Showing posts with label pollution. Show all posts

0

Ang Pagpapahalaga sa Kalinisan ng Kapaligiran

Posted on Friday, 8 September 2017

Ang Pagpapahalaga sa Kalinisan ng Kapaligiran
Ni Apolinario Villalobos

Ang kalusugan ng sangkatauhan ay nakasalalay sa kalinisan ng kapaligiran. Ang kapaligiran ay hindi nangangahulugan lang ng mga nakikita natin sa ibabaw ng lupa subalit pati na rin ang nasa ilalim nito at ang kalawakan.

Ang isang mahalagang pangangailangan ng buhay na bahagi ng kapaligiran subalit hindi nakikita ay ang hangin. Dapat langhapin ang hangin dahil sa taglay nitong “oxygen” na kailagan ng ating katawan. Dahil diyan, dapat ay malinis ang hanging ating nalalanghap dahil kung hindi, ang dumi ay hahalo sa dugo na dumadaloy sa buo nating katawan at ang resulta ay iba’t ibang uri ng sakit.

Ang tubig sa mundo ay may dalawang direksiyon – ang papunta sa itaas at ang papunta sa ibaba. Ang may paitaas na direksiyon ay ang “vapor” na mula sa lupa, katawan ng mga tao, hayop, at mga halaman. Ang may pababang direksiyon naman ay ang ulan na resulta ng pagdami ng “vapor” sa kalawakan na nakikita sa pormang ulap. Kung ang “vapor” ay nahaluan ng singaw at buga ng mga pagawaan o factories, nagiging lason ito na hahalo sa babagsak na ulan sa kalupaan.

Kailangang magtulungan ang mga tao upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran. Ang isa sa madaling gawin ay ang paghinay-hinay sa paggamit ng mga bagay na yari sa plastic. At, upang hindi dumami ang mga bagay na plastic sa basura ay ang pag-recycle ng mga mapapakinabangan pang mga plastic containers at pagdala ng sariling bag o basket kapag namamalengke o maggo-grocery.

Kapansin-pansin na marami pang mga LGUs ang hindi nagpapatupad ng mahihigpit na patakaran tungkol sa paggamit ng mga bagay na yari sa plastic. Wala silang problema sa pag-ipon ng mga nakakalat na dumi, dahil kayang walisin. Subalit kapag mga plastic na bagay na ang bumara halimbawa sa mga imburnal, baha ang idudulot nito.

Kung nadadanasan natin ngayon ang pagkasira ng kalikasan at ang pabago-bagong panahon na nagdudulot ng mga pinsala tulad ng bagyo, baha, at sobrang tag-tuyot….walang ibang dapat sisihin kundi sangkatauhan din.





0

The Need for Moderation

Posted on Wednesday, 23 August 2017

THE NEED FOR MODERATION
By Apolinario Villalobos

Nobody is perfect and everybody has a tendency to be bad. But there are what we call “discipline” and “control” that can make us restrain our acts. As intelligent creatures, we are supposed to have an inner strength that can help us decide to observe “moderation” in everything that we do.

We can be bad but we must always bear in mind the “Golden Rule” unless we are prepared for the consequences of our acts that could hurt others, as similar hurt or much more can happen to us. Most often, we are hurt by our own acts…these are the self-inflicted consequences due to our irresponsibility and lack of common sense. Among these are doing things that we know could affect our health, such as, excessive imbibing of alcoholic drinks and unscrupulous pigging out on unhealthy foods.

The worst heartless people who lack restraint are those who exploit others, among which are the corrupt in the government. Ironically, these are graduates of big universities with doctorates and masters in various academic spheres, such as, Public Administration, Education, Humanities, and even professional lawyers, physicians, professors. With their transformation from supposedly “honorable” status in life into greedy maniacs when they stepped into the threshold of the government, they deserve to be called “professional corrupt”.  This greedy lot seems to have not come across the word “moderation”, as they want everything that they can hold on to at the expense of others. I WOULD LIKE TO REITERATE THAT NOT ALL GOVERNMENT OFFICIALS ARE CORRUPT, AS A HANDFUL OF THEM HELD ON TO THEIR WITS TO REMAIN HONORABLE IN THE REAL SENSE OF THE WORD DESPITE THE MAGNANIMOUS TEMPTATION.

