Showing posts with label betrayal. Show all posts

0

Ang Addiction, Harakiri, at Dangal

Posted on Thursday, 11 February 2016

Ang Addiction,  Harakiri, at Dangal
Ni Apolinario Villalobos

Ang addiction ay hindi limitado lang sa alak, sigarilyo at droga. Sa Pilipinas, may mga maidadagdag pa sa listahan: addiction sa pera, addiction sa pagsinungaling, at addiction sa cellphone.

Ang mga sintomas ng addiction sa pera ay ang hindi makontrol na paggalaw ng mga hinlalaki (thumb) at hintuturo (thumb) sa pagkiskisan na animo ay nagbibilang ng pera, pagkataranta kapag nakarinig na kalansing ng baryang nahulog, panlalaki ng mga mata kapag pinag-uusapan ang pera, at madalas na pagkadulas sa pagsabi ng “how much are you”, sa halip na “how are you”. Talamak itong sakit sa Kongreso at Senado at iba pang mga ahensiya ng gobyerno na palaging may project (na pinagkikitaan).

Ang mga sintomas naman ng addiction sa pagsisinungaling ay ang hindi nawawalang ngiti sa mga labi upang ipakita sa iba na malinis ang kanyang budhi at isip, pagsambit ng pangalan ng Diyos na idinudugtong sa mga pangako, pagbanggit ng kidlat, kulog, malusaw, mamatay, at iba pang kahindik-hindik na mga salita upang idiin ang katotohanan kuno ng mga sinabi niya at yong iba ay binebetsinan pa ng “peks man” at “cross my heart”, at ang pinakamalinaw na palatandaan ay ang walang kabuhay-buhay at hindi kumukurap na mga matang nandidilat habang nagsasalita sa harap ng camera dahil nag-aalala na baka madulas ang kanyang dila.

At, ang addiction naman sa cellphone ay may mga sintomas na paggalaw-galaw ng hinlalaki na animo ay may pinipindot. Napapansin din ang hindi mapalagay na pagkilos ng addict kapag ang katabi ay may kausap sa cellphone dahil parang may nag-uutos sa kanyang agawin ang cellphone upang siya naman ang makipag-usap. Napapakislot din itong uri ng addict kapag may naririnig na tunog ng cellphone, na sinasabayan pa ng pagdidila ng mga labi na para bang natatakam sa pagkain. At sa isang tahanan, malalaman kung may mga addict sa cellphone kapag may nagbabangayan na maririnig hanggang kalye dahil sa pagwawala ng mga anak na gustong magkaroon ng mga bagong cellphone.

Kung dangal naman ang pag-uusapan, matindi ang mga Hapon sa pag-alaga nito. Nagpapakamatay sila kapag nadungisan ang kanilang dangal. Yong mga nasa gobyerno ng Japan, na nabigla o hindi sinasadyang nakagawa ng masama ay nagpapatiwakal agad kahit hindi pa nasisimulan ang imbestigasyon.


Kung sa Pilipinas mangyayari ang pagpapatiwalak o pagharakiri ng mga nagkasalang government officials, siguradong walang matitira….mula sa pinakamataas na puwesto hanggang sa ibaba. Pero hindi nangyayari, dahil sinanay ang mga Pilipino ng mga prayle o Spanish friars noong panahon ng mga Kastila sa paniniwalang kahit sangkaterba ang kasalanan, lusaw ang mga ito sa paulit-ulit na pagdasal ng Our Father, Hail Mary, at I Believe in God,  na ipinapataw sa nagkumpisal. Kaya ngayon, tingnan ninyong mabuti kung sino ang mga mahilig gumawa ng mga kasalanan na nakaluklok sa kawawang gobyerno ng Pilipinas!...hindi ba silang mga nananalig sa kumpisal?...dahil pagkatapos ng mga penance ay gagawa uli sila ng mga kasalanan!

