Mindanao
Posted on Saturday, 17 June 2017
Mindanao
By Apolinario B Villalobos
Itinuring na lupang ipinangako -
Ng mga Pilipinong dito ay napadako
Mga naglakas -loob na makipagsapalaran
Hindi inalintana panganib na madadatnan.
Maraming kuwento ang aking nalaman -
May mga kulay ng lungkot at kaligayahan
Nguni’t lahat ay puno ng hangarin, ng pag-asa
Sa lupang ipinangako, magigisnan, bagong umaga.
May mga Pangasinense, Kapampangan, Ilocano
Mayroong Bicolano, Bulakeño, Caviteño, Batangueño
Mga taga-Luzon silang dala ay lakas ng loob, kasipagan
Hindi ininda ang init sa
pagbungkal ng tigang na kabukiran.
Mayroon ding galing sa Antique, Negros, isla ng Cebu
Sumunod ang mga taga-Leyte, Antique, Guimaras at Iloilo
Ano pa nga ba’t sa malawak, mayaman at luntiang Mindanao
Iba’t iba man ang salita,
pagkakaisa pa rin, pilit na nangibabaw.
Hitik sa kwentong makulay ang buong isla ng Mindanao
Unang tumira’y mga kapatid nating sa relihiyon, iba ang
pananaw
Silang mga taal na
katutubo, makukulay, matatapang at mahinahon
Tanging hangad ay mabuhay ng matiwasay, tahimik, sa lahat ng
panahon.
Ang mga Kristiyano,
Muslim, Lumad – lahat sila ay nagkakaisa
Nagtutulungan, nagbibigayan, mga paniwala man nila ay
magkaiba
Nguni’t dahil sa makasariling hangad ng ilang gahaman sa
kapangyarihan
Animo kristal na nabasag, iningatang magandang samahan at
katahimikan.
Nguni’t tayo ay Pilipino, iba tayo – lumalaban na may
masidhing pag-asa
Sa harap ng masalimuot na mga problema, matatatag na kalasag
ay nakaamba
Ito’y ang masidhing paniniwala sa Maykapal, malalim at
marubdob na kapatiran
Ugaling nagbuklod sa mga taga-Mindanao, magkaiba man ang
pananaw at kaugalian.
Ating isigaw-
Mabuhay ang Mindanaw!
Discussion