On the spiritual side, many eager beavers who claim to have an “encounter” with the Lord, act as if they are the Chosen People of the modern times. They preach what they read in the Bible but never put them into practice. In this regard, I admire the low-profiled New Christians regardless of their denomination, some of whom are leaders of their humble Ministries while the rest spread the Good News via text messages. They never go beyond the limits of their capability to stand for Jesus and God. They preach within the limit of their sincere capability instead of being noisy, and manifesting only what they sincerely feel.

We are suffering today due to our excessive greed for comfort. Factories are mushrooming all over the world to bring forth supposedly necessities in life – machines, gadgets, chemicals, garments, packed foods, etc. The factories belch out pollutants that destroy Nature…that is how I can simply state the consequence of our excessive cravings. As a result, the natural climatic cycle has drastically changed. Excessive rains cause flood. Excessive wind causes storms and typhoons. The ozone layer has been ripped exposing the Earth to the deadly heat of the sun.

Finally, excessive love can result to selfishness that could be fatal….


0

Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila

Posted on Friday, 30 June 2017

Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila
Ni Apolinario Villalobos

Nagpapakahirap ang gobyerno at Metro Manila Development Authority sa paghanap ng paraan kung paanong mabawasan ang trapik sa kalakhang Maynila, ganoong ang solusyon ay nandiyan lang…ang Pasig River. Dapat linisin lang consistently ang Pasig River upang hindi gamiting dahilan ang mga water liliy na sumisira sa mga makina ng mga sasakyang pang-ilog tulad ng ferry. Subalit, ang mga proyekto sa paglinis ng Pasig River ay hanggang launching lamang….kodakan ng mga opisyal na gustong makita ang mga mukha sa diyaryo at TV….pagkatapos ng launching, goodbye na sa project….nagkalimutan na. Tuwing may bagong administrasyon, bagong proyekto din ang nilo-launch. GANYAN KAPANGIT ANG UGALI NG MGA NAKAUPONG OPISYAL….MGA MATATAKAW SA PHOTO OPPORTUNITY….ANO ANG NANGYARI SA “PISO PARA SA PASIG” NA SINIMULAN NI MING RAMOS NOONG PANAHON NI FIDEL RAMOS PRESIDENTE?....WALA!!!!!!

Hindi na dapat pang ipilit ang paggamit ng mga masisikip nang mga kalsada na pinupuno ng mga kotse ng mga mayayaman at mga bus na galing sa ibang bansa na ang hangad ang lokohin ang Pilipinas na tinatapunan ng mga bus na gawa nila. Nakakabahala ang planong paggawa ng subway sa Metro Manila dahil sa palyadong drainage system na ang iba ay iniwang nakatiwangwang. Siguradong pagbaha, maraming malulunod sa mga subway trains. KUNG ANG LRT AT MRT NGA LANG AY MAHIRAP NANG I-MAINTAIN DAHIL SA CORRUPTION, ANG SUBWAY PA KAYA? HINDI PWEDE ANG MGA GANYANG HI-TECH NA FACILITY SA PILIPINAS DAHIL SA CORRUPTION NA MALALIM ANG PAGKABAON SA SISTEMA….ISANG MAPAIT NA KATOTOHANAN!

Kung sa Bangkok, nagawang i-maintain ng gobyerno ang kalinisan ng main river nila na tinuturing din nilang major traffic artery, bakit hindi ito magawa sa Maynila? May floating market ang Bangkok na pwedeng gawin din sa Maynila, subalit ang problema ay ang mga burarang mga iskwater na nakatira sa mga pampang (river banks) na kapag inalis ay aalmahan naman ng mga komunistang grupo at mga human rights advocates kuno.