0

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas

Posted on Thursday, 28 January 2016

Ang Mga Laglagan sa Pilipinas
Ni Apolinario Villalobos

Ilang buwan pa lang ang nakararaan, laglag-bala ang mainit na isyu. Ang mahigpit na pag-kontrol sa mga airport upang maiwasan ang pagpuslit ng mga deadly ammunition ay okey na sana subalit nasilipan ng butas ng ilang tiwali sa airport dahil sa paniniwala ng mga Pilipino sa bala bilang agimat. Dahil sa katiwalian na iyan, maraming tanga at may matigas na ulong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa ibang bansa dahil napigilan sa pagsakay sa eroplano dahil lamang sa iisang balang nakita sa kanilang bagahe. Maraming tangang Pilipino ang umaming nagdadala talaga ng bala sa abroad upang pananggalang daw nila laban sa pag-aabuso ng employer. May mga natanggal na ring mga inspector ng bagahe dahil kahit obvious na talagang walang laman ang bala dahil ang tinuturing na agimat lang talaga ay ang tansong basyo, pinagpipilitan pa rin na “deadly ammunition” daw ito. Bakit nga naman nila palalampasin ang pagkakataon ganoong, ang “pakiusapan” ay may presyong mula 2 thousand hanggang 8 thousand pesos???!!!

Sa pinakapangit na airport pa rin sa buong mundo, ayon sa survey – ang Manila International Airport Terminal 3, laglag-kisame naman ang isyu. May nasugatan, banyagang turista pa, mabuti na lang at hindi nasaktan ang kanyang asawang Pilipina at anak. Nag-apologize ang manager ng airport subalit hindi pa rin ito sapat. Bago nangyari ang paglaglag ng kisame sa coffee shop, ay nagkaroon na rin ng laglagan bago pa man binuksan para sa operasyon ang Terminal 3, at nang nag-ooperate na, nagkalaglagan pa rin ng dalawang beses. Ibig sabihin, ang diperensiya ay ang mahinang “original” na kisame o suporta nito, kaya siguradong ang bagong kisameng ikakabit ay madadamay. “It’s more fun in the Philippines” pa rin kaya ang sasabihin ng pinakahuling nasaktan na turista?

Nilaglag ni Aquino si Purisima kung kaylan sobra na ang alingasaw ng amoy ng “teamwork” nila. Nilaglag din ng administrasyon si Vitangcol ang sinasabing palpak at nangurakot sa mga deals at management ng MRT, pero under investigation, as usual, at pinagduduhan pa . Latest kay Vitangcol: humihingi ng tulong sa PAO para bigyan ng libreng abogado! Ang kakapalan nga naman ng mukha kung umiral! Yan ang problema sa mga tauhan ni Pnoy, ginagawang tanga ang mga Pilipino….gusto ba namang magkaroon ng abogadong ang nagpapasuweldo ay taong bayan na sinasabing niloko niya! Walang delikadesa!


May mga laglagan na rin sa pulitika bago sumapit ang election 2016. Nilaglag ni Pnoy Aquino si Mar Roxas nang i-veto niya ang batas para sa dagdag na 2 libo sa pension ng mg SSS retirees. Sa mga hindi nakakahalata, binago ni Roxas ang kanyang political ad dahil sinimplehan lang, walang music background, at ang dialogue tungkol sa tuwid na daan ay dinugtungan niya ng “pupunuan ko kung may kakulangan, iwawasto ang mali, at hindi ako nagnakaw….”. Malinaw na patutsada kay Pnoy na mula’t sapul ay walang bilib sa kanya. Nilaglag din daw ni Escudero si Grace Poe subalit deny to death naman siya sa isang interview…pero truthful ba siya? 

