Showing posts with label garbage. Show all posts

0

The Desire to Survive

Posted on Sunday, 16 October 2016

The Desire to Survive
By Apolinario Villalobos

All creatures have the innate instinct to survive, either in their sedentary state that do not involve others or in their struggle against their prey. In an urban setting, the ultimate struggle to survive is what scavengers do – live on what can be salvaged from the dump. The indolent on the other hand, live life the easiest way by resorting to evil acts as means to exploit others.

Some plants practically take root even in minute crevices of concrete walls and rock faces of cliffs. Still other plants excrete substance that coat their stem and leaves that some insects living around them use as food, thereby, providing their benefactor protection against their prey.

The classic manifestations of man’s struggle to survive are the wars; among the animals, are their deadly encounters with their kind; and for the plants, the effort to reach up higher skyward than others for the best exposure to the sun.

Without the desire for survival, the purpose of life is lost.










0

Dahil sa Pahabol na Dalawang Tulong, Nabuo ang Anim na Kariton para sa mga Kaibigan kon Scavengers

Posted on Wednesday, 24 August 2016

DAHIL SA PAHABOL NA DALAWANG TULONG
NABUO ANG ANIM NA KARITON PARA SA MGA KAIBIGAN KONG SCAVENGERS
Ni Apolinario Villalobos


Nang mag-“clearing operation” ang Manila social workers ay maraming natutulog sa bangketa ang hinakot sa mga pansamantala nilang detention sites tulad ng Boys’ Town sa Marikina. Sa kuwento ng isang mag-asawa na may dalawang buwang sanggol, sapilitan ang ginawang paghakot – ang sanggol ay hinablot mula sa ina kaya napilitan itong bumaba mula sa karitong hinihigaan, nabinat at muntik pang mamatay. Kinumpiska ang kanilang kariton pati ang mga gamit, kasama ang sa sanggol. Ang nangyari sa kanila ay nangyari rin sa iba pang nakatira sa kariton.

Ang pinakamurang kariton ay nagkakahalaga ng Php1,700 kaya ang mga taong kinumpiskahan ay hirap sa pagkaroon uli. Sa ganitong kalagayan nang makilala ko ang unang apat na pamilyang nakilala ko, na nadagdagan ng dalawa pa. Pinarating ko ang kanilang problema sa ilang pinagkakatiwalaang kaibigan na nag-ambag ng pampagawa subalit ang nalikom ay para lang sa unang apat na pamilya. Mabuti na lang at may sumalong dalawa pang donor para sa pinahabol na dalawa pa.

Ang dalawang humabol sa pagbalikat ng gastos para sa dalawang kariton ay sina “Mr. F” at “Angel Baby”, ayaw kasi nilang magpabanggit ng tunay nilang pangalan. First time nilang magpaabot ng tulong sa ginagawa ko. Napag-alaman kong may sarili rin pala silang paraan sa pagtulong ng mga nangangailangan. Maraming natulungang ibang tao at kamag-anak si “Mr F”. 

Si “Angel Baby” naman ay madalas din magbigay sa mga kapus-palad na kumakatok sa kanilang gate. Tuwing summer naman o bakasyon sa eskwela, ilang mga batang nakatira sa squatters’ area malapit sa kanila ang tinitipon niya sa garahe nila upang turuan ng mga Marian songs na pang-Flores de Mayo at pinapakain ng meryenda. Marami rin siyang mga nakalaang damit, sapatos at iba pa na hindi nila ginagamit, na maingat niyang itinatabi para sa mga naghahakot ng basura.

Ngayon, ang mga nabigyan ng mga kariton ay tuwang-tuwa dahil hindi na sila nahihirapan tuwing sila ay maglibot upang mamumulot ng mga mapapakinabangan sa mga basurahan. May lagayan na rin sila ng mga bagong naipong gamit, na dala-dala nila saan man sila makarating, subalit tuwing Sabado o Linggo ay bumabalik sila malapit sa lugar kung saan sila hinakot ng mga Social Workers noong mga unang ni Duterte bilang presidente.




0

We Blame Everybody, but Ourselves

Posted on Monday, 7 September 2015

We Blame Everybody, but Ourselves
By Apolinario Villalobos

I have to mention again that every time we point an accusing finger to others, the three other fingers are pointing at us. For every fault, we have the habit of blaming it on others, but forgot that we may be faulted, too, for what we are accusing others.

For the heavy traffic for instance, all motorists blame the government and its concerned agencies. But they forgot about their car collections and fleet of expensive cars so that each member of their family drives one. They forgot that because of vanity, or just the sheer of showing off a little opulence despite just renting a room, they buy cars and park them on streets. They forgot that they do not observe traffic rules, thereby adding to the chaos and confusion, further resulting to the unmoving traffic. They forgot that their cars are the old type that conk out without warning in the middle of the street. They forgot that they give grease money to corrupt traffic enforcers, at times.