Ang Pasig River ay pwedeng gawan ng bicycle lane na may bubong mula Escolta hanggang Laguna at iba pang arteries na dumadaloy sa iba’t ibang lunsod at bayan sa buong kalakhang Maynila. Upang magkaroon ng seguridad ay dapat lagyan ng mga ilaw at mga pulis outpost sa mga designated entrance/exit areas kung saan ay pwedeng umakyat at bumaba ang mga commuting cyclists. Pwede ring lagyan ng mga rest areas na may snack kiosks para magamit na pahingahan. Sa simula pa lang ay dapat na itong kontrolin upang hindi magamit ng mga sidewalk vendors. Kapag nangyari yan, ang mga commuters ay gaganahang mag-bike kaysa sumakay ng bus, LRT o MRT dahil makakatipid na sila.


Ang hirap kasi sa gobyerno ng Pilipinas, karamihan ng mga nakaupong opisyal na mga matatalino kuno ay graduate at nagseminar sa ibang bansa kaya ang mga natutuhan ay HINDI ANGKOP sa Pilipinas. Yan ang resulta ng ugaling pangongopya ng mga Pilipino. Dapat ay isaalang-alang ang kultura ng mga Pilipino pagdating sa mga proyekto dahil unang-una, walang disiplina ang mga Plipino. Dahil diyan, ang nangyayari sa Singapore ay IMPOSIBLENG mangyari sa Pilipinas dahil sa ugali ng mga hangal na opisyal na ang palaging tinitinghan sa mga proyekto ay kung paano silang kumita ng komisyon…AT LALONG DAHIL SA KAWALAN NG DISIPLINA NG MGA PILIPINO, NA KAPAG SINITA SA GINAWANG MALI AY TATAKBO SA HUMAN RIGHTS COMMISSION!!!!!

0

Ang Kaunlaran

Posted on Sunday, 19 February 2017

ANG KAUNLARAN
Ni Apolinario Villalobos

Mga nagtatayugang gusali sa lunsod
Nagliliparang mga sasakyan
Mga ilaw na nakakasilaw
Kaya’t gabi’y parang araw.

Mga kamangha-manghang kagamitan
Sa mga tao ay nakakaagapay
Kaya’t buhay na guminhawa
Dapat pasalamatang biyaya.

Subali’t kasabay ng natamong ginhawa
Kapalit naman ay pagkalimot
Na sa likod ng mga natamo-
May ISANG naglalang ng mundo…
MUNDONG  NASAULALA…
AT, ANIMO’Y NAGAHASA!

Notes:
Nakakaagapay – helps, big help, assists
Naglalang - created

Nasalaula – abused, exploited, “binaboy”

0

The Heavy Pollution in China should Warn Third- World Countries

Posted on Sunday, 27 December 2015

The Heavy Pollution in China
Should Warn Third -World Countries
By Apolinario Villalobos

Manufacturing countries that clandestinely hate China have successfully inflicted a “slow death” on the awakened dragon of Asia. They have simply transferred the production aspect of their business in China because of her cheap labor and with it, the byproduct of high technology – the deadly pollution! They have been awfully successful, no question about that!

China today, is practically crawling due to the effect of heavy pollution while countries that own brands manufactured in China are basking under smog-free atmosphere. Every day, internet news carries warnings of the Chinese government to its citizens about the heavy pollution and photos are those of the Chinese citizens with face or surgical mask to lessen their inhalation of the dirty air. An enterprising European country is reportedly exporting fresh bottled air to China.

The phenomenon in China should serve as a warning to the third-world countries that are blinded by the prospect of living in comfort through high technology. China has practically flooded the world with products made in her homeland. Despite such show of opulence, she is far from being satisfied as her expansionistic desire is slowly creeping towards the rest of Asia and the African continent- with all their third world countries.

The governments of these countries would like their forests be uprooted and replaced with factories; would like their fields planted to rice, corn and other staple foods bulldozed to give way to resorts and first-class housing projects; would like their mountains to be drilled for minerals; would like their citizens to be introduced into the mean habits of squalid urban life; would like their centuries-old traditions and faith to be polluted with the immoralities of progress.