0

The Heavy Pollution in China should Warn Third- World Countries

Posted on Sunday, 27 December 2015

The Heavy Pollution in China
Should Warn Third -World Countries
By Apolinario Villalobos

Manufacturing countries that clandestinely hate China have successfully inflicted a “slow death” on the awakened dragon of Asia. They have simply transferred the production aspect of their business in China because of her cheap labor and with it, the byproduct of high technology – the deadly pollution! They have been awfully successful, no question about that!

China today, is practically crawling due to the effect of heavy pollution while countries that own brands manufactured in China are basking under smog-free atmosphere. Every day, internet news carries warnings of the Chinese government to its citizens about the heavy pollution and photos are those of the Chinese citizens with face or surgical mask to lessen their inhalation of the dirty air. An enterprising European country is reportedly exporting fresh bottled air to China.

The phenomenon in China should serve as a warning to the third-world countries that are blinded by the prospect of living in comfort through high technology. China has practically flooded the world with products made in her homeland. Despite such show of opulence, she is far from being satisfied as her expansionistic desire is slowly creeping towards the rest of Asia and the African continent- with all their third world countries.

The governments of these countries would like their forests be uprooted and replaced with factories; would like their fields planted to rice, corn and other staple foods bulldozed to give way to resorts and first-class housing projects; would like their mountains to be drilled for minerals; would like their citizens to be introduced into the mean habits of squalid urban life; would like their centuries-old traditions and faith to be polluted with the immoralities of progress.

As the exploitation lasts only for as long as there are yet to be exploited, their “benefits” are likewise short-lived. When the factories and mining companies stop their exhaustive operations, they leave behind ghost towns and villages- with their rivers poisoned by chemicals and the once-fertile land exhausted of their nutrients making them not suitable even for the lowly grass. Their polluted culture gives rise to a new generation of prostitutes and indolent, and worst, with a twisted view on faith.

The high-technology must be one of the checks that God has imposed on earth to maintain the balance, aside from natural calamities such as typhoon, earthquake, diseases, and floods, as well as, man-made war. Without them, the world would have burst long time ago, due to overpopulation and inadequate sustenance. But, while these are divine penalties, caution should have been observed by man to at least delay and minimize their occurrence. Unfortunately, man is now reaping the fruits of his greed…at high speed!


In the Old Testament, when the God of Israelites wanted them punished for their misdeed, He used the heathen races or tribes to sow disaster upon them. Sometimes He used calamities such as diseases and famine-causing pestilence. The religions of the world are based either directly or indirectly on the Abrahamaic faith, except for some pockets of tribes in unexplored nooks of forests and islands. In a way, most peoples of the world are connected to the God of Israel. Are we now suffering from this divine penalty, mentioned in the Old Testament?

0

Tolerating Corruption is Similar to Committing it, too...

Posted on Thursday, 9 July 2015

Tolerating Corruption is Similar to
Committing it, too..
By Apolinario Villalobos

With the state of the nation wherein the halls of the governments are reverberating with the sound of corruption, colleagues of identified government personalities, and even the President cannot just simply wash their hands and insist on their innocence. They are not deaf and blind not to be aware of what are happening around them. They should stop playing charade and act out innocent roles to save themselves from the scandals that are rocking the already ailing political system.

The issue on the fake NGOs and buying of the lawmakers’ budgets by NGO operators, such as Napoles who is now being charged with layers of cases, is one instance. Lawmakers have been quoted before as saying that they were aware of such happening, in fact offered, but they did not “bite” the tempting proposals.  If they knew about all those shenanigans to be happening around them, why did they not do something at the earliest possible time so that more harm to the government coffer would have been prevented?

Unfortunately for them, as the scandal ballooned, most of them were dragged, but they valiantly fought for their innocence which the Filipinos no longer believed. With much effort, they countered accusations with their “ignorance” about the manipulation being done to their budget. Not even the President cannot shy away from the scrutiny, as even the alleged misappropriation of his PDAF, has been questioned by the Supreme Court.

