa operasyon, kaya hindi niya na-monitor at naging dahilan upang hindi siya makapagbigay ng mas malinaw na desisyon nang maipit na sa Mamasapano ang mga SAF commandos. Sa kabila ng lahat, walang epek sa pangulo ang nangyaring trahedya, kaya ang pinaka-simpleng “I am sorry” ay hindi man lang niya nasambit.

Sa isang talumpati, umasta siyang “ama” na nawalan daw ng mga “anak”….hanggang doon na lang. Ang tinutukoy niya ay ang pagkamatay ng mga SAF commandos. Subalit ang magpakita na siya’y kinokonsiyensiya kaya dapat siyang himingi siya ng pasensiya, ay hindi man lang pumasok sa kanyang isipan.

Ang tingin ngayon ng mga Pilipino sa pangulo ay isang sinungaling. Ang masaklap sa ginagawa niyang pagtatakip sa kasalanan gamit ang kasinungalingan ay lumalala habang naglalabas siya ng mga saloobin na nakaangkla pa rin sa kasinungalingan. Sa halip na mabawasan ang mga kasinungalingan ay lalo pang nanganganak ang mga ito, hanggang sa umabot sa puntong wala nang makitang paraan upang siya ay makabawi, DAHIL SA PAGKAPATONG-PATONG NA NG MGA KASINUNGALINGAN.

Paano niyang i-deny ang mga na-rekord na niyang mga nakaraang talumpati na salungat sa mga kasalukuyan niyang sinasabi? Tulad na lamang ng may lakas-loob niyang pagsabi na ang BOI report ang magbibigay ng linaw sa kaso ng Mamasapano kaya ni hindi na niya kailangan pang bigyan ng kopya nito. Ni hindi siya nagpaunlak ng interbyu at bandang huli, dahil sa ugali niyang paninisi, pati si Roxas ay sinisi, at hindi daw nagparating ng imbitasyon ng BOI sa kanya para sa isang interbyu, ganoong maaari naman talaga siyang magkusa. Ang malinaw ay nag-presume siya na magiging kuntento na ang BOI sa pag-pick up ng mga impormasyon mula sa kanyang mga talumpati. Subalit nang lumabas ang resulta na nagdidiin sa kanya, nataranta yata kaya pinatawag ang BOI sa Malakanyang! Nang mabisto ng media ang miting niya sa BOI at pinasabog ito, napahiya yata kaya, buong “katapangan” na nagsabi ang Malakanyang na hindi nila babaguhin ang BOI report…dapat lang dahil bago nakarating sa kanila ang isang kopya, may nabigyan nang mga ibang tao!

Pwede nang tanggapin ang sinasabi ng Malakanyang na may prerogative si Pnoy o may karapatan sa paraan ng pagbigay ng kautusan na maaaring sumira ng umiiral na “chain of command”, PERO DAPAT IHANDA NIYA ANG SARILI NIYA SA RESULTA AT TANGGAPIN KUNG ITO AY PALPAK KAHIT PA MAY PANANAGUTAN DIN ANG KANYANG INUTUSAN…KAYA, PAREHO SILANG DAPAT MANAGOT…LALO NA SIYA BILANG TAONG NAGBIGAY NG UTOS!

Hindi makakawala sa pananagutan ang pangulo sa kanyang pananagutan dahil sa trahedyang nangyari sa Mamasapano. Hindi siya maaaring maghugas- kamay, dahil kaakibat ng responsibilidad niya bilang lider ang tumanggap ng sisi sa mga bagay na may direkta siyang kinalaman dahil sa prinsipyo ng “command responsibility”.

Ang hinihintay ng maraming Pilipino ay ang pagbato ni Pnoy ng paninisi kay Gloria Arroyo dahil sa nangyaring trahedya sa Mamasapano! Isang classic na kwento yan kung sakali na only in the Philippines mangyayari! Dapat mag-ingat si Pnoy dahil baka mag-krus pa ang kanilang landas pagbaba niya sa puwesto, kung hindi matuloy ang nilalakad na pagpa-confine ni Gloria Arroyo sa kanilang bahay dahil sa lumalala niyang kalagayan.

0

Bakit sa Bakuran ng Malakanyang Nagpahayag si Pnoy ng "katotohanan" tungkol sa Mamasapano massacre? ....at bakit huli na?