Motorists blame the government for the incessant rising of fuel prices. But they forgot that buying cars and motorcycles that made them suffer the consequence was their choice, not anybody else’s. They forgot that they were tempted by the low down payments offered by the wise salesmen, so they bit the bait.

For the perpetual flooding of the streets, city dwellers blame the government, yet, they forgot that they are also guilty of dumping garbage just anywhere when there is an opportunity. They forgot that they do not recycle plastic materials so that these will not add up to accumulated garbage. They forgot that they practically let everything – fish bones, veggie scraps, rice, etc. down the drain when they prepare their meals and when washing dishes. They forgot that they dump garbage-filled shopping bags in any open manhole that they can find on their way to the office. They throw garbage along freeways as they cruise along on their car, or into the Pasig River and its tributaries that flow to Manila Bay. They also forgot that they remove manhole covers during flood to allow the fast flow down them – with garbage!

For the landslides in the countryside resulting from the denuding of forests, affected people blame the corrupt stakeholders and financiers of illegal logging concessions, some of whom are government officials. They forgot that they are employed by these unscrupulous people as chainsaw operators and haulers of logs down the streams to the lowlands, practically, every able member of their family floating with logs to pick up points. They, who live in huts under the heavy foliage of forest trees, even get angry at the site of people from the Bureau of Forestry, and who walk over their “kaingin” to serve them notice of desistance.


For corruption in the government, Filipinos condemn the officials, the lawmakers. But the big question is, “who installed them in their positions by virtue of suffrage?” Whose hands were greased with cold cash in exchange for their sacred votes?

0

Isang Suhestiyon upang Mabawasan o Tuluyang Mawala ang mga Basura, at Kikita pa ang mga Mahihirap

Posted on Monday, 27 April 2015



Isang Suhestiyon Upang Mabawasan o Tuluyang Mawala
Ang mga Basura, at Kikita pa ang mga Mahihirap
Ni Apolinario Villalobos

Lubusang mabibigyan ng magandang kahulugan ang kasabihang “may pera sa basura”, kung bibilhin ng pamahalaan ang basura. Kapag magkaroon ng ganitong programa ang pamahalaan, siguradong wala nang makikitang maski plastic ng ice candy sa paligid dahil magkakanya-kanya ng ipon ang mga tao, lalo na ang mga bata.

Ito ang suggested na paraan:

1.      Ang mga barangay ang bibili ng mga basura mula sa kanilang nasasakupan. Dapat ang basura ay maayos sa pagkabalot batay sa alituntunin na paghiwalay ng mga hindi nabubulok sa mga nabubulok. Ang mga mari-recycle tulad ng bakal, bote, at iba pa na binibili na ng mga junk shop ay hindi bibilhin upang may kita pa rin ang mga ito. Ang hindi maayos sa pagkakabalot ay hindi bibilhin.

2.      Por kilo ang bilihan, halimbawa ay Php2.00 bawat kilo para sa nabubulok at Php3.00 kada kilo naman sa hindi nabubulok. Kasama sa mga bibilhin ay mga dahon, tuyong sanga na pinagputul-putol upang magkasya sa sisidlan. Hindi bibilhin ang mga basurang nangangamoy upang matuto ang mga tao sa pagdispatsa nito ng maayos tulad ng pagbabaon sa lupa, o paggamit bilang abuno ng tanim. Dapat ispreyhan ng barangay ang mga nabiling basura na maiimbak kahit nakabalot ang mga ito ng maayos upang mabawasan ang posibilidad ng pagkalat ng mikrobyo sa paligid ng imbakan.

3.      Ang mga barangay ay dapat “pautangin” ng DSW ng revolving fund na dapat ding ibalik sa itatakdang panahon na nakasaad sa kontrata o Memorandum of Agreement, at ito ay isasailalim sa COA audit kaya sagutin ng barangay kung ito ay mawawaldas. Kasama sa Memorandum of Agreement ang munisipyo o city government bilang saksi. Kailangang tulungan ng munisipyo o city hall ang DSW sa pamamagitan ng regular na pag-check kung maayos na naipapatupad ang programa.

Sa laki ng pondong ibinibigay sa DSW, dapat may bahagi nitong nakalaan sa mga proyektong nakikita ang resulta o yong tinatawag na tangible. Marami ang nagdududa sa DSW kung ang pondo na binibigay dito ay nagagamit ng maayos sa kabila ng magandang layunin nitong makatulong sa mahihirap na pamilyang may mga batang pinag-aaral. Dapat lang na ma-involve ang ahensiyang ito dahil ang programa ay tungkol sa pagpapaunlad ng buhay ng mga taong mahirap.  Ito na ang pagkakataon upang makapagpakita ng katapatan ang DSW sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

Kung ang basura ay bibilhin, siguradong pag-aagawa na ito ng mga tao. Magkakanya-kanya na rin sila ng paglibot sa kanilang komunidad upang makaipon ng basura. Maliban sa kalinisan na layunin ng programa, sigurado na ring kikita ang mga mahihirap.