Do the above situations show that our government is so pathetic that even the supposedly intelligent officials voted by the people to their positions do not have enough common sense in checking what are happening to their budgets? Are they not aware of their responsibilities such that every time anomalies occur, what they immediately do is just put up some kind of a defense to save their image? Or, they are just desperately making obvious cover-ups!


0

The Belated Reaction of Vitangcol...a hair-pulling regret!

The Belated Reaction of Vitangcol
…a hair-pulling regret!
By Apolinario Villalobos

Had Vitangcol revealed everything that he knew to explain his side, just when he was served his goodbye notice, he would not be pulling his hair today out of consternation after the Ombudsman has charged him as regards the Metro Rail Transit transactions, while those who signed the documents went scot-free. But first, he must accept the fact that without his endorsement, Abaya would not have signed any document…that is how the functions in an office flow, be it private or government. The boss signs if the assistant tells him that a certain document is OK as indicated by either his initial on the document itself, or a “top sheet” that consists of a covering endorsement/memo. If Abaya will go technical, he can wash his hands and be slapped with just a mild penalty.

Now, very belatedly, he is detailing how the different processes in the agency that he left are being done to show that he is the least guilty, implying at the same time, the serious culpability of Abaya, the Secretary of the Department of Transportation and Communication, being one of the principal signatories to the questioned transactions. Why did he maintain his eerie silence for a long time? Was he hoping that the Administration will interfere in his favor, as it is wont to do in other cases of supposedly favored President’s “aides”? Sorry for him, as Pnoy must have perceived him as just a mere insignificant personality, unlike Abaya who heads the Liberal Party!

Vitangcol should have understood how politics works in the Philippines before joining the “gang” so that he could have prepared himself if he would go on a spree of questionable undertaking, and which he did thinking that he was safely leaning on a solid wall which proved to be just a pock-marked presumption, so now he is reaping what he sow.

He clearly committed the same mistake that Purisima did – by stubbornly holding on to his dear, well-paid position, thinking that he is an important fixture in the Aquino administration. He even had the courage to exchange heated arguments with a foreign Consul who accused him of bribery, still thinking that the Administration would come to his rescue. He should have left his office posthaste as soon as he felt that his misdoings were already exposing him. Just like Purisima, he waited until the public’s irritation practically exploded on his face. As usual, their cases are one of regrets coming very much late…a painful lesson to learn!


Finally, Vitangcol should better stop acting like a cry-baby, and start organizing his defense if he does not want to lose his “well-earned (?)” and “honestly-earned (?)” benefits, or worse,… face the consequence behind the iron bars?

0

Ang Kawalan ng Tiwala ng Administrasyon kay Binay at Roxas

Posted on Friday, 3 July 2015



Ang Kawalan ng Tiwala
ng Administrasyon kay Binay at Roxas
ni Apolinario Villalobos

Akala siguro ni Binay, dahil magkasama sila noon ni Pnoy sa pag-spray ng mga Marcos loyalists kasama ang matandang Arturo Tolentino, na nag-rally sa labas ng Manila Hotel, at na-appoint siyang mayor ng Makati noong panahon ni Cory, ay ganoon na siya ka-close sa mga Aquino. Hindi niya nahalata ang malamig na pakitungo sa kanya ng presidente, at sinubukan pa niya nang magpasaring na umaasa siya dito ng endorsement para sa 2016 election na pinagtataka naman nito (Aquino). Sa paningin ng mamamayan, ay masakit ang ginawa ni Aquino kay Binay na nag-akalang dahil sa tulong niya sa pamilya, hindi siya ituturing na iba, bilang utang na loob. Ang tanong naman ng iba, inalam ba muna ni Binay kung umiiral itong damdamin sa pamilya Aquino?

