Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila
Posted on Friday, 30 June 2017
Ang Solusyon sa Trapikong Sumasakal sa Kalakhang Maynila
Ni Apolinario Villalobos
Nagpapakahirap ang gobyerno at Metro Manila Development
Authority sa paghanap ng paraan kung paanong mabawasan ang trapik sa kalakhang
Maynila, ganoong ang solusyon ay nandiyan lang…ang Pasig River. Dapat linisin
lang consistently ang Pasig River upang hindi gamiting dahilan ang mga water
liliy na sumisira sa mga makina ng mga sasakyang pang-ilog tulad ng ferry.
Subalit, ang mga proyekto sa paglinis ng Pasig River ay hanggang launching
lamang….kodakan ng mga opisyal na gustong makita ang mga mukha sa diyaryo at TV….pagkatapos
ng launching, goodbye na sa project….nagkalimutan na. Tuwing may bagong
administrasyon, bagong proyekto din ang nilo-launch. GANYAN KAPANGIT ANG UGALI
NG MGA NAKAUPONG OPISYAL….MGA MATATAKAW SA PHOTO OPPORTUNITY….ANO ANG NANGYARI
SA “PISO PARA SA PASIG” NA SINIMULAN NI MING RAMOS NOONG PANAHON NI FIDEL RAMOS
PRESIDENTE?....WALA!!!!!!
Hindi na dapat pang ipilit ang paggamit ng mga masisikip
nang mga kalsada na pinupuno ng mga kotse ng mga mayayaman at mga bus na galing
sa ibang bansa na ang hangad ang lokohin ang Pilipinas na tinatapunan ng mga
bus na gawa nila. Nakakabahala ang planong paggawa ng subway sa Metro Manila
dahil sa palyadong drainage system na ang iba ay iniwang nakatiwangwang.
Siguradong pagbaha, maraming malulunod sa mga subway trains. KUNG ANG LRT AT
MRT NGA LANG AY MAHIRAP NANG I-MAINTAIN DAHIL SA CORRUPTION, ANG SUBWAY PA
KAYA? HINDI PWEDE ANG MGA GANYANG HI-TECH NA FACILITY SA PILIPINAS DAHIL SA
CORRUPTION NA MALALIM ANG PAGKABAON SA SISTEMA….ISANG MAPAIT NA KATOTOHANAN!
Kung sa Bangkok, nagawang i-maintain ng gobyerno ang
kalinisan ng main river nila na tinuturing din nilang major traffic artery,
bakit hindi ito magawa sa Maynila? May floating market ang Bangkok na pwedeng
gawin din sa Maynila, subalit ang problema ay ang mga burarang mga iskwater na
nakatira sa mga pampang (river banks) na kapag inalis ay aalmahan naman ng mga
komunistang grupo at mga human rights advocates kuno.
Ang Pasig River ay pwedeng gawan ng bicycle lane na may
bubong mula Escolta hanggang Laguna at iba pang arteries na dumadaloy sa iba’t
ibang lunsod at bayan sa buong kalakhang Maynila. Upang magkaroon ng seguridad
ay dapat lagyan ng mga ilaw at mga pulis outpost sa mga designated entrance/exit
areas kung saan ay pwedeng umakyat at bumaba ang mga commuting cyclists. Pwede
ring lagyan ng mga rest areas na may snack kiosks para magamit na pahingahan.
Sa simula pa lang ay dapat na itong kontrolin upang hindi magamit ng mga
sidewalk vendors. Kapag nangyari yan, ang mga commuters ay gaganahang mag-bike
kaysa sumakay ng bus, LRT o MRT dahil makakatipid na sila.
Ang hirap kasi sa gobyerno ng Pilipinas, karamihan ng mga
nakaupong opisyal na mga matatalino kuno ay graduate at nagseminar sa ibang
bansa kaya ang mga natutuhan ay HINDI ANGKOP sa Pilipinas. Yan ang resulta ng
ugaling pangongopya ng mga Pilipino. Dapat ay isaalang-alang ang kultura ng mga
Pilipino pagdating sa mga proyekto dahil unang-una, walang disiplina ang mga
Plipino. Dahil diyan, ang nangyayari sa Singapore ay IMPOSIBLENG mangyari sa
Pilipinas dahil sa ugali ng mga hangal na opisyal na ang palaging tinitinghan
sa mga proyekto ay kung paano silang kumita ng komisyon…AT LALONG DAHIL SA
KAWALAN NG DISIPLINA NG MGA PILIPINO, NA KAPAG SINITA SA GINAWANG MALI AY
TATAKBO SA HUMAN RIGHTS COMMISSION!!!!!
Discussion