0

Alimu-om

Posted on Monday, 26 June 2017

Alimu-om
Ni Apolinario Villalobos

Sa biglang pagpatak ng ulan sa lupang tigang
Alimu-om ang sumisingaw
Animo ay manipis na usok
Ang amoy, nakasusulasok!

Ganoon din ang pagsingaw ng bahong itinago
Pilit sumisingaw, umuusbong
Hindi maitatago, umaalagwa
Mga pagbubunyag ang badya!

Akala ng mga tiwali, sila ay ganoon na katalino
Lahi daw, may bahid ng bayani
Wala pa namang napatunayan
Baka sakali, isa ding kawatan!

Ang mga ayaw umamin sa kasalanang nagawa
Naglilipana sa senado, kongreso
Kalinisan daw nila’y walang duda
Kahi’t tunay na kulay ay lantad na!

Mga alimu-om sa pagkatao ng mga taong tiwali
Naamoy sa apat na sulok ng bansa
Hindi natatakpan ng salita at ngiti
Dahil sa paningin ng Diyos –
sila’y talagang  maling-mali!


Note:
Nakakasusulasok – odorous
Umaalagwa – overflowing
Badya – warning


Discussion

Leave a response