Magkapareho ang kapalaran ni Binay at Roxas. Mula’t sapol nang manungkulan si Roxas bilang secretary ng DILG, malabnaw ang pinapakita sa kanya ng presidente. Pinipilit namang isinisiksik ni Roxas ang kanyang sarili sa Malakanyang. Upang mapagtakpan ang nakakahiyang sitwasyon, si Roxas na lang ang nagbibigay palagi ng pahayag. Umabot sa sukdulan ang kawalan ng tiwala ng presidente kay Roxas nang hindi ito isinama sa miting na may kinalaman sa operasyon ng Mamasapano. Tulad ni Binay, akala ni Roxas ay nagkaroon si Pnoy ng utang na loob sa kanya dahil pumayag siyang makipagpalit ng puwesto noong eleksiyon, kaya naging bise-presidente ang puwestong kanyang tinakbuhan subalit natalo naman.

Buong akala ng sambayanan ay magri-resayn si Roxas dahil sa sagad-butong kahihiyan at pagbabalewalang inaabot niya mula sa presidente. Taliwas sa inaasahan, kapit-tukong nagtiis si Roxas, dahil sa ambisyon niyang maging presidente na nakaangkla pa rin sa inaasam-asam na endorsement na hanggang ngayon ay hindi ibinibigay.

Sa huling miting ng mga cabinet secretary ay hindi ulit inimbita si Binay, dahil malamang, ang pinag-usapan ay kandidatura ng iba pang mga secretary at mga istratehiya nila, kaya hindi nga siya dapat umatend! Nagresayn na lang siya at animo ay nagdeklara pa ng giyera sa Malakanyang dahil sa maaanghang na salitang binitiwan na nagpapahiwatig ng babala. At least, nakabawi siya at pinakaba pa niya ang mga nasa administrasyon dahil sa plano niyang pagdiin sa mga ito, gamit ang mga bintang na alam na rin ng mga mamamayan. Ngayon nga ay kaliwa’t kanang pagbatikos na ang inaabot ni Pnoy at mga tauhan nito mula kay Binay.

Si Roxas naman ay nagmistulang pulubing nagmamakaawa upang bigyan ng limos. Tumanda na siya sa  sa pulitika ay hindi pa rin niya nauunawaan ang kalakaran, na sa nasabing mundo ay walang permanenteng kaibigan at ang labanan ay gamitan at patibayan ng sikmura!

Bilang panghuli, sa pulitika, hindi lang sayaw na cha-cha ang popular, kundi waltz na pwede ang pagpalit ng partner – yong tawag na “tap dance”…at ang hindi nakakasabay ay tanga…dahil ang hilig pala ay “tango”…tanga na gago pa! ….ayon yan sa mga tambay sa kanto.

0

Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas...dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino

Posted on Tuesday, 30 June 2015



Swabe ang Anarkiya sa Pilipinas
…dahil wala pang marahas na reaksyon ang mga Pilipino
Ni Apolinario Villalobos

Ang matinding anarkiya sa isang bansa ay nangyayari kapag hindi na makatiis ang mga mamamayan sa mahinang pamunuan o kung humagupit ang isang matinding kalamidad kaya halos paralisado ang pamahalaan. Ang pinakamalalang mangyayari ay mga patayan at hantarang nakawan o looting. Anarkiya ding masasabi ang kaguluhan sa pagpapatakbo ng gobyerno. Sa Pilipinas, swabe ang mga nakikitang kaguluhan, na hindi pa masyadong binigyang-pansin dahil sa kultura ng Pilipino na nakaka-ayon sa lahat ng sitwasyon, tulad ng mga sumusunod:

1.      Hindi pagsunod ng mga local officials sa mga desisyon ng Ombudsman na pagsuspinde sa kanila na ang nakasayang gawin ay tumakbo sa mga tiwali at nababayarang huwes upang kumuha ng Temporary Restraing Order o TRO, o di kaya ay hindi pag-alis sa kanilang opisina, na isang malinaw na kawalan ng respeto sa Ombudsman. Dahil dito ay nagkakaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga supporter ng suspendidong opisyal at pansamantalang itinalagang opisyal.