Posted on Tuesday, 10 March 2015



Bakit sa Bakuran ng Malakanyang Nagpahayag si Pnoy ng “katotohanan”
tungkol sa Mamasapano massacre?...at bakit huli na?
ni Apolinario Villalobos

Ang sinisisi ngayon ng taong bayan sa mga nangyayari kay Pnoy ay ang kanyang mga walang binatbat daw na mga tagapayo. Kung hindi kasi ampaw ang kanyang mga sinasabi ay palaging huli na tulad ng talumpati niya sa “prayer meeting” sa bakuran ng Malakanyang noong March 9, 2015. Sa unang putok ng eskandalo ng Mamasapano massacre, inamin niya ang responsibilidad at hindi niya dinamay si Purisima, habang si Napeas naman ay abut-abot ang pag-emote sa pag-amin din ng responsibilidad. Ito ay kahit na ang mga pahayag niya (Napeas) sa isang imbestigasyon ay nagtuturo din kay Purisima bilang sangkot dahil sa pakikialam kahit na suspendido. Pagkatapos ng pag-amin ng presidente, ay wala na siyang sinabi pa kaya nabitin ang mga Pilipino dahil hindi siya nagpaliwanag nang maayos o sa malinaw na paraan. Payo kaya ng  mga “adviser” niya?

Nang lumutang ang posibilidad na maaaring madagdag sa kaso niyang illegal na paggamit ng DAP ang isyu sa “command responsibility” niya sa Mamasapano massacre ay tila nagpahapyaw na ito ng pagbago sa kanyang binitiwang pag-amin, hanggang humantong sa pagbitaw niya kay Purisima na itinuro niyang may kasalanan tulad ni Napeas. Malamang ay nabahala na siya dahil baka matulad siya kay Gloria Arroyo. At sa pinakahuling drama niya sa Malakanyang nang mag-organize ang mga tauhan niya ng “prayer meeting”, lalong naging 360 degrees ang kanyang pag-ikot, dahil direkta na niyang sinabi na wala talaga siyang kasalanan at ang itinuturo na lang ay si Napeas na nanloko pa sa kanya…si Purisima naman ay nabura sa kanyang talumpati dahil hindi nabanggit na may kasalanan din! Mistulang inabsuwelto niya ito…sinadya kaya ng script writer niya?

Ang mga umatend ng “prayer meeting” ay napakaraming pastor ng iba’t ibang born-again Christian movements at mga sektang Protestante…wala ni isa mang Katolikong pari. Kaya siguro malakas ang loob ng presidenteng magsabi ng “katotohanan” dahil ang turing niya sa mga umatend ay mga kakampi niya. Ang ibang pari kasi na Katoliko ay bumabatikos sa kanya at nagpapababa pa nga sa kanya sa puwesto!

Dapat ay umatend ang Obispo ng mga Katoliko na si Tagle dahil bilib naman siya sa presidente, at nakadagdag sana siya sa bilang ng mga kakampi nito. Ang talumpati niya ay halatang itinayming upang magamit na batayan sa ginagawang “summary of facts” ng Board of Inquiries” (BOI) ng PNP. Malamang huli na nang pumasok itong ideya sa utak ng kanyang mga “advisers” kaya tatlong beses na-postpone ang pag-submit ng report ng BOI. Subalit saan mang anggulo titingnan ang strategy ng Malakanyang ay dispalinghado naman dahil mas naunang nagsabi ng “katotohanan” si Napeas sa harap nina Mar Roxas, mga opisyal ng PNP at military. Akala siguro ng “advisers” ni Pnoy ay bright na sila at mailulusot na nila ito!

May script kaya ang okasyon? Kung meron man, may isang pastor na hindi siguro nabigyan ng kopya dahil nagtanong pa ito tungkol sa love life ng presidente na sa pagkakaalam ng mga Pilipino ay isa sa pinakaiiwasang topic.  Kaya ang mga reporters sa Malakanyang ay bawal yatang magbanggit sa kanya ng nabanggit na dalawang bad words. Sana, nagtanong na lang ang pastor ng tungkol kay Gloria Arroyo at siguradong aabutin ng takipsilim ang sasabihin pa ng presidente….magiging masaya ang okasyon dahil aabutin na ng hapunan!...Sayang!

