Huwag Magpaka-kampante (Don't be too confident)
Posted on Sunday, 4 June 2017
HUWAG MAGPAKA-KAMPANTE
(Don’t be too confident)
Ni Apolinario Villalobos
Ang terorismo ay parang tubig na pilit naghahanap ng butas,
kahit kasing-liit ng buhok upang malusutan. Nangyayari na ito ngayon sa Europe
kung saan ay kabi-kabila ang pagpapaputok ng bomba na inaako naman ng mga
terorista. Sa kabila ng makabagong gamit sa mga airport at mga daungan at
pagka-istrikto ng mga guwardiya, nakakalusot pa rin ang mga terorista sa ilang
bansa sa Europe….sa Pilipinas pa kaya na kapos sa mga gamit?
Noon ang mga terorista sa Pilipinas ay mga maka-kaliwa o
leftist, kilala agad dahil gumagamit sila ng pula bilang kulay at ordinaryong
bomba, pero ngayon, sophisticated na ang mga bomba at kayang pasabugin ng isang
remote control gamit ang cellphone. Nadagdagan ang mga local na terorista nang
pumasok sa eksena ang Abu Sayyaf at Maute Group. At, ang mga ito ay may mga
kamag-anak sa mga komunidad na akala ng lahat ay tahimik. Sa mga lugar na yan
nagtatago ang mga terorista, kapiling ang kanilang mga pamilya na ang kinakain
ay galling sa masamang ginagawa bilang terorista.
Kaylan lang ay nilusob ng Maute Group ang Marawi City na
naging sanhi ng pagkamatay ng maraming residente, kasama na ang mga pinugutan
ng ulo. Para sa akin, hindi dapat asahan ang sinasabi ng militar na kontrolado
na nito ang sitwasyon. Ganyang-ganyan ang pangako ng mga opsiyal ng military na
kontrolado na kuno nila ang Abu Sayyaf at ilang linggo lang ay “mapupulbos” na
ang grupo….hanggang ngayon ay may kidnapan pa rin. Ang malaking tanong ay,
bakit NAPAKA-PALPAK ANG INTELLIGENCE SYSTEM ng military at PNP….saan napunta
ang malaking budget na hantarang alam ng publiko at ang budget na hindi na
ina-audit na “intelligence fund” nila?
Ang kalakhang Maynila, partikular ang casino ng Resorts
World sa Pasay, ay ginimbal din ng mga pagsabog at putukan, at ito ay malapit
lang sa NAIA Terminal 3. Ano ngayon ang masasabi ng mga taga-Maynila tungkol sa
Martial Law sa Mindanao, lalo na si Trillanes? Masasabi pa ba nila na atat na
atat si Duterte na maging diktador kaya nag-declare ng Martial Law sa Mindanao?
Kapag minalas-malas ang Pilipinas, baka ang malalaking lunsod
sa Luzon at Visayas ay “testingin” din ng mga terorista.
Ang mga hinayupak na mga human rights advocate ay hadlang sa
mga hakbang ni Duterte upang magkaroon ng katahimikan ang bansa. DAHIL SA
KABOBOHAN NILA HINDI NILA INUUNAWA ANG PAGKAKAROON NG “COLLATERAL DAMAGE” KAPAG
NAGSAGAWA NG MGA OPERATIONS. ANG MGA “COLLATERAL DAMAGE” NA ITO AY ANG MGA
TAONG MAY MATITIGAS NA ULO DAHIL AYAW UMIWAS SA MGA OPERATION AREAS O DI KAYA
AY AYAW MAKIPAGTULUNGAN. IILAN LANG BA ANG MGA NAMAMATAY NA ITINUTURING NA
“COLLATERAL DAMAGE” KUNG IKUKUMPARA SA DAMI NG MAKIKINABANG?....YAN ANG HINDI
INIISIP NG MGA IPOKRITONG HUMAN RIGHTS ADVOCATES KUNO!....SILANG MATATAKAW SA
PUBLICITY, KAYA MAKAPAG-INGAY LANG AY OKEY NA!
Discussion