2.      Pagka-inutil ng DILG sa pagpipilit na maipatupad ang kautusan ng Ombudsman sa pamamagitan ng pagpaalis sa suspendidong opisyal mula sa opisina upang makagawa ng maayos ng audit, ganoong ang mga LGU ay nasa ilalim naman ng nasabing ahensiya. Sa nangyayari  ngayon sa Makati halimbawa, ang hepe ng DILG na si Roxas ay “nakikiusap” pa sa suspendidong mayor na si Junjun Binay na sumunod na lang. Paano siyang rerespetuhin at susundin kung ang pinapakita niya ay kalamyaan na maihahalintulad sa kaduwagan o kawalan ng gulugod? Hindi makakaapekto sa buong bansa kung gagamit ng lakas ang DILG upang ipilit ang kapangyarihan nito…plus factor pa ito ni Roxas kung sakali.

3.      Pagka-inutil ng mga ahensiya ng pamahalaan na makontrol ang maya’t- mayang pagsirit ng mga presyo ng mga bilihin sa palengke, lalo na ang bigas. Isama pa rito ang mga presyo ng langis, bayarin sa tubig at kuryente.

4.      Patuloy na hantarang smuggling dahil sa katiwalian sa loob ng mga ahensiyang dapat ay nangangasiwa sa mga pantalan. 

5.      Hindi makontrol na mga krimen sa loob mismo ng mga kulungan na dati ay patayan kung may riot lang, subalit ngayon ay may prostitution na rin at droga.

6.      Hindi makontrol na pangungumisyon sa mga proyekto ng gobyerno, at ang pinakamatindi ay ang pamamayagpag ng mga negosyanteng nagpapatakbo ng mga pekeng NGO na kinasasabwatan ng mga opisyal ng gobyerno upang makakuha ng pondo mula sa kaban ng bayan.

7.      Paglala ng krimen dahil ang iba sa hanay ng kapulisan ay sangkot na rin.

8.      Patuloy na pagpapahirap sa mga mahihirap na dahil sa K-12 program, na ginamitan ng mga librong hindi bababa sa halagang 500 pesos ang isa. Dahil sa inutil na bagong programa  na yan, lalo pang pinagpipiyestahan ng mga tiwaling opisyal na may kinalaman sa edukasyon at mga hidhid na negosyante ng libro ang mga mahihirap kaya nadagdagan ang bilang ng mga batang hindi nakakapag-aral.

Ang mga nangyayari sa kasalukuyang pamahalaan ay kasukdulan ng mga naipong katiwalian mula pa noong panahon ng Martial Law. Hindi nakatulong ang pagkamaka-Diyos ng presidenteng si Cory Aquino kahit nakasandal siya sa simbahang Katoliko. Sa halip na mabawasan ang mga katiwalian, lumala pa noong kapanahunan niya dahil lumakas pa ang loob ng mga tiwali na nagpalit lang ng kulay mula sa pula tungo sa dilaw. Hindi rin nakatulong ang pagka-heneral dati ng pumalit na presidente na si Fidel Ramos, ganoon din ang pagkasikat ni Erap Estrada, at lalo na ng pagka-ekonomista ng isang Gloria Arroyo.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ang hilahod nang ekonomiya ay bumagsak na! Nasira ang mga akala ng mga nagluklok kay Pnoy sa puwesto: na siya ay magaling, hindi pala dahil hanggang salita lang daw; na siya ay makikinig sa kanyang mga “boss” – ang taong bayan, tulad ng ipinangako niya, hindi nangyari dahil wala pala siyang isang salita; na siya ay pantay sa pagtingin sa lahat, hindi pala dahil may mga pinapaburang mga ka-barilan at mga classmate daw na pinagtatalaga niya sa puwesto, at kahit hindi maganda ang performance ay ayaw niyang tanggalin. At, marami pang maling akala…

Yan ang Pilipinas…ang mga mamamayan ay swabe sa pagharap sa mga pagsubok…. kaya nakakatiis pa kahit papaano…..at, kaya hindi na lang muna pinapansin ang nakasayan nang swabeng anarkiya!