Sinabi ng pangulo hindi na mauulit ang “panloloko” sa kanya ni Napeas. Bakit? Si Napeas lang ba, kung totoo man ito? Bakit hindi niya buksan ang kanyang mga mata upang makita niya kung anong uri ng mga tao ang  nakapaligid sa kanya na patuloy na nagdidiin sa kanya upang lalo pa siyang lumubog? Siguro dapat kurutin din niya ang kanyang sarili upang siya ay magising…

0

Binola Daw Siya ni Napena...sabi ni Pnoy....owww, talaga?

Posted on Monday, 9 March 2015



Binola Daw Siya ni Napeas…sabi ni Pnoy
…owww, talaga?
Ni Apolinario Villalobos

Ang isang libro ay may “preface” o “introduction”, ito ang nagpapaliwanag sa pinakamaiksing paraan kung ano ang aasahan ng mambabasa. Sa libro ng kuwento tungkol sa Mamasapano massacre ay mayroon din – ang talumpati o “paliwanag” ni Pnoy sa “prayer meeting” sa Malakanyang kahapon, March 9, 2015. Sa kanyang talumpati ay lalo niyang idiniin si Napeas na siyang may kasalanan, kaya kahit hindi niya diretsong binanggit, parang inabsuwelto na niya si Purisima na nakialam kahit suspendido. Sa naunang blog ko tungkol sa isyung ito binanggit ko na upang malubos ang paghuhugas-kamay niya sa pagbitaw kay Purisima, dapat idiin niyang lalo si Napeas, na dapat ay lumabas na ultimate na may kasalanan ng lahat….na ginawa na nga niya sa “prayer meeting”.

Maaaring ang “prayer meeting” sa Malakanyang na ang magbibigay “linaw” kung bakit na-delay ng tatlong beses ang report ng Board of Inquiry (BOI). Sa pinakahuling pangako ng Board na may tunog paniniguro ay sa Lunes o kahapon, March 9, 2015, na nila isa-submit ang report na gagawing isa sa pagbabatayan ng conclusion ng mga hearing ng Senado at pagsisimula na naman ng hearing ng Congress, subalit hindi nangyari at humingi uli ang BOI ng matagal na palugit. Inamin ng BOI na mga “facts” lamang ang kanilang ire-report. Ibig sabihin ay isa-“summarize” lamang nito ang mga resulta ng kanilang mga inquiries…walang analysis upang makagawa sila ng conclusion. Kung ganoon lang pala ang mangyayari, bakit  natatagalan ang BOI sa pagsumite?

Hindi maiwasan ang speculation na dinodoktor ng Malakanyang ang mga “facts” upang mapalabas na walang kasalanan si Pnoy, kaya ito (Malakanyang) ang sinasabi ngayon  na  nasa likod ng pagka-delay ng pagsumite ng BOI summary. At, upang hindi mabigla ang taong bayan, nag-organize ang Malakanyang ng “prayer meeting” na magsisilbing “venue” ni Pnoy kung saan ay ilalahad niya ang lahat ng nalalaman niya – kuno. Kaya maituturing na talumpati niya ang magsisilbing “introduction” o “preface” ng BOI summary. Lumabas man ang “summary” report ng BOI,  tanggal na ang mga “facts” na mag-uugnay kay Pnoy. Dapat kasing tumugma ang BOI “summary” sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting” kaya dapat mauna ito kaysa BOI summary. Dahil sa nangyari, asahan nang sisentro ang BOI summary sa paninisi kay Napeas …na dasal ng mga taga-Malakanyang ay mag-aabsuwelto kay Pnoy at kay Purisima!

Subalit nakalimutan yata ng Malakanyang ang tungkol sa unang recorded investigation na ginawa kay Napeas ng mga representatives ng PNP, AFP at ni Roxas. Ginawan ito ng report ng ABS-CBN, at doon ay ibang-iba ang mga sinabi ni Napeas sa mga sinabi ni Pnoy sa “prayer meeting”. Ibig sabihin ay naunahan ni Napeas si Pnoy sa paglahad ng “katotohanan” sa likod ng Mamasapano massacre. Kaya hindi dapat umasa si Pnoy na 100% siyang paniniwalaan ng taong bayan. Ang isa pa, makailang beses nang nagsinungaling si Pnoy at mahilig maghugas ng kamay, kaya sa pagkakataong ito, paniniwalaan pa kaya siya ng taong bayan?