As the exploitation lasts only for as long as there are yet to be exploited, their “benefits” are likewise short-lived. When the factories and mining companies stop their exhaustive operations, they leave behind ghost towns and villages- with their rivers poisoned by chemicals and the once-fertile land exhausted of their nutrients making them not suitable even for the lowly grass. Their polluted culture gives rise to a new generation of prostitutes and indolent, and worst, with a twisted view on faith.

The high-technology must be one of the checks that God has imposed on earth to maintain the balance, aside from natural calamities such as typhoon, earthquake, diseases, and floods, as well as, man-made war. Without them, the world would have burst long time ago, due to overpopulation and inadequate sustenance. But, while these are divine penalties, caution should have been observed by man to at least delay and minimize their occurrence. Unfortunately, man is now reaping the fruits of his greed…at high speed!


In the Old Testament, when the God of Israelites wanted them punished for their misdeed, He used the heathen races or tribes to sow disaster upon them. Sometimes He used calamities such as diseases and famine-causing pestilence. The religions of the world are based either directly or indirectly on the Abrahamaic faith, except for some pockets of tribes in unexplored nooks of forests and islands. In a way, most peoples of the world are connected to the God of Israel. Are we now suffering from this divine penalty, mentioned in the Old Testament?

0

Ang Pagmamalasakit ay Hindi lang Dapat Para sa Tao

Posted on Thursday, 22 October 2015

Ang Pagmamalasakit
ay Hindi Lang Dapat Para sa Tao
Ni Apolinario Villalobos

Ang sabi ni Francis, ang santo papa ng mga Katoliko, dapat magmalasakit ang tao sa kanyang kapwa….maging compassionate. Sa opinion ko naman, hindi lang sa kanyang kapwa dapat magmalasakit ang isang tao. Lahat ng nilalang ng Diyos na may buhay, kahit nga ang mga walang buhay tulad ng kalupaan, kabundukan, karagatan, at mga ilog ay dapat pagmalasikatan. Kung ang may buhay ang pag-uusapan, dapat kasama ang mga halaman at mga hayop na malaking bahagi na ng buhay ng tao. Samantala, ang mga hayop na sinasabing nananakit o mababangis ay hindi papalag kung hindi sila pinapakialaman ng tao.

May mga taong mahilig mag-alaga ng mga “laruang” hayop o pet, lalo na yong may lahi,  hindi lang upang makaaliw sa kanila kundi upang maging palamuti din sa bahay. At, dahil mamahalin, ginagamit din silang palatandaan ng karangyaan ng isang tao. Nagagamit na rin sila ngayon bilang therapies o pampagaling ng sakit, lalo na ang mga psychological. Sa mga taong talagang taos sa puso ang pag-alaga, okey ito. Ang hindi tama ay ang ginagawa ng mga taong nanggagaya lamang dahil sa inggit sa ibang meron ng mga ito. Bibili sila ng mga nabanggit, subalit dahil likas na walang hilig talaga, ay napapabayaan kaya nagkakasakit hanggang mamatay.

Ang kapalaran ng mga halamang pampalamuti ay hindi nalalayo sa nabanggit na mga hayop na binili ng mga naiinggit sa kapitbahay, kaya napabayaan hanggang mamatay. May mga tao kasing dahil naiinggit sa malagong halamanan ng kapitbahay ay nagtatanim din ng mga ito sa bakuran upang mapantayan o malampasan pa ang nakikita sa kapitbahay. Subalit dahil wala rin talagang hilig sa tanim kundi naiinggit lang, ni hindi nila pinapansin ang mga halamang nagkakandalanta dahil hindi nila nadidiligan.

Ang mga kahayupan sa gubat at kalawakan ay ginagamit na target ng mga mangangaso, pampalipas ng oras lang nila, kaya maraming endangered species ang nawala na talaga. Bandang huli ay nagtuturuan ang mga NGO at pamahalaan kung saan nagkaroon ng diperensiya sa pagpapatupad ng alituntunin.