0

Kung Maging Tapat lang si Binay sa Pangangampanya...

Posted on Monday, 29 June 2015



Kung Maging Tapat si Binay sa Pangangampanya
Ni Apolinario Villalobos

Kung maging tapat lang si Binay sa pangangampanya ay maaari niyang barahin ang kanyang detractors ng mga tanong na:

Ako… korap?
Tamang tanong, dahil lahat naman ng mga pulitiko, kahit papaano ay may bahid nitong katiwalian, kahit hindi sinasadya daw, tulad ng mga sinasabi nilang ang pork barrel nila ay ginamit daw ng mga pekeng NGOs, na hindi naman pinaniniwalaan ng mga tao - na hindi nila alam. Kaya ang mga nag-aakusa sa kanya ay dapat magpalit na ng istratehiya. Umamin na lang sila upang hindi lalong humaba ang ilong nila sa pagsisinungaling!

Ako … may malaking mga project na pinagkitaan ng malaki?
Tama pa ring tanong, dahil ang mga pulitiko ay hindi na nagpa-project kung hindi din lang malaki tulad ng basketball court at mga highway, upang siguradong malaki ang komisyon. Kaya upang sigurado, pati mga kalsada at highway na maaayos pa ay pinapatuklap! Hindi na uso ang poso o deep well pump at waiting shed dahil barya lang kung pagkitaan ito…pero yong kabaong ay okey lang dahil madaling dikitan ng sticker na may pangalan ng mayor or governor, at kung sino pang kapalmuks na opisyal! Ang maganda ding ipamigay ay mga diaper na may mukha ng mga pulitiko lalo na sa bandang puwet! Mahal ang diaper kaya marami ang mag-aapreciate, kasi pwedeng basahan din sa lababo at toilet bowl dahil absorbent!

Ako … nangarap na magkaroon ng asyenda?
Marami na ring pulitiko ang hindi lang nagkaroon ng malawak na lupain, kundi pati mga condo, bahay, mamahaling kotse, at napakalawak at hiwa-hiwalay na logging concessions. At saka isa pa, naiinggit ba yong iba dahil wala silang asyenda na may babuyan na ay may greenhouse pa ng mga orchids? Mabuti nga ang ginawa ni Binay dahil maximized ang paggamit ng asyenda! Pero…dapat pang patunayan na kanya yon. Kaya yong naiinggit, mangurakot din ng milyones upang may pambili!...at tumigil na nga sila sa kangangalngal!

Misis ko… mahilig sa orchids?
Dapat lang ipagtanggol ni Binay ang misis niya dahil siguradong mahal niya ito, hindi tulad noong isang matandang binata na walang misis pero mahilig magparinig na may plano daw naman siyang mag-asawa…kaylan?  kung hindi na siya “makwanan”? ….tumigil na nga siya sa pa-machong gimik…kaya pati mga nananahimik na models ay kinakasangkapan sa pakikipag-date kuno!  Si Binay ay proud sa kanyang misis, kaya pati ang hilig nito sa pag-alaga ng orchids ay okey sa kanya. Mabait din ito kaya nga maraming gamit na binili para sa Ospital ng Makati…(ano na kaya ang nangyari sa kaso?) Isa pa, mabuti nga at orchids ang inalagaan, kaysa marijuana…eh di mas malaking problema pa ang inabot! Kaya kayong ang kaya lang alagaan ay gumamela, calachuchi, san Francisco, chichirica, five fingers, katuray at malunggay… manigas na lang sa inggit!