Kawawa si Pnoy dahil para siyang nakatayo sa kumunoy at ang mga salita niya ang nagbibigay ng bigat sa kanya, kaya habang nagsasalita siya tungkol sa kahit anong bagay ay lalo lamang siyang lumulubog. Baka, bago sumapit ang 2016, ay sisinghap-singhap na siya!
Maganda sana kung lumapit din si Napeas sa mga kamag-anak ni Pnoy upang humingi ng tulong…o di kaya ay sa asawa ni Clooney na isang international human rights lawyer, tulad ng ginawa ni Gloria Arroyo….wild suggestion lang ito. Ang dapat gawin ni Pnoy ngayon ay huwag niyang isama sa mga paninisi niya ang asawa ni George Clooney na international human rights lawyer, tuwing sisihin niya si Gloria Arroyo. Malay natin, baka after 2016, humingi din ng tulong si Pnoy kay Mrs. Clooney, at kung bakit, hindi ko na babanggitin…wild speculation lang din ito!


0

Leeg Mo, o Leeg Ko...Leeg mo na lang!!! (nang bitawan ni Pnoy si Purisima)

Posted on Tuesday, 3 March 2015



Leeg Mo, o Leeg Ko
…Leeg mo na lang!!!!
ni Apolinario Villalobos

Nasaan ngayon ang “tapang” ng Presidente ng Pilipinas? Akala ng marami ay ayaw niyang bitawan ang BFF niyang si Purisima, subalit ngayon ay tone-toneladang sisi ang ibinabagsak niya dito dahil sa kapalpakang nangyari sa Mamasapano na nagresulta sa pagkamasaker ng 44 na SAF commandos. Ginamitan niya ng teknikalidad si Purisima dahil nakialam daw ito maski suspendido. Alam na ng lahat iyan. Dapat maging original naman sila sa Malakanyang. Sino ba ang nagpatawag kay Purisima sa Malakanyang? Sino ba ang nagbigay dito ng lakas ng loob upang sabihan nito si Napeas ng “ako na ang bahala sa dalawa” na ang tinutukoy ay ang OIC ng PNP at namumuno ng AFP? Bakit ngayon lang nagsalita si Pnoy tungkol dito?

Nagteknikalidad na rin lang sila sa Malakanyang, sana ay nilubos na nila upang kung kulang pa ang paghugas-kamay ni Pnoy laban kay Purisima ay maituturo rin si Napeas na may sala dahil “sumunod” ito sa “payo” ng isang suspendidong opisyal, kahit hepe pa niya. Puwede pa siguro nilang ihabol sa isang presscon.

Ang nakakahiya ay “kinain” ni Pnoy ang buong tapang niyang pag-ako ng responsibilidad sa nangyari sa Mamasapano, nang magsalita ito sa isang interbyu. Dahil sa ginawa niyang paghuhugas-kamay, lalong nakulapulan ng kahihiyan ang pangalan ng kanilang pamilya. Kaya pati tuloy mga kilalang kamag-anak ay ikinahihiya siya. Kulang ang salitang “nakakahiya” upang i-describe ang ginawa ni Pnoy. Ang dapat na salita ay “nakakamatay-sarili” (bagong salita ko yan na ginawa ko, regalo ko kay Pnoy).

Ngayon, saan ang pinagmamalaki naman ni Purisima na “friendship” nila ng Presidente, na kapalit ng pagligtas “daw” niya dito sa isang kapahamakan? Sino ngayon ang naiwang nakanganga at nakatunganga? Hindi na bago ang katotohanang, sa mundo ng showbiz at pulitika ay walang permanenteng kaibigan…at dapat ay alam ito ng lahat na sumasawsaw sa pulitika. Hindi na pakitang-tao o drama ang ginawang pagbitaw ni Pnoy kay Purisima kaya dapat ay matauhan na siya o maudlot at gumising mula sa isang mala-fairy tale na panaginip!

Kung noon pa man sanang hindi pa malala ang mga pagpuna kay Purisima, subalit marami na ang nanawagan sa kanyang pagbitaw at sinunod naman niya, ngayon sana ay sitting pretty na lang siya sa mansion niya sa Nueva Ecija. Talagang mahirap dumikit sa dingding na ampaw dahil mabubutas ito at ang dumidikit ay lulusot!