Ang ibang mga nature lovers kuno, tulad ng mga scuba divers, snorkelers, trekkers at mountaineers ay nagmamalaking mahal nila ang kalikasan. Subalit kung umakyat ng bundok ay nag-iiwan ng basura nila sa camping sites. Hindi man lang nila naisip na magbaon ng trash bags upang lagyan ng basura upang mahakot pagbaba nila, kaya maraming kabundukan sa Pilipinas, na ang mga trails ay maraming candy at biscuit wrappers, aluminum cans ng softdrinks, upos ng sigarilyo, satchet ng instant noodle, sanitary napkin at toilet paper. Ilang taon na ang nakalipas, ang Mt. Everest ay isinara ng kung ilang linggo upang malinisan ang mga trails at camping sites sa kapatagan hanggang sa tuktok na tinambakan ng mga empty oxygen canisters, mga bote, at iba pang klase ng basura.

Ang mga dalampasigan o beaches, tulad ng mga kabundukan ay nasasalaula din ng mga burarang nature lovers kuno at mga negosyante. Ang isang halimbawa ay isla ng Boracay na puno ng mga naglalakihang resorts at hotels na ang septic tanks ay tumatagas sa dagat kaya tinutubuan na ng mga lumot ang ilang dalampasigan, tanda ng pagkakaroon ng mikrobyo sa tubig-dagat. Hindi sapat ang sinasabing paghakot ng basura at sinipsip na dumi mula sa septic tanks at dinadala sa Caticlan, na ginagawa ng gobyernong lokal, dahil hindi naman perpektong nakakalinis ang mga ganitong mga paraan.

Ang mga bundok ay kinakalbo ng mga illegal loggers na ang iba ay mga gahamang opisyal ng gobyerno at ang iba naman ay dummy ng mga foreign financiers. Animo ay minamasaker nila ang mga kabundukan. Kaya tuwing tag-ulan, ang rumaragasang tubig mula sa kabundukan na nagdudulot ng baha sa kapatagan ay kulay brown o pula, na ibig sabihin, mga lupa silang hindi na napoproteksiyunan ng mga ugat ng mga kahoy o mga damo man lang. May mga yumamang iilan, subalit ang nagdusa ay libo-libong mahirap na mamamayan, at ang masakit pa, ay mga dayo ang yumaman!

Ang mga bigtime na mangingisda ay gumagamit ng makabagong mga instrumento na kumakayod sa sahig ng karagatan, kaya lahat ng madaanan ay tangay – mga korales na kung ilang milyong taon na ang gulang, mga maliliit na isda, at mga inahing isda na dapat ay mangingitlog pa lang.  Ang ilan pa ay gumagamit ng lason at dinamita, at itong mga tao ang may gana pang magtaka kung bakit nauubos ang mga isda malapit sa dalampisagan kaya wala na silang mahuli!

Ang tao pa rin, sa kagustuhang umasenso agad ay gumagamit ng makabagong teknolohiya para sa mga pagawaan. Gagamit ng langis upang magpaandar ng mga makina, at ang latak ay tinatapon sa ilog na dumadaloy hanggang sa dagat o lawa. Ganoon din ang mga nagmimina na ang latak ng kemikal na ginagamit sa paglinis ng namimina ay iniimbak sa mga reservoir subalit ang katatagan ay hindi mapagkatiwalaan, kaya pagdating ng panahon ay tumatagas rin kaya sinisipsip ng lupa na ang resulta ay pagkalason ng mga nakapaligid na bukal. Kung ipampaligo ang tubig mula sa mga ito, sakit sa balat ang dulot, lalo na kung gamitin sa pagluto na ang dulot ay tiyak namang kamatayan. Sa isang banda, ang usok mula sa mga pagawaan ay pumupunit sa kalawakan na dapat ay humahadlang sa tindi ng init ng araw na tumatama sa mundo.