Ako lang ba ang matandang nagsusuot ng Boy Scout uniform?
Yan ang matapang na tanong! Dapat ring pangatawanan ni Binay ang pagsuot ng uniform na yan dahil magkatugma ang kanilang kulay – parehong brown, kulay lupa, humble na kulay ng mahirap. At hindi siya nag-iisa sa pagsuot ng uniform na yan dahil may nakita akong nagtitinda ng sigarilyo sa mga tumitigil na jeep sa bandang Harrison St. sa Pasay, na ganyan din ang suot, complete with whistle pa, at very proud siya! Ang kopyang suot ay may maliit pa na bandila ng Red China! …(sa isang interbyu, nagsabi si Binay na ipaubaya na lang sa mga Tsino ang pag-develop sa West Philippine Sea dahil may pera silang panggastos – wow!) Kaya bilib din ako sa taong cigarette vendor na itong proud sa pagsuot ng Boy Scout uniform…dahil siya ay laging handa sa paglapit sa mga driver na bumubusina upang bumili ng yosi na kadiri tulad ng isang taong may maitim na budhi!

Basta matapat lang si Binay sa pangangampanya baka at marami pang baka na manalo siya. At, kapag nasa Malakanyang na siya, siguradong marami ang mamamangha dahil mabubuhay at makikita nila ang mga inakala nilang patay nang mga dummy niya, tulad ni Limlingan at yong babaeng personal secretary niya, si ginang Baloloy. Marami rin ang magwe-wish sa kanya ng: “…good luck, good health, and more wealth!”….para pantulong sa mahihirap – yon ang sabi niya!

0

Trust

Posted on Monday, 11 May 2015



Trust
By Apolinario Villalobos

Trust is faith. I wholeheartedly let go of this word from my mind when a viewer of my blogs expressed that he is always looking forward to them. I believed his appreciation for the blogs without doubting his sincerity. In return, I told him that I trust him….because somehow he understood my sentiments and even make connection through his comments to enhance my views.  Another viewer added his inspiring comment that further enhanced my view. My trust in them is such, that it is not tainted with even a speck of doubt to their sincerity.

We cannot live in this world if we cannot trust our fellowman even a bit. For instance, we entrust our teeth to our dentist whose expertise has been patiently tested, our general health to our family doctor whose prescription for just the best medicine has been proven, the security of our home to our house help every time we leave for work, the manufacturers as we buy their products in securely sealed packaging, and many more. Practically, even the air that we breathe is trusted to be still tolerably clean despite what we already knew how polluted it is. In other words, we have no choice. Risk is also involved at all times, of being exploited by the shrewd, for which all we can do is just be doubly cautious.

If we cannot trust others, it means that we better lead a lonely life. But this is impossible, even those with vows such as the monks. In the eyes of those outside the monastic walls, they live a solitary life, but they talk to each other. Their life together under the cloak of silence is still permeated with trust due to their need for each other, although as a group, they have somehow detached themselves from the material world.

Dangerous shows such as trapeze and acrobatics for instance, are not possible without the performers trusting each other. Even members of the orchestra and dance groups will not be able to perform their best if they will not trust each other for their complementary support. Stage performers also trust their directors and stage hands to do their best, so that their acts will come out right and appropriately supported with the best props.

Trust, on the other hand, should not be abused to the point, that the trusting party is exploited. Once trust in a person has been eroded due to his exploitive overtures, his crumbled image will be very difficult to reconstruct as the fissures or the flaws will always show. A “paint-over” which means pretensions, perhaps, may help to cover the fine lines, but for how long?

An instance of trust abuse is the case of Mary Jane Veloso. She trusted her recruiter so much that she had no inkling, the small suitcase given to her by the former, contained illegal drug. Now she is languishing in jail after having been spared from execution, although, temporarily. Another case is that of the Filipinos who trusted the officials they voted into office, but later on proved to be inept, some yet, are with bottomless dishonest yearning – corrupt to the highest degree!

Trust should be likened to the fragile crystal. A clear and unscratched crystal that gleams and sparkles under the light, in the same way that a person known for his trustworthy image can standout even in a crowd, no matter what.