May pag-asa pa naman yata si Purisima. Labanan din niya ng teknikalidad ang ginawa sa kanya ni Pnoy. Mas marami pang kakampi sa kanya kung gagawin niya ito dahil marami na ang galit sa Presidente at kahit saang anggulo titingnan ay talagang hindi pwedeng balewalain ang “command responsibility” sa mga nangyaring pakikipag-ugnayan niya dito na humantong sa Mamasapano massacre. Subalit….yan ay kung matapang si Purisima! Paano kaya kung lumapit si Purisima sa mga kilalang kamag-anak ni Pnoy at hingan ang mga ito ng tulong?...tanong lang ito, ganyan naman kasi ang kalakaran ng pulitika sa Pilipinas - baligtaran….nakakasuka!!!

0

Naunsiyaming "Pamana" sana...sumabog na parang bomba sa mukha!

Posted on Sunday, 15 February 2015



Naunsiyaming “Pamana” sana
…sumabog na parang bomba sa mukha!
Ni Apolinario Villalobos

Abut-abot ang gab ng presidente. Sa mata ng mga Pilipino ay wala siyang ginawang tama mula pa noong unang araw na pag-upo niya….puro wakal siya….puro dada ng mga talumpating puno ng mga salitang mabalarila. At, dahil pababa na siya sa puwesto, animo ay nag-aapurang magkaroon ng ipapamana niya sa sambayanan. Ang inakala niyang pag-asa na magpapabango ng pangalan niya pati sa mga kaibigan niyang Amerikano ay ang pagkahuli sana ng mga teroristang internasyonal na nagtuturo pa ng paggawa ng bomba na ang ginawang balwarte ay Pilipinas – sa Mindanao. Dahil sa Mamasapano massacre, siya ito ngayon ang parang nasabugan ng bomba sa mukha kaya hanggang ngayon ay walang masabi, tulala pa rin – animo ay asong bahag ang buntot na nakasiksik sa sulok. Kahit hindi pa kasi tapos ang imbestigasyon, malalakas ang mga insidenteng nagtuturo sa kanya bilang promotor ng lahat.

Hindi makakalimutan ng mga Pilipino ang hindi niya pagsalubong sa mga bangkay ng mga bayaning SAF44 na ang ipinalit niya dahil sa pananaw niya ay higit na mahalaga ay ang pagdalo sa pasinaya ng isang pagawaan ng sasakyan. Hindi rin makakalimutan ang pagdating niya ng late sa necrological service para sa mga namatay. Talagang para sa kanya ang mga namatay sa Mamasapano ay walang halaga!

Tulad ni Gloria Arroyo, gumagamit din siya ng mga heneral upang maging panakip-butas…upang hindi umalingasaw ang baho ng bulilyasong nangyari. Ang aga niyang pumuwesto sa Zamboanga, malapit sa pinangyarihan ng massacre sa pag-aakalang “in the bag” na ang mga target na terorista. Sana, sana, sana…kung walang bulilyaso, ilang minuto lang ay puwede siyang lumipad sa Gensan, subalit ang nangyari, daliri ni Marwan ang dinala doon upang i-turn over sa FBI!

Habang kampante sa eroplanong sinakyan pabalik sa Maynila, sa Mamasapano ay naiwan ang mga bangkay ng mga SAF commandos at mga sibilyan na nadamay. Namatay nga ang isa sa mga target na terorista, si Marwan, nakatakas naman si Usman, at ang kapalit ng lahat ay buhay ng 44 na SAF commandos, pagkasugat ng marami pa nilang kasamahan, kamatayan din ng mga sibilyan sa Mamasapano na nadamay sa bakbakan, at pagkasira ng mga pananim na pangkabuhayan ng mga kawawang magsasaka na ngayon ay nakanganga sa nakaambang gutom.

Sa pinakahuling balita, ang pinangakong tulong ng gobyerno sa mga namatayang pamilya ng mga bayaning SAF44 commandos ay hindi pa dumadating. Sinabi ng isang kapamilya ng namatay na ang tanging natatanggap nilang tulong ay galing sa mga naawang nakiramay na mga tao.

Sa pagbaba ni Noynoy Aquino, hindi lang niya babaunin ang mga pagbatikos ng taong bayan, kundi pati na rin ang didikit na parang pagkit sa pagkatao niyang pantukoy na siya ang sumira sa pangalan ng kanilang angkan….at habang buhay na maitatala  ang mga ito sa kasaysayan ng Pilipinas!