0

Ang Dalawang Uri ng Tao

Posted on Tuesday, 20 June 2017

Ang Dalawang Uri ng Tao
Ni Apolinario Villalobos

Sa aking palagay at opinion, dalawang uri ng tao mayroon sa ibabaw ng mundo:

·        Abnormal- taong nakapag-aral at matino ang pag-iisip, pero hindi ginagamit ang mga ito upang mabuhay o maituring siyang normal….choice niya ang pagiging abnormal.
·        Normal- taong may diperensiya ang isip kaya ang kilos at takbo ng isip ay ayon sa kanyang kalagayan, at dahil hindi niya alam ang ginagawa, wala siyang choice.

Ang mga taong abnormal ang itinuturing kong mga salot ng lipunan dahil kahit alam nilang mali ang paggamit ng droga ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang mali ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang masama ang manlamang at manloko ng kapwa ay ginagawa pa rin nila. Kahit alam nilang kaya sila nag-aral upang makatapos ay upang makatulong sa sarili at kapwa, nagpapabaya pa rin sia.


AT, DAHIL SA DAMI NG MGA ABNORMAL SA MUNDO AY NAHAWA NA RIN ANG KALIKASAN KAYA NAGING ABNORMAL NA RIN ANG PAGSAPIT NG MGA PANAHON. ANG MGA BAGYO AT BAHA AY NANGYAYARI SA MGA BUWANG DAPAT AY TAG-INIT. ANG MATINDING INIT AY NANGYAYARI SA MGA BUWANG DAPAT AY TAG-ULAN.

Discussion

Leave a response