0

The Problem with the Hypocrites

Posted on Saturday, 24 June 2017

THE PROBLEM WITH THE HYPOCRITES
Ni Apolinario Villalobos

·        Naging maayos lang ang buhay dahil ang asawa ay nakapagtrabaho sa Saudi o nakasakay sa barko bilang seaman, nakalimot nang noon ay halos hindi makatapos ng highs school dahil mahirap ang magulang….ibig sabihin, hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, kaya pati lasa ng tuyo o dried fish ay nakalimutan na. At sa sobrang pagka-trying hard na mayaman, halos punuin ang bahay ng mga gamit na hindi naman alam gamitin kundi pinangdi-display lang dahil sa kayabangan.
·        Nakatapos lang college ay ikinahiya na ang magulang na nagtatrabaho sa abroad bilang domestic helper o di kaya tricycle driver o di kaya ay nagtitinda ng gulay sa palengke. Kahit sa bahay ay pa-ingles ingles pa at pinagtatawanan pa ang mga magulang na nakatulala dahil hindi makaunawa ng Ingles.
·        Nagkataon lang na naging apo ng kinikilalang pamilya, naging mayabang na ganoong ang yaman ng mga lolo at lola ay hindi naman pinaghirapan ng mga magulang kundi minana lang o mamanahin pa lang.
·        Nagkaroon lang ng mga kaibigang mayaman, kumikilos nang mayaman din kahit mahirap lang ang pamilya kaya ikinahihiya ang mga magulang.


MAGBAGO NA KAYO!

Discussion

Leave a response