0

Mga Kayamanang sa Iba ay Basura...tulong sa Inang Kalikasan kung pakikinabangan pa

Posted on Monday, 12 January 2015



Mga Kayamanang sa Iba ay Basura
…tulong sa Inang Kalikasan kung pakinabangan pa
Ni Apolinario Villalobos

Nang minsang papunta ako sa Tondo, may nadaanan akong tambakan ng mga basura at napansin ko ang malaking tumpok ng mga tarpaulin na pinagtabasan. Nang busisiin ko ay malalaki pala ang mga sukat at maaaring pagtagpi-tagpiin. Pumasok agad sa isip ko ang mga nakatira sa bangketa na wala man lang banig at ang mga nagkakariton na ang tanging pananggalang sa init at ulan ay mga punit na plastik. Mabuti na lang at may dumaang traysikad at nagpatulong ako sa drayber nito upang matupi nang maayos ang mga tarpaulin. Tinanong ko ang bata kung may alam siyang mananahi, tiyempo rin na may alam din siya pero tatawid kami ng Recto dahil malapit ang mananahi sa Bambang market kung saan ay matatagpuan din ang original na “ukay-ukay” sa Maynila. Pagkalipas ng halos dalawang oras ay nakayari kami ng 14 na tarpaulin na ang sukat ng bawat isa ay 4 feet by 6 feet, pagkatapos na pagtagpi-tagpiin ang mga retaso!

Minsan naman, may nadaanan akong namamasura na nag-aayos ng kanyang mga kalakal sa isang tabi. Napansin kong maraming mga notebook. Pumasok agad sa isip ko na malamang maraming pahinang wala pang sulat, na tama nga. Nakiusap ako sa nangangalakal na tulungan akong ipunin ang mga pahinang malilinis pa at babayaran ko siya ng doble sa inaasahan niyang halaga kung ipapatimbang niya sa junkshop ang mga notebook. Nang makatapos kami sa pagpilas ng mga malilinis na pahina, nakaipon kami ng mahigit dalawang dangkal na malilinis na mga pahina! Walang problema sa paghati-hati at pag-staple dahil may malaki akong stapler sa bahay. Para ang mga ito sa mga batang halos hindi makabili ng gamit sa eskwela na nakita ko sa bangketa ng Divisoria. Tamang-tama rin dahil may ipinadalang mga lapis naman ang isang kaibigan ko na nasa Amerika.

Sa tambakan naman ng basura sa tabi ng isang bodega, may nakita akong mga gomang tsinelas. Maayos pa ang karamihan ngunit nangitim lang dahil sa pagkakaimbak. May mga sapatos din na goma, maayos pa rin subalit bakbak na ang mga disenyo at marka. Naalala ko ang mga batang nakita ko na nakapaa habang namumulot ng mga lantang gulay sa Divisoria at kung pumasok sa eskwela ay nakatsinelas lang. Mabuti na lang at may isang tindahan sa hindi kalayuan na nagtitinda ng bigas, kaya may nabili akong dalawang basyong sako na pinaglagyan ng mga naipon kong tsinelas at sapatos.

Kung panahon ng baha, maraming matitiyempuhang itinapong binahang mga damit. Hindi rin ako nahihiyang ipunin ang mga maaayos at pinalalabhan ko sa asawa ng nakaibigan kong nakatira sa tabi ng Ilog Pasig, upang maipamigay naman. Yong mga kaibigan nila na gustong magkaroon, hinahayaan kong pumili, basta sila na ang maglaba. Ang mga natuyo na natira pagkatapos nilang pagpilian ay binibigay ko sa iba kong kaibigan.

Ang mga ikinuwento ko ay maaari ring gawin ng iba basta ang itanim lang sa isip ay, maliban sa makakatulong sa iba… nakakabawas pa ng matatambak sa basura. Isa sa mga paalala ng mga grupong maka-kalikasan sa Pilipinas ay “may yaman sa basura”, na para sa iba ay tumutukoy sa mga piraso ng bakal, tanso, at plastik. Subalit hindi dapat limitahan sa mga nabanggit ang pagtukoy sa yaman, kundi pati na rin sa iba pang bagay na direktang mapapakinabangan tulad ng mga napulot ko.

Isa sa dahilan kung bakit nasisira ang normal na sikulo ng panahon ng mundo ay ang walang patumanggang pagtapon ng basura, kaya ang iba’t ibang mga bansa ay nagkanya-kanya sa pagpanukala ng “recycling program”.  Obligasyon ng bawa’t mamamayan ang makiisa sa ganitong uri ng panawagan na ang makikinabang ay buong sangkatauhan at malaking tulong din kay Inang Kalikasan.