Pagkagahaman at kawalan ng pagmamalasakit ang dahilan ng lahat ng mga nabanggit, at kakambal na yata ng tao. Walang mangyayari sa panandaliang pagsasantu-santohan upang makapagpakita ng pagmamalasakit dahil sinabi ng santo papa. Kailangan nating maging consistent o tuluy-tuloy sa pagpapakita ng malasakit. Paanong maisasakatuparan ito kung ang maayos na pagtapon nga lang ng basura mula sa bahay ay hindi nagagawa kaya naaanod sa mga ilog, dagat, at estero? Kaylan tayo magbabago? 

0

Mabuti Pa Noong Unang Panahon

Posted on Monday, 22 June 2015



Mabuti Pa Noong Unang Panahon
Ni Apolinario Villalobos

Mabuti pa noong unang panahon
Mga ninuno nating tadtad man ng tattoo
Nagnganganga, nakabahag…walang siphayo.

Mabuti pa noong unang panahon
Payak ang takbo ng isip, walang pag-iimbot
Na sa pangangamkam ng ibang lupa’y umaabot.

Mabuti pa noong unang panahon
Magkakatabing mga bayan ay nagtutulungan
Sa pangangailangan ng iba’y malugod ang bigayan.

Mabuti pa noong unang panahon
Ang mga bundok ay nababalot ng kagubatan
Masaya pati mga ibong nagliliparan sa kalawakan.

Mabuti pa noong unang panahon
Ginto’t pilak, ‘di pinapansin, walang gahaman
‘Di tulad ngayon, pamantayan ng buhay ay yaman.

Mabuti pa noong unang panahon
Kung magdasal sila ay diretso sa Amang Poon
‘Di tulad ngayon, tao’y kaaanib ng iba’t ibang kampon.

Mabuti pa noong unang panahon
Pagtiwala sa kapwa ay di basta-basta nasisira
‘Di tulad ngayon, dangal ay kayang lusawin ng pera.

Mabuti pa noong unang panahon
Sa malawak na gubat, may pagkaing makukuha
‘Di tulad ngayon, mga bundok at pastulan, kalbo na.

Mabuti pa noong unang panahon
Masarap samyuhin ang hanging sariwa, malinis
‘Di tulad ngayon, amoy nito, animo’y pagkaing panis.

Mabuti pa noong unang panahon
Tubig na iniinom,  sa ilog ay maaari nang salukin
‘Di tulad ngayon, naka-bote lang ang dapat inumin.
   

0

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura...tulong sa Inang Kalikasan kung pakikinabangan pa

Posted on Monday, 12 January 2015



Mga Kayamanang sa Iba ay Basura
…tulong sa Inang Kalikasan kung pakinabangan pa
Ni Apolinario Villalobos

Nang minsang papunta ako sa Tondo, may nadaanan akong tambakan ng mga basura at napansin ko ang malaking tumpok ng mga tarpaulin na pinagtabasan. Nang busisiin ko ay malalaki pala ang mga sukat at maaaring pagtagpi-tagpiin. Pumasok agad sa isip ko ang mga nakatira sa bangketa na wala man lang banig at ang mga nagkakariton na ang tanging pananggalang sa init at ulan ay mga punit na plastik. Mabuti na lang at may dumaang traysikad at nagpatulong ako sa drayber nito upang matupi nang maayos ang mga tarpaulin. Tinanong ko ang bata kung may alam siyang mananahi, tiyempo rin na may alam din siya pero tatawid kami ng Recto dahil malapit ang mananahi sa Bambang market kung saan ay matatagpuan din ang original na “ukay-ukay” sa Maynila. Pagkalipas ng halos dalawang oras ay nakayari kami ng 14 na tarpaulin na ang sukat ng bawat isa ay 4 feet by 6 feet, pagkatapos na pagtagpi-tagpiin ang mga retaso!

Minsan naman, may nadaanan akong namamasura na nag-aayos ng kanyang mga kalakal sa isang tabi. Napansin kong maraming mga notebook. Pumasok agad sa isip ko na malamang maraming pahinang wala pang sulat, na tama nga. Nakiusap ako sa nangangalakal na tulungan akong ipunin ang mga pahinang malilinis pa at babayaran ko siya ng doble sa inaasahan niyang halaga kung ipapatimbang niya sa junkshop ang mga notebook. Nang makatapos kami sa pagpilas ng mga malilinis na pahina, nakaipon kami ng mahigit dalawang dangkal na malilinis na mga pahina! Walang problema sa paghati-hati at pag-staple dahil may malaki akong stapler sa bahay. Para ang mga ito sa mga batang halos hindi makabili ng gamit sa eskwela na nakita ko sa bangketa ng Divisoria. Tamang-tama rin dahil may ipinadalang mga lapis naman ang isang kaibigan ko na nasa Amerika.

Sa tambakan naman ng basura sa tabi ng isang bodega, may nakita akong mga gomang tsinelas. Maayos pa ang karamihan ngunit nangitim lang dahil sa pagkakaimbak. May mga sapatos din na goma, maayos pa rin subalit bakbak na ang mga disenyo at marka. Naalala ko ang mga batang nakita ko na nakapaa habang namumulot ng mga lantang gulay sa Divisoria at kung pumasok sa eskwela ay nakatsinelas lang. Mabuti na lang at may isang tindahan sa hindi kalayuan na nagtitinda ng bigas, kaya may nabili akong dalawang basyong sako na pinaglagyan ng mga naipon kong tsinelas at sapatos.

Kung panahon ng baha, maraming matitiyempuhang itinapong binahang mga damit. Hindi rin ako nahihiyang ipunin ang mga maaayos at pinalalabhan ko sa asawa ng nakaibigan kong nakatira sa tabi ng Ilog Pasig, upang maipamigay naman. Yong mga kaibigan nila na gustong magkaroon, hinahayaan kong pumili, basta sila na ang maglaba. Ang mga natuyo na natira pagkatapos nilang pagpilian ay binibigay ko sa iba kong kaibigan.

Ang mga ikinuwento ko ay maaari ring gawin ng iba basta ang itanim lang sa isip ay, maliban sa makakatulong sa iba… nakakabawas pa ng matatambak sa basura. Isa sa mga paalala ng mga grupong maka-kalikasan sa Pilipinas ay “may yaman sa basura”, na para sa iba ay tumutukoy sa mga piraso ng bakal, tanso, at plastik. Subalit hindi dapat limitahan sa mga nabanggit ang pagtukoy sa yaman, kundi pati na rin sa iba pang bagay na direktang mapapakinabangan tulad ng mga napulot ko.

Isa sa dahilan kung bakit nasisira ang normal na sikulo ng panahon ng mundo ay ang walang patumanggang pagtapon ng basura, kaya ang iba’t ibang mga bansa ay nagkanya-kanya sa pagpanukala ng “recycling program”.  Obligasyon ng bawa’t mamamayan ang makiisa sa ganitong uri ng panawagan na ang makikinabang ay buong sangkatauhan at malaking tulong din kay Inang Kalikasan.


0

Yesterday, Today, Tomorrow....

Posted on Thursday, 10 July 2014

Yesterday, Today, Tomorrow…
By Apolinario Villalobos

Yesterday…
Birds glided on the immaculately clean air
Trees swayed to the wind’s gentle blow
That also teased undulating grass blades,
Rivers flowed with gay abandon
Drenching boulders on their way
While fishes, swam joyfully.

Sun-drenched grains waited to be reaped
Fruits, sweet and ripe, tempted children
Who played tag, giggled and squealed,
While fathers and mothers gazed
With contentment at the distance
Giving each other, a loving glance.

Today…
The air is silent, void of avian chirps and calls
Trees stand devoid of swaying leaves
And scorched grasses limp with lifelessness,
Rivers fight for life, gagged with waste
Boulders crack with ugliness, and dry
While fishes, weakly drift by.

Once proud stems heavy with golden grains
Cringe to the cruel nature’s heavy blow
Just like the branches without sweet fruits,
Children once bubbly, are not anymore
Instead, cry to hide the pang of hunger -
Oh, such wasted lives, so tender!

Tomorrow…
Will the world be still alive?
-with the air heavy with toxin
-with rivers curdling with waste
-and, with self-destructing human race?
Will the world be still alive…with God’s grace?